Abandonadong Bahay
***
Saan nga ba madalas naninirahan ang mga kakaibang nilalang na kasama nating namumuhay dito sa mundong ibabaw? Mga nilalang na hindi mo inaasahang nag-e-exist pala talaga sa totoong buhay. Mga nilalang na pinaniniwalaang mga kaluluwang gala at ligaw. Mga nilalang na sinasabing hindi makatawid sa kabilang buhay.
Mga nilalang na tinatawag na multo, lamang lupa at engkanto.
Maniniwala kabang kadalasan silang matatagpuan sa tahimik at abandonadong lugar? Lugar kung saan tahimik at payapa ang kapaligiran.
Sinasabi ring matatagpuan sila kahit saan, nag-lipana sa ating kapaligiran. Ikaw? Baka ang minsang kaibigan o kakilala na nakasalamuha mo ay isa na palang malamig na bangkay. Hindi mo lang alam. Ang ating mundong ginagalawan ay punong puno ng misteryo, lihim at kababalaghan.
Tandaan. Hindi pa natin alam ang lahat tungkol dito sa ating mundong ginagalawan. Malay mo, isa ka lang din pala sa maraming ligaw na kaluluwang naglipana sa mundong ibabaw.
Halina't sumamang mamasyal sa ABANDONADONG BAHAY.
---
Biyernes noon at napagpasyahan naming mag-libot sa bahay ng aming kaibigan. May mga baon kaming damit dahil balak naming mag-stay doon ng isa o dalawang araw. Katatapos lang kasi ng exam at gusto naming makapag-liwaliw at makapag-bonding manlang.
Alas sais na ng gabi nang makarating kami sa subdivision nila Kuya Eugene. Malaki ang buong lugar. Tahimik. Marahil ay hapon na. Nakatayo lang kami sa harap ng bahay nila ng may kung anong tumawag sa aking pansin.
Iyon ay 'yong bahay na malaki malapit sa aming kinatatayuan. Maganda ito, malaki at ang disensyo ay parang noong panahon pa ni Rizal, makaluma. Mayroon itong mga naka-bonsai na halaman sa harapan nito at ang paligid nito ay nalalatagan ng bermuda grass. Mayroon din akong nakitang isang malaking banga sa gilid nito. Hindi ko nalang pinansin ang kung ano mang bagay na tumawag sa aking pansin at pumasok na kami sa loob ng bahay na aming tutuluyan.
Nalaman namin na bahay pala ng Tita ni Kuya Eugene 'yong bahay sa kabila, yung malaki at mala-sinaunang panahon ang disenyo. Pero matagal na raw walang nakatira doon dahil nangibang bansa na ang mga ito. Meron na man daw naglilinis at nangangalaga roon.
Pagkayari naming maghapunan ay nag-linis na kami ng katawan.
Habang nasa loob ako ng banyo ay biglang nawalan ng kuryente.
"Ay shet. Hindi pa ko tapos, pano na yan?" lumabas ako ng banyo na nakatapis lang at tinawag ang aking kaibigan para humingi ng kandila. Hindi rin nagtagal ay nakakuha na siya ng kandila at sinamahan na rin niya akong mag-igib ng tubig sa labas dahil naubos yata ang laman ng tangke ng gripo.
Nagpatuloy na muli ako sa aking paliligo, pero ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng kakaiba. Pakiramdam ko ay may nakatingin o nakamasid sa akin. Tiningnan ko ang pinto ng banyo, pero sarado naman ito. Dahil doon ay nagmadali na ako sa aking paliligo dahil hindi na maganda ang kutob ko, bago tuluyang lumabas ng banyo ay sumilip ako sa bintana roon pero wala rin akong nakita.
Sumunod naman sa akin ang isang kaibigan ko.
"Hoy Miko, dyan ka lang sa labas ah. Wag kang aalis." Napaka-lalaking tao ni Ice pero napaka-matatakutin talaga, hindi na nga nakuhang isara ang pinto ng banyo dahil sa natatakot daw ito dilim. Kung alam ko lang, likas na duwakang lang talaga siya. Tanging tanglaw lang ng kandila ang nagbibigaw liwanag sa kanya sa loob ng banyo. "Hoooo!" narinig ko pang humiyaw ito kasabay ng pag-bagsak ng tubig sa kanyang katawan. Ilang sandali pa ay natapos na ito at lumabas na kami sa terrace kung nasaan ang iba.
BINABASA MO ANG
Abandonadong Bahay
HorrorHalina't sumamang mamasyal sa ABANDONADONG BAHAY. Book Cover by : EijeiMeyou