Chapter 18

45 1 0
                                    

Renz's POV

"Nasaan si Yumi?" Tanong agad ni Eithan pagkapasok niya ng kotse.

"Malay ko, hanapan ba ako ng nawawala nating best friend?" Hahaha yung itsura niya hindi matimpla. Tapos tinignan niya ako ng death glared look

"G*go. Nasaan nga?"

"Hindi daw siya sasabay, susunduin daw siya ni Troy." Sagot ni Cassy habang nakatingin lang sa labas ng kotse.

"Epal talaga 'yon. Sagabal e." Seriously? bulong pa ba yung ginawa niya? Parang hindi naman.

"Kung bubulong ka man Eithan, siguraduhin mo na ikaw lang yung makakarinig." Sabi ko sabay ngisi.

"P*kyu! Magdrive ka na diyan."

"kung ako sayo umamin ka na." Seryosong dagdag naman ni Cassy.

"Paano ako aamin? e ni hindi ko nga alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para masabi lahat sakanya 'to." Seryosong sagot naman ni Eithan. Shemay ayoko ng ganito gusto Happy lang. Masyado silang madrama.

"Pustahan man tayo mamaya mahahanap mo na yung lakas ng loob ng yan. Makakapagtapat ka narin sakanya." Hula ko lang yan. Hehehe. Iba kaya siya magselos yung tipong pag nagselos na makakaamin ng hindi oras. Wahaha!

"Pustahan ka pang nalalaman diyan. Psh, siguro kailangan ko ng pigilan yung nararamdaman ko sa kanya. Mahirap narin kase e, baka mamaya si Troy talaga ang type niya." Seryoso niyang sabi. Hindi pa man nga nakakaamin sumusuko na agad.

"Bakla ka p're 'pag ginawa mo yon. Tsaka tingin mo ba kaya mong pigilan yang nararamdaman mo? Hindi ka pa nga nakakaamin sumusuko ka na agad. Tsk."

"Sa gwapo kong 'to bakla? Raulo! E ikaw nga ilang taon pa bago nakaamin kay Klea." Tsk past na nga hinahalungkat pa niya.

"Pwede ba? Past is past never discuss. Atleast nakaamin, e ikaw magagawa mo bang umamin? E mas pinapaandar mo pa yang takot mo." nakangisi kong sabi sa kanya habang nagdadrive.

"Hinahanap ko lang yung tamang panahon para makaamin." Teka nga parang kaming dalawa lang ang nag uusap dito ah? hininto ko saglit ang kotse at lumingon kay Cassy.

"What?" Tanong niya na halatang nagtataka. Kaya naman pala naka earphone kaya di nasalita.

"E para kang invisible e. Hindi ka nagsasalita ang tahimik mo."

"A-ay sorry. Nakikinig kasi ako ng music e, just continue driving."

"are you okay?" Tanong ni Eithan sa kanya.

"Yes, I am." Tipid niyang sagot. Tapos tumingin agad uli sa bintana. I think hindi siya okay. Dati hyper siya ngayon ang tahimik hindi ako sanay.

Pagkababa namin sa kotse ay biglang nagsilitawaan ang mga taga hanga namin. Naks ganyan talaga pag gwapogi.

"Omg! ang hot hot nila. Sh*t"

"Ang gwapo nila!"

"Ang swerte ni Cassandra laging kasama ng dalawa."

"Sana balang-araw pansinin nila tayo"

"Parang kabute yung mga fans niyo. Bigla bigla nalang sumusulpot. Psh" Natawa naman kami sa sinabi ni Cassy.

"What? bakit kayo tumatawa? may nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"Ganyan nga kasi pag gwapo, buti naman at nagsalita ka na? kanina ka pa tahimik e." Sagot ni Eithan sa kanya.

"Wala kang pake, okay?" Mood swings ayos ah.-.-

Friendship Against Relationship Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon