[A/N: Don't expect too much. Nakakamatay ang ganon.]
-
"Nobody can own you but me. Only me"
-Dark Gyrus Anderson
--
[MICHELLE'S POINT OF VIEW]
Sa libo-libong taong nadadaanan ko, sa lahat ng nakakasalamuha ko, sa iilan na nakikilala ko at sa dami ng nakakasalubong ko..Sino kaya sa kanila ang nakatadhana sakin?
Meet Mikhael Delos Santos. Ang kaklase kong matangkad pero bully. Heartthrob pero mayabang. Matalino naman siya at kung tinotopak ay mabait. Siya na kaya? Hmm. I think not. May girlfriend na kasi yan--Si Chaslie. Maganda naman talaga si Chaslie at bagay sila. Kita naman talaga kasi sa kanila na mahal nila ang isa't-isa.
Meet Daniel.. Not Daniel Padilla and not Daniel Matsunaga. It's Daniel Cabugsa. Kilalang joker na lalaki sa room. Katamtaman ang tangkad at moreno. Guwapo daw siya sabi niya. Mabait at matalino naman kahit papano. Medyo KJ nga lang paminsan. Siya na kaya? Hmm. I think not. May mahal na kasing iba yan--Si Patrice. Isa rin sa matalino sa room. Maganda din naman at chubby. Bagay sila.
Meet Lander Sebastian. Ang pinaka sinungaling sa room. Haha. Dejoke. Masyado kasing matrip sa buhay kaya kung sino-sino ang inuuto. Matalino rin at mabait. Medyo may saltik lang paminsan-minsan. Lagi siyang naglalaro ng 4 pics 1 word. Para daw maimprove ang pag-iisip niya. Siya na kaya? Hmm. I think not. Kasi, hindi ko siya type. Simple as that.
Meet Ibni Jihad Jhulsadjiri. Hah! Bongga ng name no? Isa sa top students ng klase namin. Magaling sa math at pagdadrawing. Guwapo naman at mabait. Siya na kaya? Hmm. I think not. Kasi baka mamaya, sabunutan pa ako ng isa sa mga kaklase kong may gusto sa kaniya. Jusko! Ayoko pang mamatay no?!
Meet Alexie Cascajo. Ang chinito guy ng kabilang section. Guwapo siya at gentleman. Matalino rin at super bait. Kaya nga crush ko siya dati eh. DATI. Ibig sabihin, past! Siya na kaya? Hmm. I think not. Bakit? Magkakagusto nananaman ako sa kaniya? Tapos ano? Aasa nanaman ako? Che. Wag na no.
Meet Dark Gyrus Anderson. Macho guwapito yan! Snob nga lang. Ang puti-puti niyan na sa sobrang puti ay nahiya ang kutis ko. Mapaghahalataan mo na ngang naubusan ng dugo eh. Tapos mayroon siyang kissable lips at seductive eyes na kung titigan mo ay baka mahulugan ka ng panty. Siya na kaya? Hmm. I don't think so. Kasi ang layo namin sa isa't-isa. Masyado siyang perfect para pangarapin ko. Kung yung iba nga hindi niya pinapansin, ako pa kaya?
Well, enough for that. Hahayaan ko na lang si Tadhana na kontrolin ang buhay ko at ibigay sakin ang tamang tao. Makakapaghintay pa naman siguro ako.
At eto nga ako, ang babaeng naghahanap ng kaniyang magiging tadhana. Michelle Llloyda Manangan nga pala, at your service.
--
"Michelle!" napalingon ako sa babaeng tumawag sakin. Nakangiti ito habang patakbo sa direksiyon ko.
"Oh Cristhel, ikaw pala. Blooming na blooming ah?"
Pabiro niya akong tinampal sa balikat "Bruha. Nambola ka pa."
"Hindi ah. Nagsasabi lang ng totoo. Anyway, ano bang nangyari sayo at bigla ka na lang naging good girl? Milagrong hindi ka na pinapagalitan ni Ma'am Aquino. At mas milagrong di ka naglilinis ng storage room!."
Tumawa lang siya "Hay naku! Hayaan mo na 'yon. Napahiya lang panigurado yon dahil sa nalaman niyang katalinuhan ko."
Nakangiting napailing ako "Tsk. tsk. Bruha ka talaga. Ay teka nga, binibini." nameywang ako " maaari mo bang ipaliwanag sakin ang dahilan ng pagiging blooming mo ngayon? Naninibago na talaga ako sayo ah. Noong isang araw lang para kang namatayan. Pero tingnan mo naman ngayon.." saka ko siya sinipat from head to toe. "mukha kang inlove"
BINABASA MO ANG
Bloodsucker 2: Midnight Man (One-Shot)
VampireAlam kong lagi siyang nandiyan. Alam kong lagi niya 'kong sinusundan. Alam kong lagi niya 'kong binabantayan. Hanggang sa pagtulog ko ay lagi siyang nakaabang. Sa oras ng hatinggabi, lagi ko siyang katabi. Pero sino nga ba siya? - Midnight Man (One...