CHAPTER 36

59 0 0
                                    

CHAPTER 36

Nung marinig ko ang sinabi ni Jilted na si Chell pala ay pamangkin ng aming School Administrator, dun ko na naramdaman ang takot na sinasabi nila. Dun ko rin naramdaman na parang unti-unti na akong kinakapos ng hininga at ngayon ko lang naunawaan ang sinabi ni Jilted kanina. Ang pakiramdam ng isda na nakapasok sa teritoryo ng isang leon.

Ngayon alam ko na kung bakit pati yung apat na buraot boys ay natatakot sa kanya. Hindi pala basta basta ang babaeng kaharap ko ngayon.

( "parang kaylan lang nung may makaharap akong katulad ng lalaking ito, pero anong nangyari? Para lang silang mga bula na bigla nalang nawala," ) >>> Chell

Nanatili lang akong nakatayo sa harap ni Chell habang kanina ko pa nakikita na nakatutok ang digital camera na ginagamit naman ng kasama nyang si Leish

"Ano ba! Hindi mo ba ititigil yan!" sigaw ko sa kanya

Sinubukan kong agawin ang digital camera na hawak ng babaeng yon, pero hindi ko maabot dahil inilalayo nya ito ng kamay nya, habang nag-aagawan kami nung Leish sa camera nya ay sya namang tawa ng babaeng si Chell kaya di ko naiwasang mabaling muli ang atensyon ko sa kanya

"ahaha," mahinang halakhak nya

"Anong nakakatawa!" sigaw ko

Dito ko na naramdaman na nagdilim na ang paningin ko, hindi ko na rin marinig ang pag-awat sa akin ni Jilted, parang nawala sa isip ko na babae ang kaharap ko at di ko nakontrol ang sarili kong tutukan si Chell ng aking kamao.

Pero wala akong balak na pakawalan ang aking kamao sa kanya dahil ang ginagawa ko ay parte lamang ng aking pananakot sa kanya pero kapansin pansin na parang hindi rin sya nasindak sa ginagawa ko

Ilang saglit lang, isang ingay mula sa pinto ang narinig ko, mga ingay na na nagmumula sa mga kaklase namin na isa-isang nagpapasukan sa loob at narinig ko ang mga bulungan nilang nandyan na raw si sir Jhayde. Kaya kaylangan ko na ring bumalik sa upuan ko bago pa kami datnan dito

"Hindi pa tayo tapos!" banta ko sa kanya sabay alis ng nakatutok kong kamao

"Hmm.. Pero para sa'ken tapos na ang lahat ng to," sabi ni Chell sabay tingin sa kasama nya "...ano Leish, nakuhanan mo ba ng video?"

"Teka teka muna, Anong ibig mong sabihin?" pagsingit kong tanong

"Ah, well magpaalam ka na sa eskwelahang to, dahil ang video na nakuhanan ni Leish mula sayo ang syang gagamitin naming ebidensya para mapatalsik ka dito sa school ha-ha-ha," sagot ni Chell

"Ah Chell, stop ko na ba yung record?" biglang sabat ni Leish

"Huh? Baliw ka talaga Leish, na-record mo pa yata yung mga sinabi ko ah, kanina mo pa dapat ni-pause yan eh. Langya ka talaga, pag-eedit-in mo pa ako eh,"

"Ay ganun ba, sorry naman Chell, sige sige ako nalang mag-eedit nito,"

Sh*t!! Kaya pala may video, ngayon ko lang nalaman. Naset-up nila ako at base pa naman sa mga pinakita ko kanina, mukhang ako pa yata ang lalabas na masama.

"At ikaw naman," biglang tingin sa'ken ni Chell "...enjoy the rest of your day ha-ha,"

2:30pm

Break time ng aming second subject na P.E. Halos lahat kami pagod sa activity, nakaupo ako sa isang monobloc chair habang umiinom ng malamig na mineral water ng mapansin kong napadaan sa harap ko sila Jazer at si Kiel

"tol Jazer, tol Kiel," bati ko sa dalawa

"oy Dark," sagot ni Jazer

Sa kanilang dalawa, tanging si Jazer lang ang huminto sa harap ko samantalang nagtuloy tuloy lang paglakad si Kiel hanggang makalagpas sa'ken kaya di ko maiwasang magtaka

"May galit ba si Kiel sa'ken?" tanong ko kay Jazer

"Huh, di ko nga alam tol eh," sagot ni Jazer

"Wala lang, parang kanina ko pa kasi napapansin na ilag sya saken,"

"Ahh.. Baka nga may galit sayo," sagot ni Jazer "...oh sya teka lang Dark, maiwan muna kita,"

Naiwan uli akong mag-isa dun sa upuan ko pag-alis ni Jazer, pero bakit nga ba magagalit sa akin si Kiel. Medyo weird din yung nabasa ko sa isip nya nung huli kaming mag-meet.

"Dark," isang lalaki ang biglang tumawag sa pangalan ko

"Jilted?" sagot ko ng makita sya

Kumuha sya ng upuan at itinabi sa upuan ko "Pasensya ka na nga pala kanina," sabi nya

"Para saan?" tanong ko

"Yung kanina, kasi... hindi ko agad nasabi sayo yung tungkol kay Chell," sagot ni Jilted na nakayuko sa harap ko

"Wala kang kasalanan dun Jilted, hindi ka naman nagkulang ng pagpapa-alala," sabi ko

"Pero..." sabi nya pero pinutol ko

"Pero kahit alam ko na pamangkin sya ng School Administrator, ganun at ganun pa rin ang gagawin ko Jilted, kasi... alam ko sa sarili ko na ako ang tama," sagot ko

"Pero anong balak mo ngayon Dark, maaaring bukas o makalawa, pwede ka na nilang patalsikin dito sa school," sabi ni Jilted

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Jilted, dahil wala rin talaga sa isip ko na mangyayari sa akin ang lahat ng ito. Pag napatalsik ako sa paaralang ito, baka hindi na ako pag-aralin ng tita ko, pati mga magulang ko.

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon