Kabanata Apatnapu

1.2K 33 0
                                    

Kabanata Apatnapu

Ang tagal kong nanatili sa washroom. Nag-iisip kung ano ang mas dapat na gawin. Ang balak ko sana, magpanggap na walang kaalam alam sa sinasabing surprise "daw" ni Thadeus. At kapag nangyari na iyon, I would go reject him.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa ang bagay na 'yon. Hindi ko magawa na ipahiya siya sa harap ng napakaraming tao. Imaginin ko palang, nakokonsensya na agad ako. Kaya napag-isipan kong umalis nalang.

At ngayon, ini-stalk ko ang Facebook ni Thadeus. Ang daming nag-post sa wall niya.

John Alfie Lopez Okay lang yan, pre! There's a right time for that =)

Bia Estelloso Sayang effort. Eh kung sa'kin ka nalang nag-propose xD Hahaha JK!

Falls Desipeda Ganda ng flash mob kagabi ah. Sino nag-choreo?

Danica Alcantara Nagsasayang ka lang ng oras, pagod at panahon sa maling tao. Maybe she's not the right girl for you! Kasi kung oo, maaappreciate niya ang effort mo.

Nagsalubong ang mga kilay ko sa post ni Danica. That insecure-girl! May comment doon si Thadeus.

Thadeus Rivas She was MIA last night and probably don't know about my surprise. Never say she's not the right girl for me cause you know nothing!

Natuwa ako sa comment niya at muntik ko ng ma-touch ang like ang button. Mabuti nalang nabalik ako sa katinuan.

Dinaanan ko nalang ang iba pang post na chini-cheer up si Thadeus hanggang sa may mabasa ako na nagpabangon sa akin sa kama.

Andi Izumi Thank you! You really are the best! I love you!

Pinuntahan ko ang profile ng babae, at napag-alamanang siya iyong magandang babae na nakita kong kasama ni Thadeus sa mall.

I love you? Nice. Baka mag-on sila. At lumakas ang kutob kong iyon nang mabasa sa info niya na In a relationship. Walang nakalagay na with kaya hindi ko masiguro kung si Thadeus nga ba. Pero pwedeng oo kasi nag-I love you nga siya eh.

Binalikan ko ang post niya sa wall ni Thadeus. It was posted four days ago. Manloloko ka talaga, Thadeus! Nagplano, gumastos at nagpagod ka pa para sa sinasabi mong surprise proposal eh may girlfriend ka na pala! And what? Kakontsaba mo ba siya kaya hindi naka-tag ang in a relationship status niya sa'yo? And what were you planning after I say yes to you? You'd go dump me?

Kainis! Kung anu-ano na ang naiisip ko. Sumasakit ang ulo ko, shet!

Tumayo ako at dumiretso sa shower room. Binabad ko ng higit kalahating oras ang katawan ko sa bath thub. Pinaglalaruan ko lang ang bula habang nag-iisip ng kung anu-ano. I'm overthinking now, at lalo akong naiinis kay Thadeus.

Matapos kong magbihis, pinahanda ko ang kotse ko. Magro-roadtrip nalang ako kaysa magpaka-baliw sa kaiisip.

Bago ko paandarin ang sasakyan, chineck ko ang phone ko. May unread message mula kay Thadeus na kaninang umaga ko pa pala natanggap.

Magkita tayo sa park. Maghihintay ako.

Tumaas ang sulok ng labi ko. Nilapag ko sa dashboard ang phone ko at binuhay ang engine.

"Maghintay ka sa wala," mapait na sabi ko.

Humigpit ang hawak ko sa manibela. May girlfriend na siya, diba? Bakit hindi nalang iyon ang pagtuonan niya ng oras at panahon kaysa makipagkita sa'kin?

Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagpunta sa tabing dagat. Ang lugar kung saan ako dinali ni Thadeus. Dito ang sinasabi niyang pinupuntahan niya kapag may problema siya.

Umupo ako sa malaking bato at pinanood ang paghampas ng alon. Bakit ganun? Kailangan ba talaga nahuhuli ang sakit bago ang magmahal? I mean, bakit hindi nalang nangyari na nasaktan ako nang sa gayon hindi ko siya magagawang mahalin? Kasi kahit anong sakit ang binibigay niya sa'kin, nababalewala kasi nga mahal ko siya. Kahit umiiyak ako dahil sa kanya, siya at siya pa rin. Kung sana lang nalaman ko agad na pinagpustahan niya lang ako bago ko pa siya mahalin, edi sana hindi ganito kasakit. Ang unfair lang!

Sa kaiisip, hindi ko namalayan ang oras. Madilim na rin pala ang kalangitan. Tumayo na ako at bumalik sa sasakyan. Pagkaupo ko sa driver's seat, naramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Tanghali pa kasi ang huling kain ko.

Bago umuwi, kumain muna ako sa nadaanan kong Dine. Natagalan pa ako rito dahil pinatila ko muna anng ulan. Mabuti nalang malakas ang pagbuhos nito kung kaya't mabilis rin tumigil.

Paghawak ko sa handle ng pinto ng kotse, natigilan ako at napaisip na naman. Pagkaraan agad ko rin naman isinawalang bahala iyon. Umuwi na siguro siya.

Nagmaneho na uli ako. At sa di malamang dahilan, iniba ko ang direksyon papunta sana sa village namin. Pupunta ako sa park, kung saan gustong makipagkita ni Thadeus. Oo na, may concern pa rin ako sa kanya kahit na naiinis ako sa kanya. Wala, eh. Mahal ko siya.

Binagalan ko ang andar ng sasakyan. Hinahanap siya. Nakahinga ako nang maluwag dahil walang tao, wala siya. Pero bumalik rin naman agad ang pag-aalala nang makita siyang nakaupo sa isang bench malapit sa street lamp.

Hininto ko ang sasakyan at ginulo ang sariling buhok. "Shemay ka talaga!"

Ano bang meron sa kokote ng lalaking 'yan? Bakit hindi pa siya umuuwi? Ano yan, simula umaga naghintay siya? Walang kain kain? Siya nalang ang tao at madilim na ang paligid tanging street lamp nalang ang nagbibigay liwanag. Hindi ba siya natatakot? O napapagod manlang?

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan. Saktong pagbaba ko ng isang paa sa lupa ay bumuhos ang malakas na ulan. Na naman!

I step in then closed the door. But darn it! I couldn't just stay here at panoorin siyang mabasa sa ulan. I cannot... resist him. Darn.

Hindi ko na pinansin ang lakas ng ulan. Bumaba na ako sa sasakyan at tumakbo papunta sa kanya.

"Baliw ka talaga," hinihingal na sabi ko sa kanya nang makalapit ako.

Mula sa pagkakayuko ay nag-angat siya ng ulo. Ganun nalang ang ngiti niya pagkakita sa akin. Sa itsura niya para siyang bata na naligaw at nahanap ng nanay.

"Sabi na hindi mo ko matitiis." Niyakap niya ang bewang ko. Nakaupo pa rin siya.

Automatic na umangat ang kamay ko papunta sa buhok niya. Hinaplos ko iyon ng marahan. Hinayaan ko ng bumuhos ang luha ko tutal umuulan naman. Hindi niya ito mapapansin. Sana. Bakit ako umiiyak? Because I realized that changes do happen, but my feelings for him remain the same.

Tumayo siya habang nakayakap pa rin sa akin. Sinalubong niya ang titig ko.

"Ano man ang mangyari, hinding-hindi ako susuko sa'yo. Ilang beses man ako mapahiya sa harap ng maraming tao. Hinding-hindi, HyoRin. Hinding hindi."

And I found myself nodding. Ramdam ko ang emosyon niya. And because of that, nakonsensya ako ng husto. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kagabi sa acquaintance, sa ginawa kong pag-alis ng walang paalam kahit na alam ko namang may pinaghandaan siyang sorpresa sa akin. Ganunman, alam kong napahiya siya at nasaktan.

Darn, I'm back from being emotional me. Nasaan na ang tapang ko? Matapang lang naman ako kapag hindi ko siya kaharap. Pero kapag nandito siya, tumitiklop ko.

Hinapit pa niya ako lalo sa katawan niya. Parehas na kaming basang basa sa ulan. At dahil magkadikit kami, ramdam na ramdam ko ang lamig ng balat niya. Kinabahan ako na baka magkasakit siya.

Nagsimula nang lumapit ang mukha niya sa'kin. Hanggang sa lumapat na ng tuluyan ang malambot at matamis niyang labi sa'kin. Napapikit ako. Tila nabura sa isip ko ang lahat ng bagay. Si Andi, ang pusta, lahat!

Walang ibang nasa isip kundi ako at siya lamang.

]<


Don't Mess With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon