Miko Dela Vega's POV
"Teka lang naman Winter..." tawag ko kay Winter na naglalakad palayo sa akin. Hayyy... Hindi man lang siya nag-abalang sumagot. Derederetsyo lang siya ng lakad. Nakakainis...
Simula nung sumugod dito yung mga prototypes at ni Dr. Algor, Hindi na nila kami kinakausap. Parang bigla kaming nabura sa buhay nila. Tsaka isa pa nag-aalala din kami kasi halos mag-iisang linggo ng di pumapasok si Yuwi.
Naglakad na lang ako pabalik sa classroom namin, hindi kami magkaklase ni River pero kaklase namin si Zhyra. Pagkapasok ko siya agad ang una kong hinanap at talagang napakunot ang noo ko ng nakita ko dito si River.
"Bakit ka napadpad dito? Miss mo na ko?" singit ko sa usapan nila ni Zhyra. Nilingon naman nilang dalawa ang gwapo kong mukha tsaka ako nginitian ni Zhyra. Ano namang nginingiti ngiti nito?
"Sinamahan lang niya ko dito miks." sabi ni Zhyra sa akin. Bakit bata ba siya at kailangan niya ng kasama?
"Ang sabihin mo nandito si River kasi di niya matagalan ang nakamamatay na tingin nung magpipinsan at ni Andrew." sabi ni Blaze na kakarating lang kasama si Neo na parang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Rivs... magkaibigan tayo di ba? Kaya lang ayusin mo yung kat*ngahan mo at pati ang Reyna ko di na ko pinapansin." sabi ni Neo tsaka nag-walk-out. Tinamaan nga talaga ang g*go.
Napailing na lang ako tsaka binalik yung tingin ko kay River at Zhyra.
"Bumalik ka na sa klase mo Rivs. Magkaklase na kami." sabi ko tsaka tumingin kunwari sa relo ko. Siguro nga medyo harsh kami kay River pero kasi mali... mali na pinili niya si Zhyra pagkatapos ng nangyari noon. Mali na pinabayaan niya ang guardian niya. Mali na pinabayaan niya ang mahal niya. T*nga kasi neto ni River...
"Ah sige. Zhy, balik na kong room." sabi ni River tsaka siya tumayo at lumabas. Pagkalabas na pagkalabas ni River, nagsalita naman si Blaze.
"Bakit ka ba talaga bumalik? " tanong ni Blaze. Gustong gusto ko ding itanong yan eh.
"Hah? Kasi... kasi namiss ko na si River. Kayo. Tsaka... kaya ko ng bumalik." sabi niya kaya napataas ang boses ko. Pasensya na, gwapo lang... Naiinis din.
"Ano bang pinaplano mo?" tanong ko na medyo pasigaw. Nakatitig lang siya sa akin na naluluha bago dumating yung teacher namin.
Tsk... River will surely face his consequences.
River Ehren Cruzveda's POV
Tsss... pati ba naman sina Miko, Blaze at Neo galit na sa akin?
Nandito na ko ngayon sa klase, tinatangap lahat ng masasamang tingin nila Andrew. Pero kung tutuusin, wala akong pakialam sa kung paano nila ako tignan. Gusto ko lang naman malaman kung nasaan na si Yuwi at kung kamusta na siya. Halos isang linggo na siyang di pumapasok at ilang beses ko na din sinubukang tanungin sila Venice pero wala din naman silang sinasabi.
Nag-aantay lang kami ng Teacher na papasok sa room namin nang pumasok ang pinaka di ko inaasahang tao sa araw na ito.
Namumutla siya pero lutang pa din ang ganda niya. Tatayo na sana ako para lapitan siya ng nilapitan agad siya nila Andrew.
Sh*t...
"Bakit pumasok ka na? Kakagising mo lang kanina eh." sabi ni Andrew na nakanguso. Kakagising lang niya? Ganun ba kalala yung nangyari sa kanya?
Ilang araw na ang nakalipas ah..."Tsss... I need to guard him." napatulala ako sa sinagot niya. Nandito siya para bantayan ako? Ibig bang sabihin...
"No Yuwi. I'M SERIOUS... GO. HOME." matigas na sabi ni Winter na kahit ako kinilabutan. Pansin ko namang natigilan yung mga kaklase ko dahil sa nakakatakot na pakiramdam na iyon. Napabuntong hininga naman si Yuwi tsaka lumabas.
Tumayo naman ako agad para sana sundan siya ng humarang si Xinon.
"Where do you think your going?" tanong niya sa akin.
"I'll follow my guardian." seryosong sabi ko. Ngumisi naman siya tsaka nagsalita.
"Wala ka ng guardian simula nung pinili mo siyang pabayaan." sabi ni Xinon tsaka umupo. Saktong pag-upo niya ng pumasok yung teacher namin.
Wala na din akong nagawa kundi manahimik dito at umupo. Alam ko namang paglumabas ako para hanapin si Yuwi eh susundan din ako nila Andrew. They hate me so much for choosing Zhyra over Yuwi and I'm hating my self for hurting my guardian.
Hindi ko gusto yung nangyari... kaya lang naman si Zhyra ang pinili ko kasi akala ko kaya ni Yuwi. Hindi siya nagsalita nun... akala ko kaya pa niya. Tsaka naisip ko din na hindi dapat idamay si Zhyra sa mga nangyayaring to lalo na't wala naman siyang kinalaman dito.
"Mr. Cruzveda!" napaangat yung tingin ko sa teacher namin na tinatawag ako.
"River, kung wala kang panahon para makinig. Lumabas ka na lang." sabi niya kaya napayuko ako at tsaka kinuha yung gamit ko at lumabas. Wala na din naman akong planong makinig.
Pagkalabas na pagkalabas ko, isa lang ang gusto ko. Makausap si Yuwi.
Naglakad agad ako papunta sa rooftop kasi madalas siya dun dati. Ang sabi niya kasi malayo sa ingay dun.
"Yuwi..." sabi ko ng makita ko siyang nakatalikod sa akin. Dahan dahan naman niya kong nilingon kaya napangiti ako.
Hahakbang na sana ako palapit sa kanya ng malamig siyang nagsalita.
"Don't come near me. I'm here as your guardian as what I've promise. Nothing more..." sabi niya kaya napaatras ako.
"Yuwi... I-I'm so..." hindi na niya ko pinatapos magsalita.
"I'm your guardian, just your guardian. Go back with them, I'm guarding you." sabi niya tsaka tumalikod ulit sa akin.
Bakit?
Is she mad on me?
Heck River... Of course she is.
Halata naman di ba?
"Yuwi... Kaya ko lang naman pinili si Zhyra kasi... kasi akala ko kaya mo. Akala ko kaya mo kasi hindi ka nagsasalita... Akala ko..." hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng humarap siya sa akin ng umiiyak.
Sh*t River... What have you done?
Umiiyak siya... umiiyak siya pero wala pa ding emosyon yung mukha niya. It's cold... cold as ice.
"I didn't speak for I trust you. I trust you Master. I trust your words that you'll protect me too. Too bad... you didn't." sabi niya tsaka lumakad lagpas sa akin at tsaka lumabas sa pinto ng rooftop.
F*ck... How can you be this stupid River? How can you hurt her this much?
Sh*t... This is insane! Makakaya kong magalit sa akin ang lahat. Wag lang si Yuwi. Not my Yuwi.
Aishi's Note:
Not my Yuwi not my Yuwi ka dyan! CHE!
Hahaha... Hala galit na si Yuwi kay River. Paano na?
Sino ba kasi si Zhyra na umeepal sa lovestory nila?
tsk tsk tsk...
osya... Vote and Comment lang! Babye!
-Aishi :)

BINABASA MO ANG
My Doll like Guardian
Science-FictionRiver Ehren Crusveda is the only heir of Crusveda Coorporation. A successful institution which is considered as the biggest coorporation in Asia. For that reason, he always received death threats from different people and assassins. His Mother, Reev...