Kabanata Apatnapu't Tatlo
Hindi ko inaasahan na sa pag-uwi ko ay makikita ko si Thadeus. Nasa tapat siya ng aming gate, nakatayo at nakasandal sa kotse niya habang nakapamulsa ang mga kamay. May napansin rin akong boquet ng bulaklak sa bubong ng kotse niya.
Nag-init ang pisngi nang maisip na sa akin niya ibibigay iyon.
Umayos siya ng pagkakatayo nung mapansin niya ang paparating kong kotse. Pinarada ko muna ito sunod ng sa kanya tapos bumaba na at nilapitan siya.
"Hi," nakangiting bati niya habang sinusundan ako ng tingin.
I smiled as I greeted him back.
"Para sa'yo." Binigay niya sa akin ang bulaklak.
Pinamulahan ako ng mukha nang tanggapin iyon. First time niya akong bigyan ng boquet. Kadalasan kasi isang pirasong rose.
"Kakaiba ngiti natin ngayon, ah?" pansin ko. "Masaya lang?"
Tumango siya ng dalawang beses. "Magkaka-girlfriend na kasi ako bukas."
"Huh?" Sino? Paano? At anong oras?
Ang dami kong gustong tanungin pero pinili kong isarili nalang iyon dahil nahihiya akong itanong. Kasabay nun ay ang pagsisimula kong mag-assume─na ako ang tinutukoy niyang magiging girlfriend niya. Right! Talaga ngang napatawad ko na siya.
Sa halip na sumagot, tumaas lang ang sulok ng labi niya. Humakbang pa siya palapit sa akin at hinawi ang buhok kong natatakpan ang kaliwang pisngi ko. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at nakita ko kung paano nag-stretch ang mga labi niya habang nakatitig rito. Mayamaya nagsimula ng lumapit ang mukha niya.
Para akong maduduling. Hindi ko alam kung saan ako tititig. Sa kanang mata ba niya o sa kaliwa? O salitan nalang? I dunno.
Pumikit ako at nag-abang sa susunod na mangyayari.
Di rin nagtagal naramdaman ko ang malambot niyang labi sa pisngi ko. Pagdilat ng mga mata ko nasalubong ko ang maganda niyang ngiti.
"Hope to see you tommorrow." Marahan niyang pinisil ang pisngi ko, nakangiti pa rin. And he bid his goodbye by kissing my head.
Umalis na siya. Naiwan akong nakatulala.
Bumagsak ang tingin ko sa hawak na boquet. At napangiti nalang nang mapansin ang isang bulaklak na naiiba roon. May nag-iisang pulang rose na nasa middle at may sulat pa na smiling emoticon gamit ang pentel pen.
***
Para akong ewan. Kanina pa tapos ang klase ko pero hindi pa rin ako umuuwi. Kanina pa rin ako nakatulala dito sa oval. Yung mga pahiwatig naman kasi ni Thadeus kahapon eh.
Everything seemed normal. Wala akong mapansin na kakaiba dito sa school. Siguro nga sadyang nag-a-assume lang ako na may surprise na mangyayari and Thadeus would go propose on me.
Hay. Napabuntong hininga nalang ako at naisipang umalis na.
Nagpunta ako sa comfort zone ni Thadeus, na tinuturing kong comfort zone ko na rin. Ang kulit lang kasi feeling ko ang bilis kong nakarating sa lugar. Well, siguro dahil masyadong occupied ang utak ko.
Umupo ako sa sand at pinagmasdan ang magandang view. Hindi man kulay asul ang dagat malinis pa rin naman. At gustung gusto ko talaga ang pagiging fresh ng hangin. Nakaka-relax. Samahan pa ng kalangitan na sa oras na ito ay vanilla twilight. Napakaganda!
Sa ilang minutong pagsa-sight viewing, bigla akong may naalala. Kinuha ko ang bag ko na nasa tabi ko lang at binuksan ang zipper nito. Nilabas ko ang tatlong rosas─ ilan sa mga nakolekta kong bulaklak galing kay Thadeus.