Katatapos lamang ng huling klase nila Krystal sa oras na iyon nang maisipan niya na maglakad-lakad na lang muna sa Km. 5. Marami kasing stalls doon na kung anu-ano ang display na mga paninda atsaka feel kasi niyang magfood trip tutal di naman niya nagastos iyong allowance niya sa oras na iyon. Naisipan nalang niyang lakarin tutal walking distance lang naman iyong Km. 5 mula sa CAS Building.
Nasa may tapat na siya ng BSU New Admin nang may kumalabit sa kanya.
"Hoy! Ikaw ha. Ang daya-daya mo. Hindi mo ako hinintay!" agad-agad na sabi ni Darlene sa kanya dahil ito ang kumalabit sa kanya. Iniiwasan na nga niya ang kaibigan dahil sawa na muna siya ngayon sa mga dada nito na halos pumutok na ang kanyang tainga sa di matigil-tigil na kwento nito. Eh ngayon, natiyempuhan nanaman siya nito,
"Ang ingay mo. Eh malay ko ba kung sa akin ka pala sasabay? Haler nakita ko kaya si boylet mo sa may labas kanina." Sagot ni Krystal na itinuloy ang paglakad.
"Boylet ka dyan. May ibinigay lang siya uy! Kaw kasi di muna naghintay. Eh saan ka naman pupunta niyan?" sabi ni Darlene na sinabayan na rin siya sa paglalakad.
"Feel ko magfoodtrip. Sama ka?" diretsang tanong niya rito para hindi na mapahaba pa ang kanilang usapan.
"Sige ba! Gusto ko iyan, eh sakto gutom na ako. Lika, dito tayo sa McDo!" sagot at aya ni Darlene sa kanya na sinimulan na nitong hilahin siya sa may hagdan papunta sa McDo ngunit pinigilan niya ito at umiling,
"You're not even asking me kung saan ko gusto magfoodtrip. Hindi dyan, doon ako sa stalls jan sa may Tabanda Park."
"Nosebleed. Fine! doon tayo, eto naman masyadong hot-tempered."
Hindi na siya nagsalita pa dahil talagang wala siyang ganang makipagsumbatan sa ngayon.
Nasa Tabanda Park na sila at tumitingin-tingin sa mga food stalls at naghahanap na rin sila ng stall na pwede nilang pagfoodtrip an nang may bumunggo nanaman kay Krystal at ang masama sa may pilay niyang balikat.
"Ouch!" daing ni Krystal dahil sa sobrang sakit. Natamaan kasi nung bumundol sa kanya ang weakspot ng pilay niya. Ramdam niya na tumigas ang kanyang balikat at hindi niya ito maigalaw at sobrang sakit ang nararamdaman niya sa oras na iyon, maluha-luha na tuloy siya.
"Best! Halaa! Okay ka lang? tara sa BeGH, ipatingin natin iyang balikat mo." Taranta na sabi ni Darlene na di alam kung ano ang kanyang unang gagawin, patuloy naman si Krystal sa pagdaing,
"Best, ang sakit----------" di na naituloy pa ni Krystal ang buong sasabihin dahil unti-unting umikot ang kanyang paningin at nawalan na siya ng malay.
"Sorry Miss, hindi ko talaga sinasadya iyong nangyari kanina." Paulit-ulit na pagpapasensya nung lalaking nakabundol kay Krystal kay Darlene. Nagpupuyos naman sa galit si Darlene at idagdag pa ang matinding pag-aalala niya sa kanyang best.
"Palibhasa kasi di mo tinitingnan ang dinaraanan mo. Walang silbi iyang mga mata mo! Dudukutin ko iyan kapag malala ang kalagayan ng best ko, iyan ang tandaan mo!" banta ni Darlene doon sa lalaki. Takot naman ang bumalandra sa mukha nito. Nasa waiting area sila ng ospital sa oras na iyon. Itinakbo kasi nila si Krystal sa ER at ngayon ay hinihintay nila kung ano ang sabi ng doctor at kung ano na ang kalagayan ni Krystal ngayon.
"Grabe naman Miss. Di ko naman kasi talagang-"
"Sinadya mo man o hindi, wala akong pakialam. Kaya kung ayaw mong tuluyin ko iyang pagdukot sa mga walang silbi mong mata, lumayas ka na sa harapan ko!" galit na putol niya sa kung ano mang sasabihin nung lalaki.
"No, I'm not leaving, I want to make sure na ayos iyong kaibigan mo at well, tutal ako naman ang may kasalanan sa tingin mo, ako nalang magbabayad ng bill niya at gamot niya." Sabi nung lalaki. Napatampal noo naman si Darlene,
"Oo nga noh? Ambobo! Di ko naisip na may bill pala siya. Pero..." napatingin siya doon sa lalaki at pinanlakihan ng mata, " are you sure?? Ikaw magbabayad ng bill??" gulat na gulat na tanong niya. Tumango-tango naman iyong lalaki na pinipigil tumawa dahil umano sa reaksyon ni Darlene.
"Pero ... hindi porke't ikaw magbabayad ng bill, lagot ka pa rin sa akin. Hay buti naman, di na siya malalagot sa kanyang tita." Sabi ni Darlene sa lalaki na unti-unting humina ang kanyang boses na hindi naman nakaligtas sa pandinig nung lalaki.
"Anong sabi mo miss? Nakikitira pa rin ba siya sa kanyang tita?" tanong nito na ikinagulat naman ni Darlene at nabuo ang pagtataka niya sa isipan.
"Bakit?kilala mo ang kaibigan ko?" tanong niya rito, natigilan umano ang lalaki marahil ay natauhan ito pagdaka'y umiling at sinabi,
"Ahh never mind."
Sakto naman na lumabas na ang doctor na umasikaso kay Krystal at lumapit sa kanila.
"Kaano-ano niyo iyong pasyente?" tanong ng doctor kay Darlene at sa lalaking kasama niya.
"Kaibigan ko po. Kumusta na po siya doc?" agad na sagot ni Darlene.
Pumasok na iyong doctor ay nanlulumong napaupo si Darlene na naiiyak.
"Anong sabi nung doctor?" tanong nung lalaki. Tinignan naman ni Darlene nang pagkasamasama at pabulyaw na sinabi sa lalaki,
"Kasalanan mo ito eh! Kung naging maingat ka sana kanina hindi magkakaganito! Out of my sight bago may magawa pa ako sa iyong karumal dumal!" aminado si Darlene na pinagtitinginan na sila doon pero wala siyang pakialam, akma naman na lalapitan siya nung lalaki pero tinaasan niya ito ng kamao,
"Sabi ko, umalis ka na sa harapan ko! Alis ! ngayon na !"
Napilitan naman na umalis iyong lalaki at muli ay umupo si Darlene, sakto naman na palabas na si Krystal na may benda sa may kaliwang braso. Agad-agad naman na yumakap si Darlene at humagolhol.
"Hoy! Anong drama iyan? Haler, malayo ito sa bituka noh? Mabubuihay ako ng 100 years, lukaret ka." Sabi ni Krystal sa kanyang kaibigan. Kumalas naman ito ng yakap sa kanya at tinitigan siya ng mataman,
"Anyare?Darlene naman, huwag mo akong takutin ng ganyan." Muli ay sabi ni Krystal sa kaibigan, inaya naman siya nito na umupo.
"Best, best, best, best" paulit-ulit na usal ng kanyang kaibigan na mangiyak-ngiyak. "You're so unfair! Kinausap ako ng doctor kanina."
Nabigla naman si Krystal, sa sinabing iyon ng kanyang kaibigan ay alam na niya kung bakit nagkakaganoon ang kanyang kaibigan. Hindi na niya namalayan na unti-unting nahuhulog ang mga mumunting luha sa kanyang mga mata.
"So alam mo na? I'm sorry. Ikaw pa lamang ang unang nakakaalam nito. So please, huwag na huwag mong babanggitin kaninuman lalo na sa mga family members ko. Please??"
"Pero best..."
"Parang-awa mo na, ito na lamang ang hihilingin ko sa iyo, kung ipagsasabi mo, mabuting magkalimutan nalang tayo. Kaya kong isuko ang lahat huwag lamang malaman ng kapamilya ko ang tungkol dito."
"Kaya ko ring isuko ang lahat maproktehan lamang ang nag-iisang kaibi---"
"Huwag kang makialam, hindi mo ako naiintindihan." Putol ni Krystal sa sasabihin ni Darlene, pinunasan niya ang kanyang luha at iniwanan na si Darlene. Dumiretso na muna siya sa McDo at pumunta siya sa CR. Dali-dali niyang inalis ang benda niya sa kanyang balikat. Buti nalang at hindi siya sinigil ng doktor na ipinagtaka niya. Pero naisip niya siguro baka binayaran na iyon ni Darlene, saka na lamang niya iyon babayaran kapag nakuha na niya iyong savings niya. Napaharap siya sa salamin at inusal,
LORD, I'M SORRY, SANA PO MAINTINDIHAN NIYO AT MAINTINDIHAN NG BESTFRIEND KO. I TRUST THIS ALL UP TO YOU LORD.
BINABASA MO ANG
When Love Conquered All
Teen FictionHanggang saan mo kayang magpatawad,tumanggap at higit sa lahat magmahal. Iniwan si Krystal nang paulit-ulit, binalikan siya nang paulit-ulit at tumanggap siya nang paulit-ulit. Hanggang kailan siya magpapakatanga kung ang napakabigat na rebelasyon...