(a/n: well, I’m updating if you still care or if someone’s still reading this. I’m so malungkot kasi wala ako makitang supporter ng story ko kaya katamad mag update. Pero sisipagan ko na baka may maloko ako at may magbasa na nito :* )
Kilala sa buong bayan ng San Rafael ang Kangkungan bilang magulo, maingay, at sagad sa kahirapan ang mga naninirahan. Shortcut sana iyon pauwi kina Angel pero dahil nga sa masamang reputasyon niyon ay hindi siya dumaraan doon.
Mahigit limampu ang diit-dikit na mga bahay na nakatayo sa paligid ng sapang puno ng mga kangkong. Pawang yari sa pinagtagpi-ragping yero at kahoy ang mga iyon, hitsurang bibigay sa kaunting ihip lang ng malakas na hangin.
Kung ang pamilya ni Angel ay mahirap, ang mga naroon ay tila mahirap pa sa mahirap. Dating mga taga-Sto. Niño ang mga taga roon. Ni-relocate lang doon sa boundary ng San Rafael dahil pinatayuan na ng pabrika ang dating lupang tinitirahan ng mga iyon.
“Blaze, anong gagawin mo rito?” mahinang tanong ni Angel. Bahagya na lang nga niyang napigilan ang sariling kumapit sa braso nito para sana pigilan ito sa paghakbang papasok doon. Sa bungad pa lang kasi ay may mga nakahubad-baro nang lalaking nakatingin sa paglapit nila. Ang kakatwa ay parang sa kanila pa duda ang mga ito. Tila may binabalak silang masama kung tingnan ang mga ito. Malamang ay nagtataka ang mga ito kung sino sila at ano ang ginagawa nila roon.
“Bakit? Natatakot ka? Puwede ka nang umuwi kung gusto mo,” ani Jedi sa bogot na tono. Tila ni hindi ito nababahala sa klase ng nanunukat na tingin ng mga lalaki.
“H-Hindi. Pero , bakit dito tayo nagpunta? Delikado rito. May mga kaibigan ka ba rito? Hindi ba’t madalas daw na may rambol dito?” Hindi na niya napigilang mapakapit sa braso nito nang akmang hahakbang na ito patawid sa tulay na kahoy na ang lapad, sa tantiya niya ay mga dalawang metro. Iyon ang daanan papasok sa Kangkungan.
Nagkibit-baliat ito bilang tugon. “Marami akong kakilala rito. Pero ang mga naririnig mo tungkol dito ay exaggerated na mga kwento na lang at hindi totoo lahat. Katulad lang din ito ng ibang baryo rito sa San Rafael. Ang kaibahan lang ay mas mahihirap ang mga narito. Natural na mailap at duda sila sa mga dayo. At kapag inisip nilang huhusgahan mo sila o masyado kang nagmamalinis, pagti-tripan ka lang pero hindi ka naman aanuhin. Kaya baka puwede mo na akong bitawn at baka maputol ang ugat ko sa higpit ng kapit mo.”
(Angel’s P.OV.) (a/n: ibabalik kop o sa individual p.o.v., hehe, labo ko noh, pero trust me, maganda talaga tong story na to, iloveyou sa nagbabasa, salamat talaga :*)
“Pero------”
Nag-uuyam na tinaasan ng ako ng isang kilay ni Blaze. Sinulyapan nito ang mga kamay ko na may hawak na panyo na pinipilipit ko na sa sobrang kaba. Kung hindi ako nagkakamali, kaaliwan ang nakabakas sa mga mata niya. Ngunit hindi iyon ang nagpaderetso sa tayo ko. Ang mas nagbunsod sa aking punuin ng tapang ang kumakabog na dibdib ko ay ang namataang pagkadismaya at disgusto sa mga mata nito. Tila ba kahit inaasahan na nito na ganito ang magiging reaksiyon ko ay nadismaya pa rin ito sa akin..
“People like you make me sick! Ang dali ninyong humsga ng tao base sa nakaraan at hitsura. Kung sasabihin ko sa iyong mas mabubuti kaysa sa mga mayayaman ng bayang ito ang mga nakatira diyan, maniniwala ka ba? Siguradong hindi dahil-----” –Blaze
“Halika na kung gayon,” sabi ko at nagpatiuna na sa paghakbang sa tulay.
“What---wait! Sasama ka pa rin sa akin papasok sa loob?” nakakunot-noong usisa ni Blaze sa akin, hindi makapaniwala ang anyo. Tila ba sadyang hindi nito inaasahang sasama pa rin ako sa kanya.
“Oo. Naniniwala ako sa iyo, sa mga sinabi mo.”
Ilang segundong natigilan si Blaze. Waring tinitimbang ang sinseridad ng sinabi ko. Nang tila makontento sa nabasa sa anyo ko ay bahagya itong tumango at inalalayan siya sa pagtawid sa tulay.
Mula sa mga lalaking nakatambay sa tulay, hanggang sa mga nakahubad-barong lasenggo, nagtatalakang mga tsismosa at mga nagtatakbuhang batang walang salawal ay bumabati kay Blaze. Kilalang-klala pala siya rito. Daig pa ang kandidato kung batiin ito ng mga naroon, tila hindi na iba sa mga ito si Blaze.
“Nadayo ka, Blaze! Sino ‘yang chick na kasama mo? Girlfriend mo? Marunong ka talagang oumili, ah,” malakas na usisa ng kalbong lalaking may hawak ng tako pagpasok namin sa maliit na bilyaran at kainan na nasa kanto. Buddha beads na lang at pupuwede na siyang magsindi ng mga insenso sa tapat nito. Sa kabila kasi ng malaking katawan at mas malaking tiyan nito, maamo ang ano nito na parang smiling buddha.
“Kumusta, Bogart? Buhay ka pa pala,” kaswal na ganting bati ni Blaze sa lalaki. Sinalubong ni Blaze ang tingin ng lalaki. Hindi ko alam kung paano nito nagagwa iyon pero tila nakikipag-usap ang mga mata nito sa kalbong lalaki at kung anuman ang sinasabi nitong “Bogart.” Bigla kasing umarko ang kilay ng lalaki, tila nagtatakang sinulyapan ako, saka misteryosong nagkibit-balikat.
“Kung ‘yan ang trip mo, eh,” sabi pa ni Bogart.
Ngising-aso ang ibinigay sa akin ni Bogart nang ibaling niya ang pansin sa akin. Sa isang iglap ay nawala ang mala-buddha sa among anyo nito. Ngayon ay animo gorilya na ito dahil sa pagdidikit ng mga kilay at paangil na tono nito. “Ipakilala mo naman kami kay Miss Ganda,” wika nito.
“Angel, sina Bogart,” ani Blaze. Nilingon niya ako at simpleng pinanlakhan ng mga mata, waring nagbabanta.
Marahil ay inisip nitong mag-iinarte siya sa pakikipagkilala sa mga kaibigann nito. Bagay na natukso naman talaga akong gawin. Para kasing hindi lang si Bogart ang sinapian, kundi maging ang mga kasama nitong naroon. Kanina, pagbungad namin ay magaan ang salubong ng mga ito sa amin. Pagkatapos niyon ay biglang naging tensiyonado ang mga ito, animo may mga personality disorder na mula sa pagiging mga maamong tupa ay nagbagong-anyo at naging mababangis na leon.
Ano ba ang isinenyas ni Blaze sa mga ito? Isinenyas ba niya na hindi naman talaga niya ako kaibigan kundi kaaway kaya hindi ako dapat tratuhin nang maganda? Nag isa-isang lumapit sa akin ang tatlo pang kalaro ni Bogart upang makipagkamay at magpakilala, napilitan akong iabot ang kamay ko sa mga ito. Mas kinakabahan ako sa mangyayari kung de-deadmahin at bastusin ko ang mga ito kahit pa nag-aalangan akong tanggapin ang nakalahad na kamay ng mga lalaking kung tingnan ako ay animo ini-imagine na ang magiging hitsura ko sa loob ng kabaong.
Isang stick ng sigarilyo ang nakita kong inabot ng isang lalaki kay Blaze. Ekspertong sinindihan niya iyon at hinithit. Ngalingaling hablutin ko iyon mula sa bibig niya ngunit nagpigil ako. Iyon pala ang pampalipas-oras nito---bumarkada sa mga bihasang tambay, manigarilyo, at uminom. Nag-aalala ako na baka ang susunod na ihahain dito ay illegal drugs. Hindi lang pala pulos tsismis ang mga kumakalat tungkol dito. Totoo alang maaga pa lang ay nasubukan nan nito ang kun anu-anong bisyo.
Nilingon ko siya para titigan ngunit nauna na pala itong nakatitig sa akin. At ang mga mga niya’y parang naghahamon, naghihintay ng inaasahang reaksiyon mula sa akin. Noon din ay natuklasan ko na sinusubok niya ako. Tila naghihintay ito na anumang segundo ay tatakbo na ako palayo sa lugar na ito nang nagtitili sa takot.
Tila sa dami ng mga taong naghusga at nagbansag sa kanyang patapon, nasanay na ito. Parang hindi ito magugulat kung huhusgahan ko din siya ng masama. Tila mas inaasahan pa nga niya na iiwasan at pangingilagan ko siya na parang may masamang hanging nakabalot sa kanya. At dahil doon, wlang kurap na sinalubong ko ang tingin niya. Bagay na batid ko’y muli na namang ikinagulat niya dahil sa pag-arko ng isang kilay at pagtaas ng sulok ng mga labi niya.
Bahagya itong tumango sa akin bago hinarap sina Bogart.

BINABASA MO ANG
Being With You
Teen Fiction"Because for once in my life, I must have done something right, that's why God gave you to me."