BEA'S POV
Lunes nanaman. Excited ako pumasok! Hihi.
Nung friday kasi pag uwi namin inupdate agad namin status namin sa FB. Trending eh pati sa mga groups sa school.
"Hoy panget!" *TOKTOK* "Di ka pa nakain andyan na FIANCE mo!" Talagang diniin nya yung word na Fiance.
Napatakbo tuloy ako pababa. Ang aga naman ni Bae.
Pagbaba ko..
"Wala naman ah!"
"Hahaha!"
Sira ulo -.-
"Hoy Raven Felix! Sira ka talaga!" Pinaghahahampas ko nga.
"Hoy panget baka masugatan mukha ko sa ginagawa mo. Baka umiyak si Janna!"
Haha talaga naman.. "Baliw!"
Bilisan ko na nga kumilos.
RAVEN'S POV
"Wala naman ah!"
"Hahaha!"
Sarap utuin nitong panget na to eh ahaha!
Takbo pa sya pababa eh wala pa naman yung labidabs nya. Ahaha uto-uto.
"Hoy Raven Felix! Sira ka talaga!" Tingina sakit manghampas nitong amazonang to. Natatamaan ang gwapo kong mukha!
"Hoy panget baka masugatan mukha ko sa ginagawa mo. Baka umiyak si Janna!"
Haha syempre! Iyak talaga yun. Gwapong gwapo pa naman sakin yun tapos mababawasan kagwapuhan ko? Haha.
"Baliw!" Sabi nya habang umuusok yung ilong nya.
Syempre joke lang yun! Haha.
Makapunta na nga sa my loves ko haha.
*BEEP BEEP*
"Good morning Sir, pasok po muna kayo."
"Wag na po. Hintayin ko nalang si Janna dito."
Hehe syempre. May dala kasi akong flowers. Gusto ko pagkakita nya sa kagwapuhan ko makikita nya agad yung flowers hehe.
Kilig yun! Haha.
Kumatok sa bintana si myloves tiyaka ko binuksan yung pinto.
"Good morning baby ko." Sabi ko sabay kindat. "Flowers for you.." Tiyaka ko binigay yung flowers.
Namula siya. Oh diba? Haha
Di na nakapagsalita tong loves ko ah.
"Happy monthsary, i love you."
Mukhang nahimasmasan sya mula sa pagkaka kilig haha. "Hehe thank you baby ah. Happy monthsary din. I love you too."
Natutuwa ako pag alam kong naaapreciate nya yung ginagawa at binibigay ko. Kaya lalo ko minamahal to eh.
Kyaaa! Kabading! Nyahaha!
"Tara na?"
"Hihi. Sige baby. Baka malate pa tayo eh."
Nagsimula na ko mag drive. "Ang ganda ng baby ko ngayon ah.." Totoo naman maganda talaga sya. :)
"Ngayon lang?" Sabi nya ng nakanguso.
Ah eh.. parang uminit bigla dito sa kotse.
"Baby don't pout or else I'll kiss you."
Nanlaki yung mata nya. Nagulat siguro haha. Siya kase eh!
Pero bigla nagbago expression ng mukha nya at ngumiti sya.
"Then do it!" Aba hinahamon ako ng baby loves ko ah.
Sa 9 months namin di ko pa sya naki kiss sa lips. 9th month namin ngayon. Sige ba! Di ko palalagpasin ang pagkakataon haha.
Tinigil ko bigla yung sasakyan tiyaka ko bigla hinalikan si Janna.
I slowly moved my lips. After 2 seconds naramdaman kong nag respond sya.
Worth it 9 months of waiting ku ah. Sarap sa pakiramdam ng kiss niya kahit di sya marunong hehe.
Pagkatapos namin magkiss, nakatulala lang sya sakin. Parang nagulat sya sa pangyayare.
"Baby ako ba first kiss mo?" Sana ako! Sana ako!!
Nakatulala parin sya sakin pero nag nod sya. Shit! Ang saya ko!
Big deal ba? Para sakin oo!
Haha kung babae lang ako kanina pa ko nagtititili dito.
"Thank you baby for me being your first kiss. I want to be your first and last."
Kami kasing mga lalaki, big deal samin pag kami ang first boyfriend, first kiss, first everything.
JANNA'S POV
"Then do it!" Teka! Bakit lumabas sa bibig ku yun??
Tinigil nya bigla yung kotse. Bak-
O_O
He suddenly kissed me..
Syempre nagulat ako no. He just stopped the car and in less than 2 seconds magkadikit na yung lips namin?
I can't help but respond.
Eeh! Di ako makapaniwala! May first kiss na ku!!!!
Nabigla ako. But I'm happy that I gave him my first kiss.
"Baby ako ba first kiss mo?"
Di parin ako makapagsalita at nakatitig lang ako sa kanya.
I nod my head in response.
Bakit parang kinikilig sya? Hihi. I can see happiness in his eyes.
"Thank you baby for me being your first kiss. I want to be your first and last."
Nakakatuwa kasi halatang big deal sa kanya na sya ang first kiss ko :)
Nakarating na kami sa school, his hand enclosed to mine.
I really love this guy.. and I know he loves me too.
Si Brix nakatingin. Haha don't care!
Matagal na ko naka move on kay Brix, bago pa magstart manligaw sakin si Raven.
"Baby naaalala mo nung linigawan mo ko? Para akong babaeng kinilig. Crush na kasi kita dati pa eh."
Ok. Sabi ko nga ako nanligaw eh -.-
"I know. Kaso it's also obvious that you can't confess your true feelings kaya ako na nanligaw."
Kwentuhan lang kami hanggang makita namin yung sweet na mag fiance..
Masaya na kami pareho ni Bea dahil may dalawang lalaki na nagpakita samin ng totoong pagmamahal.
Sana forever na kami hihi..