Prologue: The Fight before Christmas

6 0 0
                                    

"Hoy! Akin kasi yan eh!!!

"I don't freaking care!"

"Give it back!"

"Oh, ayan! Laklakin mo. I don't care about the freaking bottle anyway."

Hay... ayan nanaman yung away namin ni Ate. It's already December 24 and we're just waiting for night to come para naman masimulan na namin yung Noche Buena. So, basically, our fight started while eating cake. After ni Ate kumain, she opened the kitchen fridge and pulled out a sparkling bottle of water. Tinatamad kasi sya mag-pour ng water sa baso eh.

Oo nga pala, I'm Aimee Kristine Montereal, 11 years old. Cute, kikay, maldita ng konti, bright at super friendly. Opposite ng older sister ko. Her name is Lea Clarisse Montereal, 12 pero in 4 days, 13 na sya. She's super duper serious, introvert, tahimik, simple, matangkad, matalino, ayaw lumabas ng bahay at halatang galit sa mundo. She doesn't even like sharing her feelings. Laging deadpan yung expression ng mukha nya, so you wouldn't know what she's thinking about.

Pero wag kayo. My Ate's prettier than me. Di lang napapansin ng mga tao because she doesn't like to smile and she feels insecure. Di kami masyado close, but before, when we were still kids, sobrang close namin. And then one day, she just shut me out. And I never knew why.

Haha, feeling Anna lang ng Frozen no?

Balikan na lang muna natin yung childhood namin ni Ate.

-[Flashback]-

"Ate!" a four-year-old me screamed habang tumatakbo ako papunta kay Ate ko. Our kindergarten class has just been dismissed at inantay pa talaga ako ni Ate kasami ni yaya dito sa school. Ate Lea's in Prep, and she's 5 years old, turning six this December.

When I finally reached her, she pulled me into a hug. "So, how's class?" she asked me, smiling sweetly to her little sister. Si Ate talaga, bata pa lang, ay magaling na mag-english.

Waah! Dudugo ilong ko! De, joke lang. Marunong din po ako, but she's better. She can speak English in an American accent, in British and minsan nga, ginagaya nya pa yung mga Indian na nagta-try magsalita nung language. ^_^

"It was fine, Ate. Masaya, as always."

"Okay. Always be a good girl, ha? I got something for you!" tapos tumakbo sya papunta kay Yaya and when she came back, she was holding a pack of marshmallows.

"I saved that from my daily allowance na binibigay ni Mommy. Hope you like it."

"Wow! Of course naman. I love you, Ate." I said and then I hugged her.

And we went home happily while eating the marshmallows.

-[End Flashback]-

Oh, ang saya diba? But when Ate turned 8, bigla sya nag-iba. It's like she grew up too fast. Too soon.

Okay, back to reality tayo. Nandoon, si Ate sa room namin. We share the same room pero di ramdam. Kasi ako, I sleep beside my Mommy in her room. Malambing ako eh!!! Nanonood ako ng TV, and my Ate, noong sinilip ko kung ano ginagawa nya, she was holding her phone while doing something on her laptop. Di ko alam how she does it. Sabay ginagamit yung dalawang yun? Para nya na ngang best friends yung phone nya and laptop.

As I was watching TV, may naamoy akong mabango, siguro yung niluluto ni Mommy. Wow, kahit nakasara yung door, I can still smell it from here!

"Mommy! Tapos na po ba yung ham for the Noche Buena?" I asked, tapos pumunta ako malapit sa hagdanan. When my Mom said yes, masaya akong bumaba para tikman yung ham. Yum!

"Ate, halika! Kain tayo ng ham!" I shouted, hoping to get her attention. Before ako bumaba, nakita ko si Ate sa kwarto nagaaral sa Quipper account nya. Tapos yung phone naman, nagbabasa sya ng mga stories, either sa Wattpad or sa Fanfiction.net. Hayy... Christmas vacation pero puro aral?

"I don't want to!" sigaw nya pabalik. Halatang inis sya. Bakit kaya ayaw nya, eh mahilig naman sya kumain, and di pa sya kumakain ng kahit ano, maliban don sa cake. Di pa nga sya nagbre-breakfast eh.

"Anak, sige na. Just taste it." Sabi naman ni Mommy ng malakas pero di sumisigaw.

"I'm not hungry." Sigaw ni Ate para marinig, pero di naman yung sa rude na paraan. Ayaw nya kasing bastusin si Mommy, kasi I know that she loves our mother, kahit di sya masyadong "showy".

Hay. Pag ba magiging teenager na, mataray talaga???





Teenagers...UGH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon