MABELL'S POV
Nandito kami ni love sa Giligans, nagdedate syempre wahahaha! And pinag uusapan namin yung about nga sa plano naming dalawa. Pakana lahat 'to ng boyftiend kong magaling.
"Ano naman sabi nila? Napaoayag mo ba?". Tanong ko sakanya habang kumakain kami.
"Naman love! Ako pa ba? Wala kang bilib sa gwapk mong boyfriend e.". Napapoker face naman ako sa kanya.
"Ikaw ha! Nasosobrahan ka na sa pagsama sa mga barkada mo. Nahahawa ka na sa kayabangan nila!". Sinamaan naman niya ko ng tingin.
"Grabe ka naman sakin love. Mahal mo ba talaga ko?!". Nagpout siya. Ako nagpoker face haha! Sarap asarin nito e.
"Ikaw Oliver ha, tigilan mo yang pagpapout mo!". Ngumiti naman siya ng nakakaloko.
"Bakit love? Paghindi ko ba tinigilan, hindi ka na makakapagpigil na halikan ako ngayon?". Ngumisi siya. Bigla naman nag init yung mukha ko. Waaah! Batukan ko kaya 'to?!
"Tch. Kumain ka na nga lang.". Iginala ko yung tingin ko, nang may mahagip yung mata ko.
Teka! Yun yung kasama ni Jubail sa bar ha?
Napatingin siya sa gawi ko, nakilala niya ata ako kaya napangiti siya. Shocks! Ang gwapo niya talaga! Tumayo siya at papalapit dito sa table namin???! Waah!
"Hey! Ikaw ulit, ikaw yung sumundo kay Jubail sa bar diba?". Nakangiti niyang tanong. OMG! Ang gwapo ni tol!
"Ah yeah ako nga.". Ngumuti din ako sakanya.
"Nice to see you again, Mabell?". Inilahad niya yung kamay niya, aabutin ko na sana iyon nang may kamay na humawak don at tumayo.
"Ahem, bro Oliver nga pala BOYFRIEND ni Mabell.". idiniin pa talaga niya yung BOYFRIEND ha. Tiningnan ko si Oliver, wahahaha! Ang sama ng tingin kay Clarence.
"Oww. Nice to meet you bro! I'm Clarence. May kasama ka pala hindi ko napansin, sorry.". Sabi niya sakin
"Paano mo mapapansin, kung sa girlfriend ko ikaw nakatingin.". Singit ni Oliver. naupo na siya, at pinagpatuloy yung pagkain niya, tapos tumahimik na. Paktay! Selos na.
"Sorry bro, anyway I have to go. Bye Mabell nice to see you again! Bro una na ko.". Tumango lang si VerLance.
"Sige ingat. Nice to ses you too again.". Nagsmile ako, then umalis na siya at nagwave.
"Wala na yung nginingitian mo. Kaya kung pwede wag ka nang ngumiti.". Sabi ng lalaki sa harap ko. Napasimangot naman ako.
"Sungit! Palibhasa selos.". Sinamaan niya ko ng tingin.
"Hehe. Tara love ko uwi na tayo? Ankyut mo talaga! Love you. Tara na?". Pacute kong sabi. Tumayo na siya at nauna maglakad. Tumayo na din ako at sinundan siya. Hindi man lang ako inintay. Psh!
"Love wait! Ambilis mo naman maglakad.". Reklamo ko. Tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad . Halos patakbo na ko maglakad, kasi naman ang lalaki ng hakbang niya!
"Oliver ano ba!". Huminto siya, naglakad ako papalapit sakanya.
"Nakakainis ka na!". Hinampas ko siya at nauna sakanya maglakad.
-
OLIVER'S POV
Napahinto na ko sa paglalakad nang tawagin na niya ko sa pangalan ko. Inis na yan.
"Nakakainis ka na!". Hinampas niya ko sa dibdib at iniwan ako.
Tch. Badtrip naman! Hindi ba niya naiintindihan na nagseselos ako? Siya pa yung may ganang mainis ngayon! Ako nga 'tong nagseselos. Kanina kating kati na yung kamao ko sa Clarence na yon! Kung makangiti naman akala mo aso. Tss. Mas gwapo pa din ako sakanya, kuko ko lang siya. Eto naman si Mabell wagas kung makangiti. Badtrip! Gusto ko sakin lang siya ngumingiti ng ganon..sakin lang hindi sa mahaba baba na yon! Mamaya masaksak pa yung girlfriend ko sa mahaba niyang baba e. Mahirap na. Kamag anak ata ni Babalu yon e, naligaw lang dito.
Nakarating na kami dito sa parking lot.
"Buksan mo na yung pinto.". Pinuksan ko na yung pinto ng sasakyan at sumakay na siya. Ako naman sumakay na din.
Tch. Mag aaway na naman ba kami? Ang babaw ko naman kasi, selos agad pinapairal ko. Sige na ibababa ko na yung pride ko.
"Love..". tumingin ako sakanya.
"Baka gusto mo nang paandarin yan, nang makaalis na tayo!". Sabi niya nang mataray hinawakan ko naman yung kamay niya.
"Hindi tayo aalis dito hangga't, hindi mo sinasabi sakin kung sino mas gwapo samin nung Clarence na yon!". Bigla naman siyang tumingin sakin at alam niyo ginawa? Inirapan lang naman ako ng babaeng mahal ko.
"Tinatanong pa ba yon? Syempre mas gwapo ka! Para ka namang bata Oliver Lance!". Bigla naman akong napangiti.
"So ano? Pwede na ba tayong umalis?". Mataray na tanong niya. Ako naman nakangiti pa din.
"Hindi pa! Nagseselos kasi ako, kung makangiti sayo yung anak ni babalu na yon tapos ikaw naman halatang kinikilig. Tch!". Humarap siya sakin at nagpoker face.
"Sobra Oliver! Anak ni Babalu?!". Sumimangot naman ako.
"Kita mo pinagtatanggol mo pa! Tapos kanina hindi mo man lang ako nilambing, nagseselos na nga ako kanina wala ka man lang ginawa. Tsaka next time a---". Nagulat at natahimik ako nang bigla niya kong hilahin at halikan. Nung una hindi pa ko tumugon kasi nagulat pa ko.
Mabell! You make me crazy!
Humiwalay siya sakin at ngumiti.
"Wag ka nang magselos. Ikaw lang ang pinakagwapo para sakin. I love you..". Hinaplos niya yung pisngi ko. Namula naman ako. Tae! Kinikilig ako!
"I..I love you too. Akin ka lang.". I grab her lips, and kiss her passionately.
I love this girl..She's the only girl that I want to be my wife. I love you so much Mabell Ignacio.. ❤
-------------
Hey Belated Merry Christmas guys and gals! Happy 1.7k reads!!!!! Waah! thank you guys.Vote and comment!
@SuperJubsBell
DU LIEST GERADE
My Bestfriend/Sister becomes My Future Girlfriend?
Sonstiges-PROLOGUE- "I love her, kahit bestfriend ko pa siya, kahit girlfriend man siya ng kaibigan ko.. I will do everything, maging akin ka lang.. YOU'RE MINE!" - Owy Posadas "Mahal ko siya, kahit boyfriend pa siya ng pinsan ko.. kahit bestfriend ko siya...