"Oy ! Ginagawa mo dyan?" tanong ko dun sa babae na nakaupo katabi ang basurahan malapit sa poste sa kantong dadaanan ko. Kung di ba naman baliw at tumabi pa sa trash can.
Tumingin siya sa akin na parang nagtataka at lumingon lingon sa paligid niya…
"nakikita mo ako?" takang tanong niya. Eh ?
Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya . Adik !
"Malamang nakikita kita ! Nagtatanong nga kung anong ginagawa mo dyan diba?" irita kong sabi sa kanya.
Tumingin ako sa relo ko. 11:36 na. Tss . Power trip tong babaeng to. Ngayon pa nagbalak tumambay , eh gabing gabi na .
Tinignan ko siya ulit at nakita siyang ngumiti. Pero kitang kita ang kalungkutan sa mata niya.
"Hindi ako makauwi eh" Nakayuko lang siya na parang batang nagtatampo.
"Ha ? Bakit ??" tanong ko.
"ihhh . basta " tapos nag pout siya.
Grabe tong babaeng to . Di siguro marunong mag commute kaya di makauwi. Or di kaya, di alam kung saan siya nakatira. Ayaw pa umamin. Matanong nga .
"Saan ka ba nakatira ?"
"Sa Silver Homes" Tumingin siya sa akin saglit tapos yumuko na naman siya.
Wtf ? Silver Homes ?? Eh anlapit lang nung subdivision na yun dito aa, tapos di siya makauwi ? Ginagago ba ako ng babaeng to ? Pag ito na rape dine . Nakooo !! Pasalamat siya at concern ako sa mga babae.
"Malapit lang yun dito eh ! Uwi ka na Miss delikado dito . Kababae mong tao patambay tambay ka. Dito pa talaga sa m--"
Naputol yung pagsasalita ko ng makarinig ako ng humihikbi. Halaa ??
Shit ! Inaano ko ba yun at umiyak? Pucha !
"Hindi sabi ako makauwi ehh. huhuhuhu." Patuloy na pag iyak niya.
"Bakit nga ? Naglayas ka ba ?"
Umiling lang siya at patuloy lang sa pagiyak.
Mga ilang minuto pa ang nakalipas bago siya matapos sa pagiyak niya. Hinintay ko talaga siyang matapos sa kadramahan niya bago iwan. Tss. Mapahamak palang to , konsensiya ko pa.
Tumayo siya sa kinauupuan niya at unti unting lumapit sa akin. Titig na titig naman siya sa gwapo kong mukha.
"t-teka l-lang Miss . Wag kang ganyan. Alam kong gwapo ako pe-"
"Pinagsasabi mo?" At nag pout siya .
"Wala ! Uwi na. " sabi ko sa kanya at naglakad na para umuwi na rin.
"T-teka lang ! " Humabol siya sa akin at sabay kaming naglakad .
"Miss , uwi kana. Doon sa kabilang kanto ang daanan mo papuntang subdivision niyo ohh"
"Di nga sabi ako makakauwi."
Huminto ako sa paglalakad , at ganun rin naman siya.
Ilang segundo ko siyang tinitigan dahil sa pagtataka. Nakatitig din naman sa akin yung babae.
I therefore conclude na crush ako ni ate at kunwari lang na di makauwi sa kanila.
Nagtitigan lang kami na akala mo eh nasa staring contest kami.
Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"Help me please…"