J E R I C ' S P O V
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Ang sakit na ulo ko.
Nang luminaw na ang aking paningin ay nakita ko ang mga kaklase ko na nakatali sa kani-kanilang upuan at may towel sa bibig. Nakatali ang mga kamay sa likod na bahagi ng upuan at pati yung mga paa. Meron silang mga sugat. Yung iba sa binti, meron sa braso, at yung iba sa mukha. Parang hiniwa. Sariwa pa ang mga ito. Hindi lang pala sila, pati ako.
Yung iba may malay na, yung iba wala pa.
Pinipilit nilang magsalita pero puro ungol lang ang maririnig. Siguro dumadaing sa sugat na meron sila. Maski naman ako.
Lahat kami ay may malay na.
Lahat sila nakatingin sa board. Nasa likod ko kasi ang board kaya di ko kita.
Paikot kasi yung sitting arrangement at yung upuan kung nasaan ako ay nasa harapan.
Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang nakasulat sa board. Wala na yung sinulat ni Ms. Pelaes. Ang ginamit na pang-sulat ay dugo.
Merry Christmas my dear classmates! Do you enjoy my gift?
-Killer
Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok ang aming adviser kasama ang ibang guard na tinulungan kami. Tinanggal nila ang tali at towel sa bibig at dinala kami sa clinic para gamutin.
S O M E O N E ' S P O V
Nang mawalan sila ng malay ay tinawagan ko na siya para tulungan ako.
Tinali namin ang kamay, paa, at katawan nila sa upuan. Nilagyan ko din ng mga towel ang bibig nila. Sinugatan din namin sila isa-isa at pati sarili ko sinugatan ko pero hindi malalim para di halata na ako ang gumagawa nito. Ang lalim ng sugat nila ay depende sa lalim ng galit ko sa kanila. Hindi pa sila magigising dahil may pinaamoy pa akong pampatulog.
Ako na rin ang nagsulat sa board gamit ang mga dugo nila.
Tapos nun ay tinali niya ako para kunwari isa ako sa mga biktima.
Lalabas na sana siya pero pumasok ang adviser ko. Nagtago siya at ako naman ay nagpanggap na wala ring malay.
Nagulat ang aming adviser at lumabas para manghingi ng tulong samantalang siya ay lumabas na. Naka-hood siya kaya walang makakakilala sa kanya na siya ang dating janitor dito.
Maya-maya ay unti unti na silang nagkakaroon ng malay.
M A D I S O N ' S P O V
Nandito kaming lahat sa clinic.
"SINO BA KASI GUMAGAWA NITO--aray!!" hindi natuloy ang sasabihin ni Dennis dahil sa hapdi nang sugat niya sa dalawang braso. Ginagamot niya ang sarili niya. Wala kasi ang nurse dito kaya kami na lang ang gumagamot sa sarili namin.
Isa-isa kaming tiningnan ng masama ni Dennis at tumigil ang tingin niya kay Philip.
"Bakit mo kami tinitingnan ng masama!? Ha!? Sa tingin mo kaya kong sugatan ang sarili ko!? Tingnan mo kung sino jan ang may malalim na sugat. Syempre susugatan niya rin ang sarili niya para di siya mahalata at syempre di ganon kalalim." Sabi ni Philip na may sugat din sa kaliwang braso.
"Pwede ba wag na kayong mag-away?" sabi ni Rhian na ngayon ay nakahiga sa kama. May sugat siya sa kanang pisngi. "Wala kayong natutulong."
Ako, ang sugat ko sa kanang binti.
"Bakit may natutulong ka ba? Ang pag-usapan na lang natin ay--" hindi natuloy ang sasabihin ni Jeffrey na may sugat sa kanang braso dahil biglang sumingit si Philip
"Ay kung ano ang nakita nating kakaiba o kung sino sa tingin niyo ang gumawa nito o ano ang ginawa niyo bago ito nangyari. Lagi na lang! Yan ang laging pinaguusapan! May napala ba!? Wala diba!?" galit na sabi ni Philip "Eh lalo lang nating pinapahamak ang sarili natin eh. Kaklase natin ang gumagawa nito. Lalo lang niyang gagalingan sa susunod na gagawin niya dahil ito ang lagi nating pinaguusapan. Dapat ang pagusapan natin kung sino ang suspect niyo at bakit?"
