Third Person's POV
Tumalon agad si Yuwi para mailagan yung mga bala ng baril. Masyadong mabilis kumilos si Dr. Algor at sa kalagayan ng katawan ni Yuwi, nahihirapan itong lumaban.
"Ow... Time is running fast for you Y. " Dr. Algor said with an evil grin.
"The hell... Tumingin nga kayo!" Sigaw naman ni Xinon nila Neo na kakarating lang. Pare-parehas silang tatlo na hinihingal at nag-aalala sa mga kaibigan.
"Kaya na namin." Sabi ni Neo tsaka sinuntok sa sikmura yung isang prototype na lumalapit sa kanila. Halos hindi nababawasan ang mga ito dahil sa special type to ng mga prototypes, may kakayahan silang magregenerate ng energy kaya kahit na sobrang sira na ang mga ito eh nakakalaban pa din.
Agad namang hinanap ni Yuwi si River. Napatitig siya dito dahil sa pagprotekta ni River kay Zhyra na humahagulgol ng iyak. Iba to sa paraan ng pagprotekta ni River kay Sabrina noon.
"Awww..." sigaw ni Yuwi ng nadaplisan ito ng patalim na hawak ni Dr. Algor.
"Focused Y. I told you, your emotions makes you weaker not to mention that your dying. Hahaha... " sabi ni Dr. Algor na halatang tuwang tuwa na nasasaktan si Yuwi.
"What's happening on my body? I should be immune by this?"
Sabi ni Yuwi sa isip niya. Nagtataka siya kung bakit sobrang nasasaktan siya sa bawat atake ng mga prototypes. Hinanap agad ni Yuwi si Shiro, alam niyang hindi siya makakapagfocused sa laban kung alam niyang pwedeng mapahamak ang Master niya.
"Where is he?" tanong ni Yuwi sa isip niya. Hinawakan niya ng mabuti ang katana niya tsaka sinimulang atakihin yung mga prototypes na malapit sa kanya. Bigla kasing tumalikod si Dr. Algor at nanood na lang.
Seryosong nakikipaglaban sina Winter at nakikiramdam sa kung anong pinaplano ni Dr. Algor.
Kanya kanya sila ng laban ng naagaw ng isang sigaw ang atensyon nilang lahat.
"Zhyra!" Sigaw ni River. Hawak hawak na ngayon ni Dr. Algor si Zhyra na umiiyak. Halata sa mukha ni River ang sobrang pag-aalala kaya biglang nanikip ang dibdib ni Yuwi.
"What's happening?" tanong ni Yuwi sa sarili niya habang nakapatong ang mga kamay sa tapat ng puso nito.
"River... Help me please!" pagmamakaawa ni Zhyra. Pilit namang umayos ng tayo si Yuwi mula sa pagkakaluhod. Kailangan niyang tulungan si Zhyra.
"Algor." Malamig na sabi ni Yuwi kaya lumingon sa kanya si Dr. Algor na hinaharang pa din si Zhyra sa sarili niya. Alam ng magpipinsan ang gustong mangyari ni Yuwi. Gusto niyang sugurin nila Winter si Dr. Algor habang nakatingin sa kanya.
"Bakit parang namumutla ka Y? Wag mo sabihing mamamatay ka na?" mapang-asar na sabi ni Dr. Algor.
"If I will die today, I'll make sure that you'll die too." malamig na sabi ni Yuwi. Kahit sila River ay nakaramdam ng takot sa kung paano umakto si Yuwi.
Pilit namang tinatago ni Yuwi ang sakit na nararamdaman. Hindi niya alam kung bakit sa dinami dami ng pagkakataon, bakit ngayon pa umatake ang sleeping poison sa katawan niya.
"Yuwi... " bulong ni Xinon na may pag-aalala. Alam nilang magpipinsan ang nararamdaman ng isa at sigurado silang nasasaktan ang bunso nila.
"You want me right? You can still used me to create the new formula for your Humanoid Research Plan." Seryosong sabi ni Yuwi.
"Anong sinasabi mo Yuwi?" tanong ni Xinon na di naman pinansin ni Yuwi.
"Sa tingin mo kailangan pa kita? Wala ka ng sil..." hindi na natapos ni Dr. Algor ang sasabihin niya ng inatake siya ni Winter kasabay ng pag-atake nina Xinon at Venice sa ibang mga prototypes. Hinatak naman ni Yuwi si Zhyra tsaka niya kinuha ang maliit na baril sa may hita niya tsaka mabilis na itinutok kay Dr. Algor.

BINABASA MO ANG
My Doll like Guardian
Science FictionRiver Ehren Crusveda is the only heir of Crusveda Coorporation. A successful institution which is considered as the biggest coorporation in Asia. For that reason, he always received death threats from different people and assassins. His Mother, Reev...