Teka, where am I? Obstacle course?
"Ariadne, halika ka na! Umakyat ka na rito! He is waiting!" Sigaw ng isang babae, at sino naman 'to?
Unti-unti kong inilibot ang mga mata ko, parang pamilyar ang lahat. Saan ba 'to? Tagaytay Picnic Grove? Kampo Trexo? Sa paglilibot ko ng aking mga mata, napansin ko na ang babaeng tumawag sa akin ay kamukhang kamukha ko at mayroon siyang kasamang babae na halos kasingtanda ko at isang batang lalaki na halos 9 yrs old sa tingin ko.
"Huh? Who are you? Where am I?" Sagot ko sa babaeng tumawag sa akin.
"Huwag ka ng magtanong, tara na!" Sigaw niya ulit.
Unti-unti kong inihakbang ang kaliwang paa ko sa hagdan sa aking harapan ngunit nagulat na lamang ako na basa pala ito at tuluyan akong nadulas. Ang sakit. Ano ba kasing ginagawa ko rito?
"Hindi ko ho kaya!" Sagot ko sa babae.
Hindi ko maintindihan kung bakit ako naluluha, dahil ba sa sakit ng pagkakadulas ko o dahil hindi ko alam kung nasaan ako?
Nakita kong natatawa ang babaeng nasa itaas, tinatawanan niya ba ako? Nagulat na lamang ako ng may biglang bumuhat sa akin. Isang lalaki.
Maputi siya... Makinis... Matangkad... Nakapula at... Teka!? Si...
Bigla na lamang niya akong binuhat pataas ng hagdan at habang buhat-buhat niya ako, unti-unti niyang nilapit ang mga labi niya sa pisngi ko at sa aking labi. Nagulat ako sa ginawa niya.
Nang mailapag na niya ako sa itaas, bigla na lamang siyang umalis.
Napatakip ako sa aking labi nang marealize ko na hinalikan niya nga ako.
Tumingin ako sa babaeng nasa harapan ko at sa mga batang kasama niya.
Mukha silang kinikilig.
"Asawa ko 'yon." Sambit ng matandang (di naman ganoon katanda) babae na nasa harapan ko.
"Asawa?" Tanong ko.
"Ano? Ready ka na?" Tanong niya.
"Wait? Saan!?"
Bigla na lamang silang tumawid sa isang obstacle na may net sa ilalim na lumalapat sa tubig.
Sumunod ako sa kanila nang biglang nalagot ang taling tinutungtungan ko. Nakahawak pa rin ako sa tali at tuluyan na akong nahulog sa net na lumalapat sa tubig. Nasa ilalim ako ng tubig. Hindi ako marunong lumangoy pero hindi ako natatarantang umahon. Hinihintay ko lang na may sumagip sa akin.
"ARIADNE GISING NA! MAAGA KA PA SA SCHOOL!"
Panaginip lang pala...