"Sa tingin ko tama siya." Sang-ayon ko "At kung sino man ang suspect natin ay bantayan natin siya."
Natahimik naman sila.
"Sa tingin ko, ang gumagawa nito ay si.." pabitin na sabi ni Morris na Nakahiga din sa katabing kama ni Rhian na may sugat sa kanang braso "Si Dennis. Sorry Dennis ah pero kasi--"
"Okay lang. Naiintindihan ko naman." Sabi ni Dennis
"Hindi pwedeng si Dennis." Sabi ni Lyn na may sugat sa noo "Kasi babae yun."
"Paano mo namang nagsabing babae yun?" tanong ni Jimuel na may sugat sa kaliwang pisngi
"Kasi nakita namin ni Marissa yung pagkabaril kay Miggy." Sagot ni Lyn
"Paano?" tanong ni Beatriz na may sugat sa mga braso
At ikinuwento ni Lyn at Marissa ang lahat.
"So nung retreat naka-white na t-shirt siya." Sabi ni Hansel na may sugat sa kaliwang binti
"Pwede rin naman siyang magpalit ng damit." Sabi ni Chamille na may sugat sa palad
"Sinong babae ang hindi naka-white?" tanong ni Rhian
"Naka-brown ako." Sabi ni Criztelyn na may sugat sa kanang braso
"Naka-blue ako." Sabi ko
"Pink akin." Lyn
"Yellow." Stacey na may sugat sa noo
So yung iba white na.
"Sino pa suspects niyo?" tanong ni Julie na nakahiga din na may sugat palad "Or any clue about sa suspects? Or tungkol sa gender nun?"
"Tingin ko lalaki yun. Kasi paano niya magagawa yun I mean ang lakas niya para itali niya tayo at sugatan pa at sa CR ng boys kanina, may papel akong nakita kaso sira eh at may dugo yung papel at grade 6 yun kaklase natin. Sure ako kasi--Hirap i-explain pakita ko na lang." sabi ni Rudolf na may sugat sa kaliwang braso at pinakita yung piraso ng papel na ang nakasulat ay
ade 6 Score: 8 .
Yung ade pagnahanap yung kapares ay grade ang ibig sabihin nun. Di ko alam kung saang subject yun kasi corner lang ng papel ang nakita niya.
"Babae yun." Napatingin kami kay Claudia na may sugat sa noo "Kasi kahapon.." at kinuwento ang nangyari na sa CR daw ng girls ay may nakita siyang kutsilyo
"Malay niyo marami sila. May babae at lalaki." Sabi ko
Hindi ko rin alam kung ano. Ang daming nangyari ngayon. Una yung prizes sa games, tas namatay yung ilaw, yung tugtog, yung message na natanggap naming lahat, tas nawalan kaming lahat ng malay at paggising yung nakasulat sa board tas eto na, lahat kami may sugat.
============================
Sino ang gumawa nun sa kanila?
Sino nga ba ang gumagawa nun?
Ilan nga ba?
Abangan sa susunod na kabanata↠
Find out next chapter⇛
Wait for my next update...➜
V o t e☆
(if nagustuhan niyo)
C O M M E N T ▤
(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)
S h a r e❡
(share and spread TCOA6G =)) thank you)
12-24-15
©CrishaneAen❞
BINABASA MO ANG
The Classroom of a 6th Grader
Mystery / ThrillerThe classroom of a 6th Grader (TCOA6G) Kami ay Grade Six students Ayaw kaming turuan ng mga teachers namin Kaya laging free time Pero sa bawat free time, May nangyayaring kababalaghan Ano?? .. .. Basahin niyo =>> ⇛ ➜ ↠ ============================...