Dinala ko siya sa tabi ng dagat malapit sa lumang port, maraming namamasyal dito dahil kapag hapon ay napakagandang pagmasdan ng pagsikat at paglubog ng araw. Tumabi ako sa wheelchair ni Terra, hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. Nakatingin lang sakin si terra, nakakunot ang noo at parang pilit na may inaalala. Inalis din niya ang pagkakatitig sa akin at ibinaling ang atensyon sa dagat na masayan4 humahampas sa dalampasigan.
"Paano tayo nagkakilala?" Tanong niya at napangiti naman ako.
"Nang dahil sa kapatid mo. Si Mesaiyah, kinidnap kita at nagpretend na maraming utang sa akin ang papa mo, dapat mong bayaran ang mga utang ng papa mo sakin kaya naging kasama kita sa bahay." Sagot ko. Okay nang ganito ang mga tinatanong niya sakin. Atleast kahit papaano ay baka sumagi sa kanya ang nakaraan namin.
"Pero bakit bukod na mukha ang nakikita ko?" Napatingin ulit ako sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya kasi hindi ko naman siya masisisi kung bakit hindi ako ang maalala niya.
"Wag mo nalang isipin, Terpa. Baka magsakit lang ang ulo mo. Umuwi na tayo para makapagpahinga kana." Sabi ko at tumayo na.
Bumalik na kami sa ospital, inalalayan ko siyang umupo.
"Dito ka lang hah. Kukuha lang ako ng makakain natin. Wag kang lalabas, terra." Sabi ko at bago umalis ay hinalikan siya sa noo.
Lumabas na ulit ako ng ospital at bumili ng pagkain.
Pagkabalik ko sa kwarto, wala na akong Terra na naabutan. Hindi ko siya nakasalubong noong papasok na ako. Baka nasa ospital pa rin siya, agad akong nagtatakbo palabas. Hinanap ko siya sa palibot ng ospital pero wala, hindi ako nagpapahinga kahit pagod na pagod na ako kakatakbo. Kailangan ko siyang mahanap, baka kung saan siya magpunta.
Terra, nasaanka na ba? Terra! Nag-aalala na ako...
"Miss, may napansin ka bang babae na nagpapalakad-lakad mag-isa? Hanggang balikat po ang buhok niya at medyo maputi.." pagtatanong ko pero wala daw siyang nakita.
Napansin ko si Nanay na papasok ng ospital kaya hinabol ko siya.
"Nancy.."
"Oh, kerk.."
"Nakita mo bang lumabas si terra?"
"Hindi eh. Bakit?"
"Wala kasi siya sa kwarto niya. Iniwan ko lang siya para bumili ng pagkain tapos pagbalik ko wala na siya."
"Ah, sige tulungan na kitang maghanap. Baka nandito lang 'yun." Sagot niya.
Naghanap ulit kami pero wala.
"Wala ehh.." wika ni Nancy
"Terra, nasaan ka na ba?" Hopeless kong sabi atsaka bumuntong hininga
"Makikita rin natin 'yun. Naalagaan mo nga siya ng dalawang taon, makita pa kaya. Tiwala lang. Parang ngayon ka pa yata mawawalan ng pag-asa ah." Nancy said trying to cheer me up. Nag-aalala lang naman kasi ako kay terra, baka napano na siya.
KERRA
Tulala..
Tulala..
Tulala..
Hindi pa rin nagsisink in sa utak ko ma umalis na si Edward. Madaya talaga, iniwan ako. Sa ngayon, nakatitig lang ako sa mga sasakyang nagdaraan, siguro mamaya, bigla nalang may tutulong luha sa mata ko. Hindi pa ako nababalutan nang kalungkutan, pakiramdam ko may bestfriend pa ako na pupuntahan sa bahay nila, may bestfriend pa na dadalaw sa akin...sa ngayon, pinapaasa ko pa ang sarili ko na nasa tabi ko pa rin si Ed.
Naagaw ng pansin ko ang babaeng walang takot na tumatawid sa kalsada. Busina ng busina ang mga driver. 'Yung iba nagmumura dahil sa abala, parang wala sa sarili 'yung babae kaya tumayo ako at pinuntahan siya.
"Pasensya po. Pasensya." Ako na ang humingi ng dispensya sa mga driver na mainitin ang ulo. Inalalayan ko siya, naghanap ako ng mauupuan namin at may nakita naman akong bench.
"Ate, okay ka lang ba?" Tanong ko at nakakunot-noong tumingin siya sakin. Hindi niya ako sinagot. Aba, bastusan. Djk. Parang walang alam talaga si ate. Tahimik lang siya at maya-maya'y napansin ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mata.
"Ate, bakit nag-iisa ka lang?" Tanong ko ulit. Parang may kamukha siya, parang siya 'yung nakita kong binabantayan ni kerk dati.
"May hinahanag ako." Sabi niya atsaka tumingin sakin
"Sino po ang hinahanap mo?"
"Si Junn. Kilala mo ba si Junn? Maaari mo ba akong dalhin sa kanya?"
Junn? Si kuya ko ba ang tinutukoy niya? Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang braso at inalog-alog, nagmamakaawang dalhin ko siya kay Junn.
"Ah, s-sige po. D-dadalhin kita kay kuya Junn."
Hindi naman si kuya lang ang may pangalan na Junn dito eh. Pero sige na nga...sa bahay ko na rin siya dadalhin kasi mukhang nawawala eh.
Alam kong nasa bahay na si kuya, kasama ko kasi 'yun sa paghatid kay Edward sa Airport. Pinauna ko lang umuwi si kuya, gumala muna ako para magemote sa bestfriend kong kaaalis lang.
"KUYA!" sigaw ko pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay. Agad namang lumabas si kuya sa lungga niya at pagkakita nang babae kay kuya ay agad niyang niyakap ito.
----
Stay tune!
Nakapagupdate din sa wakas. :))
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover