"Ateee!" ikikiss pa sana ako ni Vincent sa pisngi but I stopped him using my palm, there's no way he can kiss me and even peck on my cheeks, kung kanikaninong babae nya kinikiskis yang mga labi nya "Namiss lang kita kase himala umuwi ka e!"
"Papipirmahan ko lang kay papa yung parents' consent para sa outbound bukas, if ako lang masusunod I will not go home kung mukha mo lang din naman makikita ko, how come na nagawa mo yun sa pinakamamahal kong sasakyan!"
"Mas mahal mo naman ako kesa sa kotse mo di ba ate?"
"Who told you?" inirapan ko sya "Puntahan ko na si papa sa office nya umayos ka I'm telling you!" tumango naman ang kapatid ko at ngumiti ng nakakaloko "Nga pala use protection 30 plus lang ang frenzy!" pahabol ko tinawanan lang ako ng loko loko.
Dumeretso ako sa office ni papa like I said, mama is not here na naman busy sa pagpapamper ng sarili nya kasama ng mga amiga nya sabagay masyadong busy si papa kesa naman magmukmok sya e lustayin na lang nya yung perang binibigay sa kanya ni papa as allowance. Si kuya Khent naman may sarili ng bahay yun as well as ako e nasa condo naman at si Vincent naman minsan lang nasa bahay. That's the problem with us, we have a lot of money pero pare pareho naman kaming wala ng matinong communication.
"Pa!" tawag ko sa kanya, as usual tututok na tututok sya sa gabundok nyang files at laptop kahit weekend,
"Ang aking baby girl!" nakangiti nyang sabi sakin tsaka ako niyakap "Lynne it's been two years since you left our place!"
"Pa naman, ngayon pa po ba naman kayo magdadrama? Kahit naman dito ako tumira hindi din naman tayo makukumpleto, you and mama, physically and through papers kayo pa din but unfortunately spiritually and emotionally ang layo layo nyo na sa isa't isa!" I hate dramas pero eto na naman ako opening up sa bagay na to na dapat matagal na naming kinalimutan.
"I guess di pa din ako napapatawad ng mama mo after all kasalanan ko naman!" malungkot nyang sabi, alam kong kasalanan yun ni papa pero ang tagal na nun hindi ba talaga kayang magpatawad ni mama? sana naghiwalay na lang sila "Look Lynne dont be sad! hayaan mo maybe someday everything will be fine, I'll retire soon as magseryoso na ang kuya Khent mo!"
"Hay nako papa! Asa pa po kayo kay kuya! Kung ako lang talaga e may hilig sa negosyo I iwll take over for all of that pero 20 pa lang ako pa and I even need to let you to sign this consent letter para sa outbound bukas sa Baguio!"
"Parents' consent?" natawa sya "ikaw nga e nakakapagbar nung 16 ka na walang parents' consent ngayon pang 20 ka na!"
"pa naman e!" I just handed him the paper and he signed that. Crazy school, we're all in legal age but kailangan pa din ng parents' consent baka naman gusto lang nilang iparating e kahit mamatay kami dun ay wala silang pananagutan dahil may parents' consent.
Umalis din ako after lunch kasi nakiusap sakin si papa na dun na maglunch para kahit kami man lang tatlo nila Vincent magkakasama sa tanghalian.
nasa kotse na ko papunta sa grocery para mamili ng dadalhin ko bukas sa outbound na kahit anong sabihin natin e field trip na din yun, psych ang course ko pero may paoutbound outbound pa, I dont know what's the connection between our course sa Baguio na yan, they will just tell us bukas pa daw. Mga pasuspense.
Nagring bigla yung phone ko, sila Rica pala magaaya na naman siguro ang mga tong magnight out mga walang kapaguran.
"Hello!"
"Hello bruha? mamaya ah sa Conspiracy Garden Café 59 Visayas Avenue, Quezon City 7 p.m!" halos mabingi ang tenga ko sa sigaw nya sa kabilang linya ng cellphone jusko. sarap batukan. Buti na lang talaga iba kami ng university kundi matagal ng nakalas ang tenga ko.
"I'm not deaf, Rica Valdez? Okay? I'm coming!"
"What? you're having it now?"
"What "it"?"
"The s*x!"
"Wtf Rica, what are you saying green minded bitch!" inis kong sabi, ang layo ng salitang s*x sa coming ah
"I've thought you're cumming!"
"Coming nga?!" I repeated.
"As in c-u-m..."
"Wag mo nang ituloy gets ko na boba, I'm saying coming, as in pupunta ako mamaya!" binabaan ko na nga ng cellphone, buti na lang talaga hindi plastic yang si Rica kahit na pea size ang utak e totoong kaibigan.
After kong magshop ng foods, syempre puro organic kaya sa healthy options ako pumunta, I dont want to have saggy skin lalo na at gusto ko pa namang sumali sa Ms. SBC this year, ipapakita ko sa mga bruhang palaka ng mga tourism na lumait sa course namin na wala daw maganda sa course namin at puro daw kami chaka. Let's see.
Napasmirk ako habang iniisip ko yung mga mukha nila after naming makuha ang crown mula sa kanila. I cant wait.
"Jusko girl 7 30 na oh? wala ka bang relo?" halos gusto atang gawing palayok nitong si Richelle ang braso ko sa kakapalo e.
"Would you mind to stop? ihahampas ko sayo tong relo ko e! Nakatulog lang ako medyo pagod, pinuyat ako kagabi ni Carlo e!" kaswal kong sabi tsaka umupo sa tabi nila.
"What? Ginabi gabi nyo? are you wider than your mansion's swimmingpool?" halos mailawa ko ang nachos na nginunguya ko mula sa mesa "Hey!"
"Rica kanina ka pa ah! napakamo! What I am saying is pinuyat nya ko kakapester sa pagtawag nya sakin! Patawag nga nung waiter, margarita lang yung sakin!" ngumiti ako na parang nagaasar tumayo naman si rica para sundin ako. "Richelle huh? Blooming ka ah!"
"Syemps inlove ikaw kase magseryoso ka na, why not go for Carlo? He's a good guy!"
"A good guy that will turn obviously like Carlos!" tsaka ako ngumiti at kumuha ulit ng nachos "Organic ba to?"
"Nope!"
"Shet 32 grams of carbohydrates!" nawindang ako dahil masisira ang diet ko kailangan ko tong igym.
"Oa ka teh, ano gusto mong maging candidate ng miss malnourish?"
"You dont understand me Richelle you're the slimmer one!"