BEA'S POV
Ilang oras na lang Christmas na!!!
Sayang di ko makakasama si Bae. May family gathering daw sila eeh. Sa 26 na daw uwi nya.
Pero ok lang ivi video chat ko nalang sya mamaya.
Nagluluto ako ng Pesto, habang si Mom nagba bake ng cake. Yung ibang foods yung mga maids na nag asikaso.
For sure masarap to :)
"Mom tikman mu nga to."
Tumikim si Mom sabay, "Wow ang sarap anak! Marunong ka na talaga magluto. Pwede na maging chef ah."
Si Mom talaga hihi. Binobola pa ko. "Talaga Mom?" Sabi ko with matching smile na labas ang 24 na ipin haha.
Bigla sumeryoso ang mukha nya. "Pero bawal pa mag asawa ah.."
*COUGH*
"Mom!"
Tinawanan lang ako. "To namang baby girl ko di na mabiro. May tiwala naman ako sa inyo ni Harvey."
Ngumiti lang ako. "Yes boss!" Sabi ko saka tinapat yung kamay ko sa noo ko. Yung ginagawa ng mga sundalo.
"Hmmm bango ah. Luto na ba?" Tanong ni Dad na nakangiting papalapit samin.
"Malapit na!" Sabay naming sabi ni Dad.
"Pupunta ba yung sweetheart mo?"
Haha sweetheart talaga? "Di po eeh. May family gathering daw kasi sila."
"Ay sayang naman. Yayayain ko pa naman sana sya uminom."
"Hayaan nyo ma Dad. May next time pa naman po."
---
Ayan! luto na lahat!
11:50pm
Itetext ko nga si Bae.
To: aa.yam q..
Yam.. Videocall tau!After 8 minutes..
From: aa.yam q..
Xorry Yam q.. medyo bc kc aq eeh.Aw :(
Nagreply ako.
Cge.. ingat nlng.Nakakatampo naman. Pero hayaan na. Anu kaya ginagawa nya?
"Ma'am may naghahanap po sa inyo."
Sino naman kaya yun? Ay! Baka si Janna!
Kaso mas masaya sana kung andito din si Bae.
Paglabas ko..
OMG! Totoo ba to? Sinampal ko pa sarili ko.
"Ouch!"
"Haha sino ba kasi may sabing sampalin mo sarili mu Yam?"
He's standing while holding a boquet of white roses at isang PAPERBAG.
"Yam!" Tumakbo ako papunta sa kanya para yakapin sya.
Di sya gumanti ng yakap. Oo nga pala may bitbit sya.
Nakangiti sya sakin. Ang gwapo talaga! "Hehe akala ko ba may family gathering kayo?"
"Oo Yam eeh. Sumaglit lang talaga ko para makita kita. Pumayag naman si Mommy."
Mommy..
Ano kaya itsura ng mommy nya? Mabait din kaya? Magugustuhan nya kaya ko?
"Thank you sa pagpunta mo dito. I love you Yam.."
"I love you too." Then he kissed my forehead. "Ay ito pala oh." Inabot nya sakin yung flowers at PAPERBAG.
Pagtingin ko sa PAPERBAG ..
OMG! Bandmerch Tshirts! May mg bonnet pang kasama. Gusto ko to!
Iba ibang banda pa yung nandito. Sleeping with sirens, silverstein, pierce the veil, bullet for my valentine, nirvana, marami pa.
Kaya pala PAPERBAG ang dala nya. Laki kasi haha.
"Alam kong mas gusto mo yan kaysa sa mga dress. Madami ka na nun eh."
Tama mas gusto ko to haha. This is a perfect gift for me. :)
Susuotin ko sa school to pagkatapos ng vacation hihi. Together with my soon to be new hairstyle.
"Yam.. this is perfect. I love these."
"Talaga? Buti naman Yam ko hehe.".
"But I love you more.."
Natigilan sya. For sure kinikilig at nagblu blush nanaman to haha.
Ay yung gift ko nga pala. "Yam may kukunin lang ako."
Pumunta kong kwarto. Kukunin ko yung gift ko sa kanya.
Acoustic guitar sya na black and blue tapos may naka carve sa bandang ibaba.
Yam 28<3
To infinity and beyond..Ayan haha. Sana magustuhan nya.
Pagbaba ko, sakto nakatalikod sya. Nakasukbit naman sakin yung gitara na nasa bag kaya natakpan ko yung mata nya.
"Hehe Yam ko?"
"Sana magustuhan mo to Yam.."
"Kahit ano basta galing sayo magugustuhan ko."
"Hihi wow sweet talaga ng mahal ko hehe. Oh ito na ah.."
Tinanggal ko yung kamay ko sa pagkakatakip sa mata nya saka sya humarap sakin.
"Yam alam kong mahilig ka sa gitara kaya ito naisip kong gift.. alam kong may gitara ka na. Gusto ko lang talaga na makita kang natugtog gamit to."
Nakangiti lang sya, yung ngiting abot tenga hehe. Mukha ngang nagustuhan nya.
Buti naman :)
Kinuha nya agad sakin tiyaka ako yinayang umupo.
"Yam nagustuhan ko. Excited na ko makita yung mismong gitara. Tara upo tayo dun." Tinuro nya yung mini bench.
Pag upo namin tinanggal nya sa bag yung gitara.
"Wow! Ang ganda. Pati yung kulay ang ganda din. Teka.."
Napansin nya yung naka carve na sulat.
"Yam 28 to infinity and beyond. Wow Yam! Lalo ko nagustuhan hehe. Tuwing tutugtog ako dito ikaw maaalala ko."
Tuwang tuwa nga sya :)
"Buti naman nagustuhan mo. Merry Christmas Yam ko!"
"Merry Christmas din Yam ko, I love you very very much. Thank you Yam ko."
"I love you more. You're always welcome. Seeing you happy and knowing that you appreciate it is more than any thank you that I can hear from you."
"I love you most.." Tapos inakbayan nya ko tiyaka kiniss yung noo ko. "But.. you're the greatest Christmas gift I had."
"Ikaw din Yam. I'm glad you're here.. with me. And I'm very thankful that you're mine."
We just hugged each other, savouring the moment.
This is the best Christmas ever!!