Grade 6~December 2014
J E F F R E Y ' S P O V
Naglakad na ako papuntang classroom namin.
Nilapag ko na ang bag ko sa mga nakahilerang bag sa labas ng classroom namin. Nagulat ako nang lumingon ako. Si Criztelyn pala.
"Uhmm. Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya
"Ahh sige." Sagot ko "Tungkol saan ba?"
Huminga siya ng malalim bago magsalita.
--
Kakatapos lang ng flag ceremony at nandito kami sa classroom. Wala pang teacher kaya nag-usap kaming lahat na lagi naman naming ginagawa.
Nalaman ko na rin ang nangyari nung field trip. Hindi kasi ako sumama eh. Sinabi lang nila.
Nakapasok na rin si Dennis.
Sinabi ko na rin sa kanila yung sinabi sa akin ni Criztelyn.
"So ang ibig sabihin ni Criztelyn ay yung boyfriend ng pinsan niya ay yung dating janitor na gumagalaw ng switch ng classroom natin at yun din yung bus driver nung retreat natin na kakampi ng killer na kaklase natin at siya din gumawa nun sa inyo at tinakot kayo na wag sasabihin kahit kanino kung hindi papatayin kayo?" tanong ni Dennis
Tumango na lang ako. Kakasabi ko lang, inulit niya lang eh.
"Ang kailangan nating malaman ay kung sino ang kakampi niya sa classroom. Ano ang nangyari sa field trip? Sino sino ba ang kasama sa field trip, tumayo nga kayo." Dennis
Tumayo si Criztelyn, Rhian, Anna, Madison, Lyanna, Andrei, Natalie, Lorreign, Hansel, Lyn, Nathan, Lanz, Mark, Julie, Marissa, at Jeric.
"Sabi niyo si Madison hinulog sa hagdan. Ano nangyari bago yun?" sabi ko
"Magkakasama kaming apat nina Anna, Madison, at Lyanna. Tapos nagpaalam siyang mag-c-cr." Sabi ni Rhian
"Nag-cr na ako. Pababa na ako ng hagdan nang may naramdaman akong tumulak sa akin. Nang mahulog na ako tumingin ako sa taas kung sino yun pero nakita kong tumakbo siya tsaka nanlalabo rin yung paningin ko nun at nahihilo na rin ako nun. Masakit na din yung ulo ko at katawan. May galos na rin ako." Sabi ni Madison
"Hindi mo ba namukaan ang itsura niya?" tanong ko
"Hindi eh." Sagot ni Madison
"Eh kay Anna anong nangyari?" ako
"Kakatapos lang yun ng lunch. Nagkukwentuhan kami nun. Siya na lang huling kumain tas uminom siya ng tubig. Bigla na lang bumula yung bibig niya at nangisay tas hinimatay. Sa tingin ko nalason siya." Rhian
"Pwede ding nilason." Sabi ni Dennis
"Ayos ka na ba Anna?" tanong ko kay Anna
"Okay na naman ako." Sagot niya
"Eh ikaw Dennis anong nangyari sayo?" sabi ni Madison
"Oo nga. At paano ka napunta doon eh sabay na tayong umuwi?" tanong ni Rhian
"Paglabas natin ng gate sumakay ka na ng tricycle. Ako, kumain muna ako sa 7-11. Uuwi na sana ako kaso may naiwan pa pala ako. Yung isa kong bag. Wala na masyadong tao nang bumalik ako sa school." Sagot ni Dennis
"Eh ba't di kita nakita? Ang tagal ko sa school. Antagal kasi nung service ko eh." Sabi ni Cheerie
"Nakita kita sa 2nd floor naglalakad." Sabi ni Dennis at nagsimulang magkwento ulit "Nang makita ko yung bag ko sa labas ng classroom may narinig ako sa loob ng room. Bukas kasi ng konti yung pinto. Alam kong nakita niya ako kayo tumakbo ako. Di ko alam kung saan ako pupunta basta dun ako sa hagdan dinala ng mga paa ko tas hinawakan niya yung paa ko pero nakatayo parin ako at pumanik ulit kaso hinawakan niya ulit yung paa ko at hinatak ito. Dun na ako nawalan ng malay."
"Hindi mo ba namukhaan?" tanong ko
"H-hin-di e-eh." Sagot niya
S O M E O N E ' S P O V
Go Dennis! Pagtakpan mo lang ako.
Pagka-recess ay natyempuhan kong mag-isa si Dennis.
Nilapitan ko siya.
"Sige lang Dennis. Pagtakpan mo lang ako. Good job." Sabi ko habang sinasabayan siya ng lakad
"Ayoko lang mamatay." Sabi niya nang di man lang ako nililingon "Pinagtatakpan na kita. Wag mo lang akong papatayan kung hindi.."
"Kung hindi?" ako
"Kung hindi papatayin kita." Sagot niya
Tumawa ako at "Paano mo ko papatayin kung patay ka na?" sabi ko at iniwan na siya
============================
Pagtatakpan na lang ba talaga ni Dennis ang killer?
Abangan sa susunod na kabanata↠
Find out next chapter⇛
Wait for my next update...➜
V o t e☆
(if nagustuhan niyo)
C O M M E N T ▤
(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)
S h a r e❡
(share and spread TCOA6G =)) thank you)
12-24-15
©CrishaneAen❞
BINABASA MO ANG
The Classroom of a 6th Grader
Детектив / ТриллерThe classroom of a 6th Grader (TCOA6G) Kami ay Grade Six students Ayaw kaming turuan ng mga teachers namin Kaya laging free time Pero sa bawat free time, May nangyayaring kababalaghan Ano?? .. .. Basahin niyo =>> ⇛ ➜ ↠ ============================...