LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 14-

974 18 3
                                    

-Chapter 14-

“HELLO MA! KAMUSTA PO KAYO?” masiglang sagot ni Katharina sa tawag mula sa kanilang ina ng gabing iyon.

“Okay lang kami anak. Ikaw, kamusta ka na diyan? Naku, sobrang miss ka na talaga namin. Sabik na kaming makita ka.” Ani Aling Marga sa kabilang linya. Alam niyang wala ng ginagawa ang anak sa mga oras na iyon kaya naisipan niyang tumawag.

“Ay! Sobrang okay po ako dito ma. Asan po si Marrah? Sobrang miss ko na rin ang lukaret na’yon.” Sinabayan niya ng tawa ang pagkakasabi niyon.

“Naku, andun na naman kina Angela. Alam mo naman ang dalawang iyon, parang kambal-tuko na. Walang araw na hindi nagkakasama.” Napapailing nalang na sagot ng kanyang ina.

“Asus! Okay lang po iyon ma. Kayo naman o, para namang hindi na kayo nasanay. Eh ganyan din naman kami ni Betsy nun, diba?” makabagbag damdaming pahayag ng dalaga sa ina.

“Sinabi mo pa. Nagawi pala siya dito nung isang araw, Kath. Kinakamusta ka at pinapasabi niya na nawala daw celphone niya kaya hindi siya nakatawag sa’yo.” Pagpapaalam nito sa kanya. Hindi naman mapigilan ng dalaga ang ma-miss ang kanyang matalik na kaibigan. Minsan nagi-guilty siya dahil medyo nakalimutan niya ito dahil halos lahat na ng oras niya ay nagugol na niya kay Brian. Kaya napabuntong-hininga na lang ang dalaga.

“Pakisabi nalang po sa kanya ma na minsan ay tatawag ako sa kanya at kapag nagawi siya diyan ulit, pakihingi nalang po ang numero niya.” Bilin niya sa ina saka napabuntong-hininga ulit.

“Oh sige anak. Gagawin ko iyon. At saka maiba nga ako, palagi akong kinukulit ng kapatid mo na pumunta daw kami diyan sa darating na sem-break nila. Pero hindi pa sigurado kasi magpapaalam pa ako sa may-ari ng fashion house.” Sagot naman ni Aling Marga.

“Naku ma! Sana matuloy po iyon. Sabik na po talaga akong makita kayo ni Marrah. Hindi na nga po ako makakapaghintay eh kasi marahil ay matatagalan pa po talaga bago ako makauwi diyan.” Hindi mapigilan ng dalaga na ma-excited sa napipintong pagkikita nilang mag-iina kahit alam niyang walang kasiguraduhan iyon.

“Pero huwag kang masyadong umasa nak ha. Kahit naman ako ay gusto na ring makita ka. Matag-tagal ka na palang wala dito. Halos magdadalawang buwan na.” Pahayag nito.

“Okay lang po iyon ma no. Pero feeling ko po talaga ay makakapunta po kayo dito.” Ani Katharina.

“O siya sige nak. Sana nga talaga makabisita kami diyan. Sige nak, ibababa ko na muna ito kasi maghahanda na ako ng hapunan para kakain nalang si Marrah pag-uwi niya.” Paalam ng kanyang ina sa kanya.

“Sige. Tatawagan ko na lang po kayo. Salamat po sa tawag ha. Paki-regards nalang po ako kay Marrah. Sige po, bye! I love you!” ganting paalam niya sa ina. Hindi na muna niya binanggit sa ina ang tungkol kay Brian dahil hindi niya pa alam kung ano ang kahihinatnan nilang dalawa nito. Ayaw niya kasing mag-alala ang kanyang ina kapag nabigo ulit siya. Nang mawala na sa kabilang linya ay napabuntong-hininga ulit ang dalaga at saglit na napaisip. Napatingin siya sa poster ni Brian. Andiyan na naman ang nakakatunaw na titig nito na animo’y sa kanya nakatingin. Napangiti siya ng masilayan iyon at pagkatapos ay lumabas na sa kwarto. Paglabas niya sa kwarto ay nakita niya sina Jannah at Anna Lou na nanonood ng pelikula.

“Oi Cuz! Akala namin natutulog ka.” Ani Jannah. Napalingon ang dalawa sa kanya. Ngumiti lang ang huli sa kanya. Naupo ang dalaga sa pang-isahang sofa doon.

“Hah! Ang agang tulog naman ang gagawin ko kung mangyayari iyon no.” palatak niya. Nakangiti siya habang sinasabi iyon sa pinsan. Saglit siyang pinasadahan ng tingin nito saka nagsalita ulit.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon