Kabanata Tatlongpu't Siyam

1.2K 32 0
                                    



Kabanata Tatlongpu't Siyam

May mga napapalingon sa amin ni Thadeus habang naglalakad kami papunta sa dance floor. Kadalasan tumitilapon ang paningin sa magkahawak naming mga kamay.

Natanaw ko si Zayden na mag-isang nakatayo sa isang standing table. Sinusundan niya kami ng tingin with his emotionless eyes. Napaisip ako kung naalala niya yung nangyari sa New York nung bakasyon, at kung alam kaya niya na ako iyon?

I found myself dreaming

Pagkarating namin sa gitna, niyakap niya ako. Nagulat ako sa ginawa niya kaya napaigtad ako.

"I miss being with you the whole day," malambing na sabi niya malapit sa tenga ko.

Lumakas ang tibok ng puso ko lalo na nung nagsimula siyang gumalaw. He was the one leading the passionate dance.

My arms snaked around his neck.

*lyrics

Sinandal ko ang pisngi ko sa balikat niya. Pumikit at inamin sa sariling nami-miss ko na rin ang dati naming closeness. Yung tipong magkasama na kami sa school kapag may free time tapos magkasama pa kami hanggang pag-uwi. It's either tatambay siya sa bahay or mamamasyal kami. I miss being with him the whole day, too.

*lyrics

He held my chin making me look up to him. There, I met his mesmerizing gaze. Kailan ba ang huling araw na natitigan ko ang mga mata niya ng ganito kalapit? Bumaba ang tingin ko sa matangos niyang ilong pababa sa mapanukso niyang mapupulang labi. Tinitigan ko iyon at humanga sa ganda ng kurba nito.

Nag-iwas ako ng tingin. After a moment of fantasizing him, nag-pop out nalang bigla sa utak ko ang katotohanan. Na sa likod ng pinapakita niyang motibasyon ay may tinatagong kasinungalingan at panloloko.

Pumikit ako ng mariin para pigilan ang luha kong nagbabadya. Ilang buwan na ang nakalipas matapos kong matuklasan ang tunay niyang pakay sa'kin, pero fresh pa rin ang sakit as if kahapon lang nangyari.

"You okay?"

Nagmulat ako nang marinig kong magsalita si Thadeus. Nasalubong ko ang mga mata niyang nag-aalala. Patuloy pa rin ang music at patuloy pa rin kami sa pagsasayaw.

Yumuko ako. "Punta lang ako ng washroom." Pagkasabi ko nun bumitaw agad ako sa kanya at umalis.

Napahawak ako sa dibdib ko nang marating ko ang nasabing lugar. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Mayamaya may napansin akong babae na nakatingin sa akin kaya umayos ako. Nakaharap siya sa malaking salamin at nakababa pa sa counter ang hawak niyang purse.

Nagbawi ako ng tingin at naglakad papunta rin sa salamin. Tinitigan ko ang reflection ko. Hinaplos ko ang mahaba at tuwid kong buhok, umarte na nag-aayos para hindi naman nakakahiya dito sa babaeng katabi ko. Bakit ba kasi ako nagpunta dito eh hindi naman ako tinatawag ng kalikasan at wala akong balak mag-retouch kasi ayos pa naman ang make-up ko. Ang dami daming pwedeng i-excuse ito pa ang naisip ko.

"Good luck mamaya."

Napatingin ako sa babae na bigla bigla nalang nagsasalita. Nakatingin rin siya sa akin sa salamin at nakangiti.

"Good luck saan?" tanong ko at humarap sa kanya nang may pagtataka.

Kasali ba ako sa magpe-perform ng special number mamaya? Sa pagkakaalam ko hindi. At tapos na naman ang cotillion ng mga piling estudyante bawat klase. Yeah, doon ako kasali. Pero kanina pa yun. Mukhang late ang good luck niya ah.

"Sa surprise ni Thadeus sa'yo. Hindi mo ba alam yun?"

Hindi ko alam kung ano ang unang paiiralin. Ang pagkabigla dahil sa natuklasang may sorpresa pala sa akin si Thadeus, o matawa. Malamang, surprise nga eh. Paano ko naman malalaman? Hindi na yung surprise kung sasabihin sa akin agad.

Pero teka...

"Anong klaseng surprise?" taka ko kahit na may ideya sa utak ko kung ano ito.

"Sa pagkakaalam ko he would propose to you. Magkakaroon ng flashmob and then papalibutan ka namin tapos may babagsak ng petals mula sa itaas tapos ayun tatanungin ka na niya ng 'Will you be my girlfriend'. Lagpas isang buwan niyang pinagplanuhan yung surprise niya sa'yo."

Na nasira lang dahil sinabi mo ngayon.

"At grabeng threat ang binigay niya sa lahat wag mo lang malaman."

Pero nalaman ko pa rin. Thanks to you!

"Ayun. Good luck mamaya! See ya!" Nginitian niya uli ako bago umalis.

"Weirdo," iiling iling na sabi ko.


Don't Mess With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon