"Siya ba 'yung crush mo, girl?"
"Shet! Ang pogi niya naman."
"I know right! Kaya nga love na love ko eh,"
"So, love mo na pala siya, Madge?" tanong ni Cleo.
"I think" tapos ay ngumiti si Madge.
Si Kyle Buenavista-- ang four year crush ng kaibigan kong si Madge. Actually, ngayon lang namin nakilala kung sino ba talaga ang long time crush ng kaibigan namin. Basta ang alam lang namin ni Cleo ay meron siyang kinababaliwan pero hindi niya sinasabi sa amin noon kung sino.
Well, just by looking at Kyle, I can say that he is really a handsome guy and he looks nice. Ang cute ng dimples niya na siyang lalong nagpaganda sa ngiti niya. No wonder at tumagal ng four years ang pagka-crush ni Madge sa kanya.
"Ehem... Yung laway mo tumutulo oh," napahawak naman ako sa bibig ko para tingnan kung tumutulo na nga ba pero putek talaga 'tong si Cleo--! Wala naman eh! Aisssh!
"Pfft. Hahaha. Ikaw naman kasi girl, kulang na lang tumulo ang laway mo sa kakatitig kay Kyle eh. Crush mo na rin no? Ikaw Katrina ha!" tapos ay siniko-siko pa niya ako sa tagiliran na para bang nang-aasar.
"Crush mo rin si Kyle, Katrina?" singit ni Madge sa aming dalawa ni Cleo.
"Ha? Hindi no!"
"Ah akala ko crush mo rin siya eh kundi baka magkaribal pa tayo. Haha"
"Don't worry, Madge. Wala akong gusto sa Kyle mo at hindi rin ako magkakagusto sa kanya, okay? Sa'yong-sayo siya, friend. Haha"
"Para walang away, akin siya. Hahaha" singit naman ni Cleo.
"Sapak gusto mo?" tatawa-tawang biro ni Madge.
At simula nga ng araw na 'yon ay nakilala na namin ni Cleo ang ultimate crush ni Madge na si Kyle Buenavista. Madalas ko na rin siyang makita sa school or kahit sa outside school at aminado ako na maraming beses na niyang na-caught ang atensiyon ko.
Nung one time na may isang matandang babae ang sobrang daming dalahing pinamili at tatawid sana sa kalsada ay nakita ko si Kyle na nilapitan ang matanda at tinulungang bitbitin ang mga dala-dala nito at tinawid pa sa kabilang kalsada. Saka nakita ko rin isang araw na may binu-bully na isang nerd sa school pagkatapos ay ipinagtanggol ito ni Kyle. How about din nung time na nakasakay ko si Kyle sa jeep na sobrang puno na. Tapos may isang ale ang sumasakay pa din sa jeep na 'yon kaya ang ginawa ni Kyle ay bumaba siya ng jeep at in-offer ang seat niya sa ale kahit bayad na ang pamasahe niya. To think na ang daming lalaking nakasakay din nung time na 'yon sa jeep pero siya lang ang bukod tanging nagpaka-gentleman. Saka pahirapan kayang makahanap ng masasakyang jeep no'n dahil punuan pero hindi niya inanintala 'yon at mas pinili pa ring magparaya kahit siya ang nahirapan.

BINABASA MO ANG
When Love Strikes (One-shot Story)
Teen FictionOnce na nagmahal ka, magagawa mong ipaglaban ang taong mahal mo. Magagawa mong isuko ang kahit na anong bagay-- kahit na ang pagkakaibigan para sa taong minamahal mo. Because that is how When Love Strikes.