Kabanata 16

6.4K 281 135
                                    

Dalawang linggo na rin ang nakakalipas simula nang lumuwas kami ng Maynila ni Jill. Maayos naman ang pamumuhay namin. Kahit minsan ay nangungulila ako sa hangin doon sa probinsya namin. Ibang-iba kasi rito sa Maynila. Hindi sariwa ang hangin. Tapos sa kaalaman na hindi ko agad mapupuntahan si Lolo. Hindi kagaya noon na lalakarin ko lang.

Medyo alam na rin namin ang patungo sa unibersidad. Kung saan ang mall na malapit dito. Ang malapit na convenience store, at kung anu-ano pang importanteng lugar na dapat namin puntahan.

Ilang beses kaming naligaw ni Jill habang kinakabisado ang bawat daan. Mabuti na lang at agad kong nakakabisado ang bawat lugar.

The people we met here, were all kind. There were some rude, but it's expected. Every place has some bad people in it. Even in our province.

"Punta tayo luneta mamaya? Lakarin na lang natin," sabi ni Jill.

We were living in apartment somewhere in Mabini. The house was small but it has two rooms in it. Tig-isa kami ni Jill. May maliit na banyo. May kusina at sala. Saktong-sakto lang para sa dalawa o tatlong tao.

"Ayoko. May gagawin ako," sabi ko.

Gumagawa ako ng resume. Naghahanap din ako ng mga trabaho na pwede mag part-time job or full time.

Dahil hindi ko pa alam ang magiging schedule ko sa pasukan, naghahanap ako ng panggabi na pasok. Pero ang pinakamaraming nahahanap ko lang na full time ay pagiging waitress sa isang bar. Na siyang marami rito sa Mabini.

Pwede na siguro ito. Until I'm enrolled and have my schedule. June pa lang ngayon at medyo matagal pa ang enrollment.

May nakita akong isa malapit dito sa amin. It's a resto-bar. Southern Cross Hotel ang name. Sa Ermita ito.

Ini-stalk ko pa iyon. Maliit lang ang bar. Sampung lamesa lang ang naroon. Puro foreigners pala ang customer doon. Mukhang mas maayos doon kaysa sa bar ng mga Filipino. Na alam kong mas maraming bastos.

I sent my resume to their email. Pagtapos ay pinag-aralan ko ang mga gagawin doon kung sakaling matatanggap.

"Saan sina Corvan nakatira? Pare-parehas ba sila ng mga pinsan niya ng tirahan?" tanong ni Jill.

Napahinto ako sa pagkain. Since Jill didn't know how to cook, I'm the one who was cooking for the both of us. And washing the dishes too. Siya naman ang naglilinis ng bahay. At sa paglalaba, salitan kaming dalawa. Ngayong linggo ako, sa susunod naman na linggo siya.

"Makati. Hindi ko alam saan banda."

I didn't talk to him since I saw their pictures. For what, right? He's engaged. So I block his number. And I block him on Facebook too.

"Alam na ba niyang nandito tayo? Sabihin mo! Para mailibot niya tayo rito!"

"Hindi. Blinock ko na siya. May fiancé na iyong tao, Jill, hindi na iyon sasama sa atin," sabi ko at sumubo ng pagkain.

Natigilan siya sa pagsubo. Nakabitin sa ere ang kutsarang hawak niya habang nakatitig siya sa akin.

"Oo nga pala. Sayang naman," puno ng panghihinayang niyang sinabi.

She didn't know what's happening between us. She thought we were only friend. Just friend. Hindi ko sinabi sa kanya ang pag-uwi nito para supresahin ako. Ang paghalik niya sa akin. Ang pagtatapat niya sa akin. Hindi niya alam lahat.

The truth is, I'm mad. I'm hella mad at him. How dare him confessed his love to me and now he's engaged to someone else?! Masasapak ko talaga siya kapag nakita ko siya.

Tatlong araw ang nakaraan noong mag-reply sa akin iyong email. At iniimbitahan ako para sa isang interview.

Kaya naman naghanda ako para roon. I wore a black skirt, white shirt and a black blazer. Naka-google map ako kaya mabilis ko lang itong nahanap.

Beyond The Darkness (Levrés Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon