Chapter 22

778 35 6
                                    

Chapter 22

"Sino ba ang bisita natin? Ang aga-aga pa eh." Sambit ni Jonathan habang naglalakad pababa ng hagdanan.

"Pa, si Kuya Elmo po." Humalik sa pisngi ng kanyang ama si Joanna nang makababa saka nagpaalam. "Papasok na po ako, Pa."

"Sige, mag-iingat ka. Magtext ka kung nakarating ka na sa school ha?"

"Yes, sir!" Saludo ni Joanna saka na ito nagmadaling lumabas.

Pagkababa ni Jonathan ay agad niyang nakita si Elmo. Napansin naman siya kaagad ng binata kaya tumayo ito.

"G-goodmorning po."

Hindi alam ni Elmo kung paano siya nakatayo nang hindi natutumba. Nanghihina siya sa kaba, takot at hiya sa ama ni Julie Anne.

"Anong ginagawa mo dito?" Matigas na sabi nito.

Sasagot na sana siya nang magsalita si Marivic galing sa kusina. Saved by the bell.

"Hon, kumain muna kayo ng agahan." Yaya ni Marivic saka bumaling kay Elmo. "Elmo, sumabay ka na magbreakfast sa amin."

"H-hindi na po. K-kumain na po ako." Nahihiyang tugon ni Elmo.

Umiling si Marivic.

"Kilala kita. Hindi mo ugaling magbreakfast kaya tara na."

Tumingin si Elmo kay Jonathan. Halata niyang ayaw nito sa presensya niya kaya nahihiya siyang tanggapin ang alok ni Marivic.

Bumuntong-hininga si Jonathan saka na naglakad papuntang dining area.

"Sumabay ka na. Mamaya na tayo mag-usap."

Wala kang maririnig kundi ang tunog lamang ng mga kubyertos habang kumakain ng agahan sina Elmo, Marivic at Jonathan. Ito ang pinaka-awkward na breakfast ni Elmo kasama nina Marivic.

Parang robot na kumakain si Elmo dahil sa ramdam niya ang mabibigat na tingin ni Jonathan sakanya. Ingat na ingat siyang magkamali ng kilos. Hindi siya pwedeng gumawa ng kapalpakan dito. Para siyang nasa isang kampo na bawat kilos ay binabantayan at may bilang.

Hindi niya kayang ganito katahimik dahil gusto na talaga niyang makausap si Jonathan. He needs to man up.

Tumikhim siya bago nagsalita.

"Tito.."

"Mamaya na, Elmo." Putol sa kanya ni Jonathan saka ito bumalik sa pagkain.

Nagpatuloy rin sa pagkain si Elmo at ramdam niyang bahagya siyang pinagpapawisan kahit pa naka-aircon naman ang buong bahay ng mga San Jose.

Nang matapos silang kumain ay tumayo agad si Jonathan saka pa malamang tumingin kay Elmo. Nakuha naman ng binata ang nais nitong ipabatid kaya nang maglakad ito palabas ng dining area ay sumunod siya. Nakita niyang seryosong nakaupo si Jonathan sa garden chair.

"Sabay na tayo lumabas." Untag ni Marivic saka pa tinapik si Elmo na tinanguan lamang ng huli.

Umupo si Marivic sa katabing garden chair ni Jonathan habang nanatiling nakatayo si Elmo. Ayaw niyang ipahalata kung gaano siya kinakabahan sa mag-asawang San Jose kaya iginala muna niya ang kanyang paningin sa simple ngunit magandang hardin nila Julie Anne.

"Anong pakay mo dito?"

Huminga ng malalim si Elmo saka siya lumuhod sa harapan ng mga magulang ni Julie Anne. Nabigla naman ang mag-asawa sa ginawa ng binata. Hindi nila ito inaasahan.

"I'm sorry po."

Suminghap siya saka pa napapikit bago siya nag-angat ng tingin kina Marivic at Jonathan. Ang mga mata niya'y sinasalamin ang hiya, lungkot, pagkaguilty at pagsisisi na kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Kumikinang rin ang mga ito dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa kanyang mga mata.

Too Late... or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon