COLLECTIONS:
I used to do sort of stories that bothers my mind. Unluckily, hindi ko natatapos. Naiinspire ako sa kwentong nababasa ko pero tila Climax lang ang nagagawa ko at hindi ko masimulan o malagyan ng ending. Usually, puro ako ang bida. Pero sa mata ata ng ibang tao, ako 'tong masama. But then, i realized "Don't bother yourself too much in thinking what can be the strategy you can do about something."
1ST: ForNevermore
"I dreamed of it. Unluckily, i failed in catching up. Between you and me, thinking about what happened and what is meant to be. But one day, i woke up, i'm feeling better. Someone tried to lock out that key. I escape in a cage at my very young age. I am now about to step in that stage. - an essay posted in a blog written by Ms. Sianna D.L" - sinubukan kong wag matanggal ang composure but i failed. Nang matapos ay patuloy pa rin na bumuhos ang luha ko.
"Okay. You may take your sit. Class, the other essays will be discuss next meeting. Anyway, that's very inspiring, Ms. " - then she left. Inayos ko na ang
gamit ko at saka nagmadaling lumabas at nagtungo sa klase ng isa sa matalik kong kaibigan. Buti na lamang at nandoon na siya.
"Late for about 4minutes and 9seconds." - pang aasar niya kaya tinapik ko naman siya sa balikat.
"Where's it? Thank you for recommending her blogposts. Naiinspire akong magsulat e." - kinalkal naman niya ang bag niya at saka ibinigay sa akin ang dalawang
librong sinuggest niyang basahin ko.
"Both memorable and meaningful." - ika niya. Kaya tinignan ko naman ang title. Hindi masyadong attractive and cover pero para sa akin ay catchy ang title kahit sobrang simple lang niya. The Little Prince by Antoine De Saint-Exupery at The Alchemist by Paulo Coelho.
"Sige. Tara na maglunch." - aya ko sa kanya pero mukha namang nagulat ito.
"May sakit ka ba?" - hahawakan niya sana ang noo ko pero tinapik ko lang ang kamay niya. Hinila ko naman siya sa canteen ng school namin kaso lang ay puno na ito kaya naman hindi na kami nag abalang sumingit doon. Bumili na lang kami ng pagkain at saka binaybay ang kahabaan ng hallway bago namin narating ang Field. Maraming doon din kumakain dahil masarap ang ihip ng hangin.
"Kung hindi ka nag-Business Management, ano sana ang course mo, Seydell?" - napatigil naman ako sa pagkain at napaharap ako sa kaibigan kong si Nicollo
na nakatingin din sa akin. Napaisip naman ako sa tanong niya.
"Gusto ko magteacher, nurse, magpulis, magchef. Marami akong gusto actually. Pero hindi ko forte ang maghandle ng bata, ang dugo, ang tumakbo, ang magligpit. Kaya siguro dito ako dinala ng paa ko. Dahil wala akong devotion doon sa mga nauna."- inilapag niya sa lap ang pagkain nya at saka uminom ng tubig bago nakipag usap sa akin.
"Pero wala din sa course na ito ang passion mo. Tahimik ka, mahinhin. Di ka marunong makipag-sales talk. Ayaw mo ba ipursue iyong nasimulan mo na noon pa? Nagsakripisyo ka pero alam mo naman sa sarili mong di ka masaya sa pinili mong desisyon." - matapos niyang sabihin iyon ay hindi ko na ulit siya kinausap kahit hanggang magsipasok na kami sa sari-sarili naming classroom. Naging masaya ang buong klase dahil nagtext ang propesor na hindi daw siya makakapasok. Dahil iyon ang huli naming klase ay madali na kaming umuwi.
Pinili kong maglakad hanggang makarating ako ng terminal ng dyip. Karamihan kasi ay nagsisisakay pa ng traysikel at ang dahilan nila ay mainit daw. May payong naman ako at mas makakapag isip ako kung gagamitin ko ang mga paa ko.
Nang makarating sa terminal ay sakto namang may dumaan na dyip at agaran akong sumakay. Inihanda ko ang pamasahe ko at ang earphones ko para hindi na rin ako maabala sa biyahe. Isa na lamang ang hinihintay para sa byaheng iyon at ang tabi ko na lang ang hindi naookupa. May lalaking sumakay at tumabi sa akin.