Shooting Star

52 5 0
                                    


Nakatingin lang ako sa kalangitan. Nagaabang na dumaan na siya. Isa ako sa milyon milyong taong umaasang magkakatotoo ang hihilingin niya sa isang shooting star. 

Sa isang meteor, isang streak of light na bihira nang makita ng walang telescope dahil sa pollution.

Isa sa mga inaasahan ko nalang para makita ko siyang muli, para ngayon masabi ko sakanya ang nararamdaman ko.

Kahit na malapit na akong mawala.

Kahit na hindi na gaanong matagal ang itatagal ko dito.

Kahit hindi niya rin ako gustuhin pabalik.

Nais ko lang malaman niya na mahal na mahal ko siya.

Kahit di na niya ako kilala.

Kahit nalimutan niya na kung sino ako.

Kahit kasama kong nalimutan niya ang mga pangakong binitawan namin noong kami ay bata pa.

"Ang ganda talaga ng mga bituin ano?"

Nilingon ko kung sino ang nagsalita sa tabi ko at noong nakita ko kung sino yun ay bumilis ang pagtibok ng puso ko.

"Luc-as" Nahihirapan na akong magsalita.

Malapit na.

"Namiss rin kita, Emily."

"Natatandaan mo pa pala ako. Akala ko hindi na."

Pinilit kong huwag ipahalata sakanya na nahihirapan na akong magsalita at ayokong mag-alala pa siya para sakin.

"Emily tignan mo o! May shooting star!"

Tumingin ako sa sinasabi niya at napayapa ang pakiramdam ko. Iba nalang ang hihilingin ko. Pinikit ko ang aking mata at humiling sa shooting star na dumaan at ganun rin ang ginawa ni Lucas.

"Anong hiniling mo Em-Em?" Tanong niya sakin kaya napangiti ako

"Di ka parin nagbabago. Hindi ko pwedeng sabihin  sayo ang hiniling ko kasi secret ko na yun" sagot ko naman sakanya at nasimangot siya sandali at maya maya ay biglang lumiwanag ang mukha niya.

"Alam ko na!" may kinuha siyang dalawang papel at dalawang ballpen galing sa bag niya at inabot sakin ang isang papel at isang ballpen.

"Ano gagawin ko dito?" Tanong ko sakanya

"Isulat mo diyan ang gusto mong sabihin sakin at isusulat ko naman dito ang gusto ko sabihin  sayo. Ano? Game?" Nginitian ko nalang siya at nagsulat na ako. Nahihirapan narin kasi talaga ako magsalita ayaw ko lang ipahalata sakanya.

"Tapos na! Basahin mo na em-em!" Hindi parin talaga siya nagbabago. Ang kulit niya parin hanggang ngayon.

"Oh? Asan yung sulat mo em-em? Unfair naman kung ako lang ang magbibigay." sabi naman niya at ngumiti ulit ako sakanya saka ko binigay yung sulat ko sakanya.

"Wag mo munang babasahin hanggat di ko pa sinasabi ah?" Sabi ko sakanya. Mamaya nalang siguro. Malapit na rin niya yun mabasa kaya sana mamaya nalang kasi nahihiya ako sakanya.

"Bakit naman?" tanong niya

"Basta cas-cas, mamaya mo nalang basahin pag sinabi ko na ah? Salamat." Kaya tumahimik naman siya sa sinabi ko. Ganyan si Lucas, kapag di mo na siya pinagsalita at nagpasalamat ka na, di ka na niya matatanggihan. Binasa ko ang sulat niya na naging dahilan ng pagpatak ng mga luha ko.

'Em-em,

   Haha sorry sa ka-cornihan na to na ginawa ko pero kasi di ko na talaga kayang itago pa ito sayo. Naalala mo pa ba yung pangako natin sa isa't-isa noong bata pa tayo? Diba pangako natin na pag laki natin magpapakasal tayo? Di ko parin kinakalimutan yun at gusto ko yun tuarin. Nakakahiya man, aamin na ako sayo. Mahal kita Em-em. Sorry kasi ngayon lang ako nakaamin sayo at sorry rin kasi aamin na nga lang ako, magpapaka-torpe pa ko. Alam mo ba ang pangarap ko? Pangarap kong magka-pamilya kami ng babaeng mahal na mahal ko. Pangarap kong maging mabuting asawa sakanya at maging mabuting ama sa mga magiging anak namin. 27 na tayo ngayon Em-em. 17 years na simula noong nangako tayo sa isa't-isa at 17 years narin na mahal kita. Sinubukan kong ibaling sa iba ang pagmamahal ko ngunit ikaw parin talaga ang hanap ng puso ko. Mas lalo pa nga ata kitang nagustuhan eh. Basta tandaan mo Em-em, mahal na mahal kita.

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon