CHAPTER 37
"Haayst *yawn* Hayaan mo na Jilted," sabi ko sabay tapik sa likuran ni Jilted
Inilapat ko na lang ang likuran ko sa sandalan ng upuan ko at tanging ang salitang "bahala na" lang ang paulit ulit kong iniisip.
Kung mapatalsik nga ako ni Chell dito sa school. Sige lang! Patalsikin nya ako! Hanggang maubos lahat ng clasmate nya at sya na lang ang matirang estudyante dito :-P
Habang nakasandal ako, tahimik pa ring nakayuko si Jilted sa tabi ko, well sanay na akong makita sya ng ganun pero alam ko naman na concerned sya sa'ken. Kahit papaano sayang din naman yung kurso, kahit sabihin pa na first sem palang yan. Ahmp sayang din pala yung binayad kong tuition.
**Hayst**
Habang naghihintay ang iba na matapos ang Class Break, ako naman pagala gala ng tingin sa malawak na ground ng school kung saan kami nagka-class ng P.E. na para bang ito na ang huling beses na makikita ko ang lugar na yon.
Mula sa kinauupuan ko ay nahagip ng tingin ko ang magandang si Diane, medyo malayo sya kaya di nya mapapansin na nakatingin ako sa kanya. Naka upo rin sya sa isang plastic monobloc chair pero naka-side view sya.
Di ko tuloy naiwasang maalala yung pangako ko sa kanya na gagawa ako ng paraan para mapatawad nya ako pero wala pa man akong nagagawa, drop out na agad ako sa school. TTnTT
"Dark? Okey ka lang?" si Jilted na biglang humarang sa napakagandang view ko kay Diane
"Okey lang ako Jilted, may naalala lang ako sa kanya," sagot ko sabay nguso sa likuran nya
Nilingon nya kung sino yung tinutukoy ko habang ako naman ay napabangon sa pagkakasandal at saka dinukot yung I.D. ni Diane na nasa bulsa ko.
"Siya si Diane," sabi ko "...alam mo kase, may atraso pa ako sa babaeng yan eh,"
Pinakita ko kay Jilted yung I.D.. Hawak ko ang I.D. holder nito habang pinagmamasdan itong nakabitin at pagkatapos ay muli ko nanamang isinandal ang likuran ko sa sandalan ng upuan
"Naiwala nya kasi yung I.D. na'to at nagkataong ako ang nakakuha, ang kaso lang eh hindi ko agad naibalik sa kanya, kaya ayan, tingnan mo may bago na syang I.D. ngayon." paliwanag ko
"Ah-Oo nga," matipid na reaksyon ni Jilted
"Ngayon, gusto kong ibalik sa kanya ang bagay na'to pero ayaw nya ng tanggapin hindi dahil sa meron na syang bago kundi dahil kasi galit sya sa'ken," panandalian akong huminto sa pagsasalita
"Haha, pero alam ko, mabait yan," naalala ko yung pinakopya nya ako ng assignment nung pinalabas kami sa hallway (^///^)
**silent**
"Ahm, pero Jilted, gusto kong ibigay sayo to," napalingon si Jilted sa sinabi ko
"Kung sakali lang na magtagumpay nga yung Chell sa binabalak nya at hindi na ako makabalik dito sa school, gusto kong maiwan sayo to," inabot ko kay Jilted yung I.D.
"Hindi, wag!" sabi nya
"Tanggapin mo na," ngumiti ako sa kanya "...gusto ko, pag hinanap ako ni Diane o kahit maalala lang nya ako, gusto ko ibalik mo sa kanya ito,"
Marahan nyang tinulak ang kamay kong may hawak ng I.D. at mukhang wala syang balak tanggapin ito
"Hindi ko matatanggap yan. Hayaan mo Dark, magtiwala ka!" inangat nya ang ulo nya at mas naging seryoso pa lalo si jilted "...hindi ka mapapatalsik sa eskwelahang ito,"
( "Gagawa ako ng paraan,
Pakiramdam mo sana'y gumaan,
Ikaw sana'y maghintay,
Hanggang ako'y magtagumpay," ) >>>Jilted
Hindi ko alam kung anong plano ni Jilted pero kamusta naman yung tula sa isip nya (^^,)
Jilted
POV
5pm class dismissed ng P.E. namin. Madami na ang mga nagmamadaling umuwi dahil gusto na nilang magpahinga mula sa nakakapagod naming schedule.
Pero may importante pa akong gagawin bago umuwi, pero hindi para sa'ken ang gagawin ko kundi para kay Dark.
Malungkot ako na malaman na papatalsikin sya dito sa school. Sya pa na kaisa-isa kong kakampi sa school na to. Oh sya teka lang, iputan sana ng butiki yung mag-isip na bakla ako. Excuse, hindi po ako nababakla kay Dark. Aminado lang ako na mas pogi sya saken.
Siya lang kasi ang masasabi kong true friend sa mga classmate ko at isa pa minsan na rin nya akong niligtas kila khenji. Kaya sana sa pagkakataong ito. Sya naman ang matulungan ko.
Ako mismo ang kakausap kay Chell, kung kinakaylangan kong lumuhod sa harapan niya, gagawin ko.
Narating ko ang isang bakanteng part ng school which is tambakan ng mga sirang chair na alam ko na madalas tambayan nila Chell kapag uwian. At di nga ako nagkamali nandun nga sila dahil dinig ko na agad ang mga halakhak nila mula sa kinatatayuan ko.
**heart bit**
Eto na, kinakabahan na ako. Nanginginig na ang mga tuhod ko at parang di makahakbang. Go Jilted, kaya ko ito!! One two three! Go.
Pagpasok ko nakita ko sila Chell, kasama yung apat pang babae. Puro kasi babae ang tropa niya, kasama na si Leish. Then yung tatlo ay galing pa sa ibang kurso.
"Aw Chell, sya yung nerd na classmate natin," si Leish
Nerd? Ni-Wala naman akong suot na reading glass eh?
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantastikAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...