Prologue

60 2 0
                                    


(B.C.E)

Sa bayan ng Jerusalem ay isisilang ang isang bata sa isang mayamang pamilya na angkan ni Haring Herodes. Ang batang ito ang siyang itinakda ng kadiliman na maghasik ng lagim sa buong sanlibutan. Ang batang ito ay nagtataglay ng natatanging kagandahan na nagpapabaliw sa bawat kalalakihan sa bayan. Mahangin ba kamo? Siyempre ako yan! Dapat bongga ang intro para pak na pak.

Sa kabilang dako, kung ano naman ang kinaganda ko, ay siyang kinapangit ng pangalan ko. Haler??? Where in the hell did you get my name? Bel Unoi? Ano yun? Ang Cheap pakinggan. Pero hayaan na, wala na tayong magagawa basta ang alam ko lang maganda pa rin ako. Kasalukuyan akong papunta sa hapag kainan dahil nagugutom na ako, ang prinsesa, ng hindi ko sinsadyang marinig ang pinaguusapan ng aking ina at kanyang kumare.

"Mare, bakla ba yang anak mong si Bel?" ang kumare ni ina.

"Hindi mare, ganun lang talaga siya gumalaw. Mahinhin." Ang denial kung ina.

"Huh? Pero mare wag ka sanang magagalit hah. Nakita ko kasi si Bel na nakipaghalikan sa isang lalaki tapos may nangyari sa kanila. At ang masaklap dahil ang lalaking tinutukoy ko ay ang iyong kapatid" Ang solsol ng chismosang kumare ni ina.

"Sinisiraan mo ba ang anak at ang kapatid ko?"

"Mare, hindi. Di ko yun gagawin dahil totoo lahat ng sinasabi ko."

"Kung gayon, paano mo mapapatunayan sa akin ang lahat ng sinsasabi mo ngayon.?" Tanong ni ina.

Habang ako'y nakaisip ng isang plano upang mawala kaagad ang babaeng ito at maitago ang aking sikreto. Pinilit kung ayusin ang boses ko.

"Ahemmm...paumanhin ina at di ko sinasadyang marinig ang pagusap niyo ng iyong panauhin." At lumingon silang dalawa sa akin. "At akoy di magpaligoy ligoy, ang aking narinig ay pawang paninirang puri na walang katotohanan na maaring makasisira sa aking dignidad." Ang sabi ng buong tapang.

"Alam ko kung bakit ginagawa mo ito sa akin. Akala mo mauunahan mo ako." Ang sabi ko sa kumare ni mama. "Ina, ang totoo niyan ay ginagawa niya ito upang ako ay maparusahan ng kamatayan upang di mabunyag ang kanyang kasalanan sa pagpatay sa iyong kapatid. Nakita ko siyang nilason niya ito."

"Kasinungalingan." Sagot ng babae.

"Alam ng aking ina na kailan man di ako nag sinungaling."

Biglang sumigaw ang aking ina at tinawag ang mga gwardiya na walang alinglangang tumalima. Inutusan niya ang mga ito na puntahan ang bahay ng aking tiyohin at kumpirmahing patay nga ito. Di nag tagal bumalik ang mga ito at kinumpirma ang pangyayari, biglang tumangis ang aking ina sa poot.

"Hayop ka. Pinagkatiwalaan kita bilang kaibigan ngunit ito ang iyong ginawa sa akin. Dapat kang maparusahan ng kamatayan" ang sabi ni ina sa kanyang kaibigan.

"Hindi. Wala akong ginawang masama. Hindi ko siya pinatay siya ang pumatay sa kapatid mo." Ang panggigiit ng babae sa akin. Ngunit tinawanan ko na lang siya dahil alam kung di siya pakikinggan ni ina.

Sa araw ding iyon nahatulan siya ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpalapa sa kanya sa lion. Dahil sa pangyayaring iyon naging maingat na ako sa aking mga galaw. Kahit sinong mga lalaki ang pumapatol sakin. Mga emperador, collector ng buwis, mga pinsan, mga tiyohin, mga prinsipe at madami pa. Basta matugunan lang ang tawag ng laman solve na ako.

(C.E)

Nakatakda ang lahat ng mangyayari sa mundo, at sa pagdating niya magbabago ang takbo ng kapalaran ng bawat isa. Isisilang ang dakilang Mesiah, upang tubusin sa kasalanan ang buong sanlibutan. At sa gabing iyon siyay isisilang sa isang kuwadra ng mga hayop sa bayan ng Bethlehem. Aawit ang mga anghel sa langit dahil sa tuwa sa kanyang pagdating sa mundo.

Even Devil Do Good (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon