Chapter 3- The Encounter

6 1 0
                                    

Nagmamadaling humakbang si Krystal sa oras na iyon, kailangan niyang abutan ang oras na alas otso dahil ayaw niyang pumila ng pagkahaba-haba. Inutusan siya ng kanyang lola upang magbayad ng SSS ng kanyang lolo. Ang pinaka-ayaw niya ay ang maghintay at pumila ng pagkatagal-tagal, maikli ang pasensya niya, batid niya iyon. Akmang papasok na siya sa gusali ng SSS ay may biglang bumangga sa kanya at napatilapon tuloy ang hawak-hawak niyang mga libro.

"Ouch!" napadaing siya sa sakit dahil malakas ang impact ng pagkabunggo sa kanyang balikat. Iyon pa man din ang isa sa pinakasensitibong parte ng kanyang katawan sapagkat may pilay siya doon simula pagkabata.

"Sorry Miss" wika ng taong bumunggo sa kanya. Sinulyapan niya ito at inirapan atsaka isa-isa niyang pinulot ang kanyang mga libro sa tulong ng security guard ng gusaling iyon.

"Eto pa miss," wika ng security guard habang inaabot sa kanya ang dalawa pa niyang libro. Kinuha naman niya ang mga ito at nginitian ang guard kapagkuwa'y nagpasalamat. Bago tuluyang pumasok sa gusali ay muli niyang sinulyapan ang taong nakabunggo sa kanya at muli niya itong inirapan dahil sa imbes na tulungan siya nitong pulutin ang mga tumilapon na kagamitan ay nanatili na lamang itong nakatayo at pinapanood sila sa pagpulot.

That face is so familiar, did I ever met that girl before?

Ito ang katanungan na naglalaro sa isip ni Lyle habang sinusundan ng tingin ang babaeng nabangga niya kanina. Napailing nalang siya dahil sa kawalang modo niya dahil hindi man lang niya ito tinulungan, napatingin siya sa may gawi ng security guard nang sakto naman na nakatingin ito sa kanya at nakakalokong ngiti ang ipinakita sa kanya. Tinanguan na lamang niya ito at nagsimula nang humakbang upang tumuloy na sa kanyang pupuntahan. Di pa man din siya nakakalayo ay pinukaw siya ng security guard,

"Sir! Teka lang," nilingon naman niya ang security guard at may iniaabot sa kanyang maliit na papel na kulay asul. Napakunot-noo naman siya at nagtatakang binalingan ang security guard.

"Para saan po iyan?" tanong niya rito na di pa rin kinukuha ang papel.

"Eh sir, sa inyo po yata ito, nakita ko po kasi sa may entrance," sagot nito sa kanya. Kinuha niya ang maliit na papel at binasa ang nilalaman. Isa itong college exam permit sa paaralang Benguet State University.

Nanlaki ang mga mata ni Lyle dahil sa nabasa niyang pangalan na may-ari ng permit.

Krystal Gonzales?! Damn I know this person!

"May problema po ba sir?" tanong ng security guard dahil sa pagkakatigil niya. Bumalik naman siya sa kanyang katinuan at inilingan ang security guard kapagkuwan ay nginitian ito at sinabi,

"Ah opo sa akin po ito, salamat po ah." Tuluyan na siyang humakbang at nagpatuloy sa paglalakad, tiningnan niya ang kanyang wristwatch, mag-aalas nuebe na. Malelate na siya sa kanyang klase, sa fourth floor pa naman ang kanyang klase, buti nalang at malapit sa gusaling iyon ang kanyang paaralan. Tumakbo nalang siya upang makaabot. Saktong nagsipasok ang kanyang mga kaklaseng nakatambay sa labas ng silid ay nakarating siya sa kanilang silid kung saan magaganap ang kanyang unang klase. Naupo siya sa bakanteng upuan na nasa dulo saktong nasa may bintana at habang hinihintay ang kanilang instructor ay napatitig siya sa papel na hawak-hawak. Kung hindi siya nagkakamali ay ang babaeng kanyang nakabangga kanina ay ang may-ari ng permit na hawak-hawak niya ngayon.

Kaya pala pamilyar ang mukha niya.

Krystal Gonzales, hindi ko akalaing sa ganitong sitwasyon kita makikita at makikilala.

Tuluyang napangiti si Lyle at nakinig na sa leksyon na dinidiscuss ng kanilang instructor.

Ilang ulit na napapatingin si Krystal sa kanyang wristwatch, kahit na napaaga siya ay mahabang pila pa rin ang inabot niya. Mag-iisang oras na siyang nakapila ay benteng tao pa ang nasa unahan niya. Mukhang hindi siya makakaabot sa kanyang klase, alas onse ang kanyang klase at mag-aalas dyes na. Exam pa naman niya ngayon, buti nalang at nag-aral siya kagabi malamng ay nag-aaral siya sa oras na iyon habang nakapila. Hindi na siya mapakali dahil sa pag-aalala na baka malate siya, sa La Trinidad pa naman ang kanyang paaralan eh nasa Baguio siya ngayon.

When Love Conquered AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon