**
" May nakilala akong lalaki, sobrang tanga nya, napati pagiging manhid minahal na nya. " Ginagawa mo pa rin lahat kahit nasasaktan ka na basta para sa kanya.
**
Naaalala kung pa yung, unang araw na nakita kita. Nakatingin ka sa malayo, nakangiti na parang sira, habang nakaupo sa isang bench sa ilalim ng puno sa park kung saan napadaan lang ako. May hawak kang bagay na di ko masyadong makita, malayu-layo kas kasi mula sa puwesto ko, pero nakikita ko ang matamis na ngiti sa labi mo.
Hanggang sa may lumapit sayong babae na sobrang ganda, umupo sya sa tabi mo at ngumiti ng sobrang liwanag, lalong kuminang ang mata mo at gumanda lalo ang ngiti mo. Sabi ko agad sa sarili ko. Mahal nya to.
**
" May nakilala akong lalaki, na sa sobrang katangahan, wala ng paki kahit nasasaktan " handa ka kasing gawin lahat para sa kanya. Kahit sinaktan ka nya.
**
Ang ganda ng langit. Yan yung mga salitang sinabi mo nung unang beses kung narining yung boses mo. Kakasakay ko lang sa bus, at sa tabi mo na lang ang bakanting upuan, ayaw ko namang tumayo habang nagbabyahe. Lumingun ako at nakita kita, naalala kung nakita kita sa park. Hindi ko alam pero ayaw maalis ng tingin ko sayo.
"Miss may dumi ba ko sa mukha"
Nagulat ako ng nagsalita ka. At dahil sa dakilang masungit ako sa una tinarayan kita.
" Oo sa buong mukha "
Bigla ko na lang nasabi. Aish sunga ano ba naman yan parang tanga lang. Pangsisirmon ko sa sarili ko. Natulala ka saglit at biglang tumawa, ok lang sana kung normal na tawa lang ehh.
Pero hindi kasi halos lahat narining na ang tawa mo sa lakas. Buti malapit na din ako sa bababaan ko. Grabe ako yung nahiya dun imbis na ikaw. Tinawag mo pa nga ko pero hindi ako lumingun.
**
" May kilala akong lalaki, Sobra sya kung magmahal, sobra sobra na wala ng tinitira sa sarili nya "
Lahat talaga binigay mo na sa kanya.
BINABASA MO ANG
SYA
Random" May nakilala akong lalaki, na sa sobrang katangahan nya, minahal ko sya "