CHAPTER 35
"Hoy anong pinagbubulungan nyo dyan!" sigaw samin ng babaeng may hanep na bangs na tinatawag nilang si Chell
Hindi ako sumagot pero parang sirang plaka naman itong si Jilted sa pagsagot sa kanya
"Wala po! Wala po! Wala po!" sabi ni Jilted
"Oh sya, halika ka nga dito," utos sa kanya ni Chell
"O-oh-opo," sagot ni Jilted
Agad namang lumapit si Jilted sa kanya habang ako naman ay humanap nalang ng upuan na mapepwestuhan, hindi naman kasi ako yung tinatawag nya eh
Umupo ako kung saan mas malapit ko silang nakikita, mas mabuting obserbahan ko muna silang tatlo mula roon kaysa manghusga
Nakita kong may binigay yung Chell kay Jilted na isang salamin, yung walang kaha at kasing laki lang ng palad ng isang tao
"Hawakan mo to, aayusin ko lang eyeliner ko," utos ni Chell
Nabigla ako sa inasal ng babaeng iyon, hindi man lang sya nakiusap kay Jilted at basta na lang syang inutusan, pero hindi rin naman ako dapat basta-basta manghusga sa kanila
"Chell, ba't dito ka pa nagmake-up sa school, baliw ka talaga," kantyaw sa kanya ng kasama nyang si Leish
"Eyeliner lang naman to baliw, ikaw nga dyan eh, Ice cream agad kinakain mo, ang aga-aga," sagot ni Chell
"Haha, pero infairness ah hindi nila ako pinagbawalan na kainin to dito sa loob ng computer laboratory,"
"Tuwa ka naman, pasalamat ka kadikit mo ako,"
Habang minamatyagan ko sila, wala naman akong nakitang kakaiba sa kinikilos nila at halos pareho lang din naman sila ng ibang ordinaryong estudyante. Pero ang pagdadala nga ng anumang uri ng pagkain dito sa loob ng room ay alam kong mahigpit na pinagbabawal sa school
"Ano ba?" biglang sigaw ni Chell "...ayusin mo nga ang hawak mo dyan sa salamin, nanginginig oh,"
Nakita ko kung paano pinagtaasan ng boses ni Chell si Jilted, na para sa akin ay alam kong hindi na tama ang mga nangyayari, ang hirap kasi dito kay Jilted ay di sya marunong lumaban kaya sya naaabuso. Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko para makialam pero...
"Ayy!!" matipid na sigaw ni Chell
Napangiti ako ng malamang natapunan pala ng tumutulong Ice cream ni Leish yung sapatos ni Chell kaya ito sumigaw
"Sorry Chell, di ko sinasadya yan," sabi ni Leish
"Ahmp, baliw ka talaga, pasalamat ka di pumasok sa medyas," sagot ni Chell
"Sorry talaga ah, wag kang magagalit,"
"Oo na, pahiram nalang ng notebook,"
"Ay wala rin akong dala Chell,"
"Eh ikaw?" tanong ni Chell kay Jilted
"Meron," sagot ni Jilted "...eto po,"
Walang alinlangan naman na binigay ni Jilted yung manipis nyang notebook kay Chell, pero nagulat ako dahil bigla nya itong pinagpipilas para lang ipamunas sa nadumihan nyang sapatos
Lalo pa akong nag-apoy sa galit ng makita ang reaksyon ni Jilted, dun ko napansin na yung parteng may sulat pa pala yung pinipilas ni Chell
( "Dyos ko po, yung sinulat kong mga tula pa naman yung nakasulat dun sa notebook," ) >>> (T_T) Jilted
Nagmadali akong lumapit sa kanila ng malaman ang sitwasyon ni Jilted, nararamdaman ko namang importante para sa kanya nung notebook na yun tapos wala man lang syang ginagawa para pigilan yung Chell na yun
"Oh nasaan na yung tagahawak ng salamin ko, hindi pa ako tapos ayusin yung eyeliner ko," sabi ni Chell na mukhang kakatapos lang punasan ang sapatos nya
Muli na namang itinapat ni Jilted yung salamin kay Chell, pero pinigilan ko na sya "Jilted tama na yan," sabi ko
"Dark?" sabi ni Jilted
Para akong superhero na umentrance sa buhay ni Jilted nung mga sandaling yun, well ganun talaga, ayoko lang talagang nakikita na may umaapi sa mga kakilala ko
"Ikaw namang babae ka! Paganda ka ng paganda iyon namang panget ng ugali mo!" harapan kong sabi dun kay Chell
"Dark tama na, wag mo syang pagsalitaan ng masama," pag-awat sa akin ni Jilted
"Jilted naman, hindi na tama ang ginagawa nya sayo," sagot ko
"Haha," mahinang tawa ni Chell "...Leish, kunan mo kami ng video,"
"Ah Oo," pagsang-ayon naman ng kasama nya
Medyo nagtaka ako kung para saan ang ginagawang pang vi-video ng kasama nyang si Leish sa amin. Tumingin ako kay Chell pero nakita ko lang ang nakakaasar na ngiti nito
"Para saan ang video na yan," sabi ko pero di nila ako sinagot "...ano ba? Hindi kayo nakakatuwa ah, pumapatol ako ng babae!"
Nagpatuloy ako sa pananakot sa kanila habang panay lang ang hatak ni Jilted sa uniform ko
"Dark hindi mo dapat kinakalaban si Chell," kabadong si Jilted
"Bakit nanaman Jilted," sabi ko
"Dahil si Chell ay pamangkin ng ating School Administrator, kaya hinding hindi ka mananalo sa kanya, dahil lahat ng napabalitang kumalaban sa kanya ay madaling napapatalsik dito sa school!" bulong ni Jilted
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasyAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...