Hidden Kilig Chapter 3

23.4K 225 38
                                    

PAUL JOHN POV

Hidden Kilig Chapter 11

PAUL JOHN POV

CHESKA PINEDA...

CHESKA PINEDA...

CHESKA PINEDA...

Sa dami naman ng pwedeng maging pangalan niya, pangalan pa ng----

"Kael, sigurado ka bang ganun yung pangalan nun? Ganun na ganun talaga?" paulit ulit kong tanong kay Kael na classmate ko.

"Yun ang sabi nung classmate niya na patay na patay sa akin, siguro naman hindi magsisinungaling yun sa akin yun bro..Hmmm teka nga pare, e bakit ba kasi interesadung interesado ka sa babaeng iyon?"

"Ahh wala. Kalimutan mo nalang, thanks sa info ahh? Sige uwi na ako"

Yun ang araw nung nalaman ko ang pangalan niya. Hindi ko man inaasahan na kapangalan niya si Cheska, hindi parin ako tumigil hanggang sa mapatunayan ko na CHESKA PINEDA nga talaga ang pangalan niya.

Actually, hindi ako ang na-assigned na mag sa-sub sa section nila. Yung si Kael talaga dapat, kaya lang todo tanggi niya kasi ayaw niya na makita siya nung babaeng patay na patay sa kanya doon. So ayun ako nalang ang nagvolunteer dahil ayaw nga niya. Kung tutuusin nga pinilit ko lang siyang makipag usap sa girl na iyon last time kasi nga gusto ko talagang malaman ang pangalan ni Miss.

Yung Miss na kuha ng kuha ng picture kahit saan mapunta, yung miss na feeling ko ay laging nakasunod sa akin mula nung magtransfer ako dito. Yes, dito na ako nagtapos nang third year, at ang dahilan ng pag transfer ko noon ay dahil sa babaeng kapangalan ni Miss. Hindi na kasi kami pwedeng magsama sa isang school gayong medyo iniiwasan ko muna siya dahil hindi ko padin matanggap ang ginawa niya.

***

CHESKA

Yan ang nakita kong bagong contact sa phone ko. Hindi ako nahirapang makita sapagkat iilan lamang ang phone numbers na nakasave dito sa phone ko na ito. Nakakainis lang kasi ang kulit kulit talaga nang babaeng yun, ilang beses ko nang ipinaalala sa kanya na ayoko sa pangalan niya, buti pa naman ang Bhebs okay pa. Ganunpaman kahit ilang beses na dapat ay napikon na ako sa kanya, hanggang ngayon hindi ko magawang magalit sa kanya, siguro kasi dahil naku-cutan din naman ako kapag nakikita ko siya? Tho medyo may time na nagsusungit talaga ako. Siguro kasi ang lakas lakas ng energy niya? Yung para bang hindi siya nalo-lowbat. Ewan ko ba, basta iba ang pakiramdam nung makasama ko siya kahapon. Isang taon ko din yata hinintay yung pagkakataon na yon. Tagal lang e nu?

At ng maisipan kong magtext sa kanya, ang naitype ko sa phone ko...

[Goodmorning Bhebs, kita tayo mamaya huh? May kasalanan ka sa akin e]

At ang kasalanan niyang yun, ay ang pag save niya ng CHESKA sa phone ko, kung tutuusin hindi naman siya big deal, pwede namang palitan ko nalang hindi ba? Pero may kung anong nagsasabi sa akin na, kunwari badtrip ako sa ginawa niya at dapat bigyan ko siya ng punishment at ang parusang iyon ay ang samahan ako sa araw na ito.

Hindi ko maintindihan pero parang nabitin ako nung makasama ko siya kahapon.

Hindi niya ako nireplyan pero kahit na ganun, balak ko nalang sana na sunduin siya sa kanila mamaya, wala naman siguro siyang magagawa kasi may iilang bagay pa naman akong hawak na alam kong mapapa OO ko siya kung sakali, tulad nalang ng test paper niya, yung 1/4 and even yung pag amin niya na AKO ANG PAPA P niya. Siguro naman pwede ng pang black mail yun di ba?

Hidden Kilig Book 1 (ver 2.0 - under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon