Sa wakas! nakagawa na rin ng panimula ng storya ng JepBree Couple ko hahaha..dedicated 'to kay Captain A ko kasi siya lang yata nag-aabang dito hahaha labyah beb..ginawan niya kasi ako ng cover photo nito eh malapad kaya di kita lahat gumawa n alng ako ng pansamantala hahaha kaya credits sa kanya..ayun pa rin yung pic sa gilid hahaha <3
PREVIEW....
Halos habulin ko na ang hininga ko ng makarating ako sa may locker ng gym,di nga ko nagkamali dahil nanadito siya.Malayo pa lamang rinig ko na silang nag-uusap ni Vince.
Kakatukin ko na sana yung pinto ngunit may kung ano akong naramdaman na pumipigil sa akin na gawin iyon.Nanatili lamang ako na nakatayo at pinakingggan ang usapan nila.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naririnig ko siyang nagsasalita,ramdam ko yung sakit na nagawa ko sa kanya.
“..di ko alam pre,darating at darating din pala sa punto na ayoko na...di dahil sa pagod na ko, di ko lang akalain na mawawalan din pala ko ng rason na mahalin pa siya..”
Halos sumabog ang dibdib ko sa mga salitang binitawan niya,di ko akalain na maririnig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya.
Di ko alam kung bakit bigla na lang ako naiyak,parang sinaksak ako sa dibdib,nasasaktan ako.Bakit? Bakit ko ‘to nararamdaman?
“..umasa ko na mamahalin din niya ko,pero hindi eh,hindi nangyari at hindi mangyayari..siguro ito na rin yung panahon para itigil ko na..”
Napahawak ako sa dibdib ko at iniling ang aking ulo,bakit ganito?..bakit taliwas yung sinasabi ng puso ko sa binibitawan niyang salita? Hindi na ko makahinga dahil sa sobrang pagpigil na mapalakas yung pag-iyak ko..ayokong malaman nila na nandito lang ako.Nanginginig na rin yung buo kong katawan dahil sa sobrang lamig.
Hindi ko alam sobrang deavastated ako sa mga narinig ko kaya parang nagkaroon ng sariling isip yung mga paa ko at tumakbo palabas ng gym.Muli kong sinugod ang napakalakas na ulan,hindi ko na kakayanin pa ang mga maririnig ko pa sa kanya.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makalabas ako ng campus.Di ko na kinaya pa at napaupo na lang ako sa may gilid ng kalsada at doon humagulgol ng iyak.
Kinuha ko yung sinsing na binigay niya sa akin at pinagmasdan ito.Napapikit na lamang ako at napakagat ng labi dahil isa-isang nanumbalik yung mga ala-ala ko sa kanya.
Gaya ng malaks na pagbuhos ng ulan,ang mga luha sa mga mata ko ay di na rin tumigil.Bakit? bakit ngayon ko lang narealized na ang TANGA ko pala.
******
Ano kayang ginawa ni Bree? bakit nasabi yun sa kanya ni Jepoy?..Huli na ba ang lahat? Hindi ba sila ang tinadhana para sa isa't isa?May iba pa bang papasok sa mundo nila?
Abangan...
-- SuperJemi <3