CHAPTER 38

57 0 0
                                    

 A/N: Hello guys pansamantalang ako muna yung POV. Napagutusan lang XD 

--------------------------------------------------

CHAPTER 38

Author's

POV

Napangunahan na ng takot si Jilted ng makita ang limang girl student na binansagang mga bully ng school. Nakita nya ang mga mata nilang nakatingin sa kanya na syang nakakapagbigay ng kakaibang kaba sa kanya para di nya masabi ang kanyang pakay.

Alam ni Jilted na delikado ang pumasok sa tinuturing nilang teritoryo, bukod sa bihirang daanan ng mga estudyante ang kinaroroonan nila ay nagsisimula na ring mag-uwian ang mga tao sa loob ng school kaya hindi sya makakahingi ng tulong kung sakaling pagtripan sya ng mga ito.

Nagsimulang makilala ang mga babaeng bully na ito isang linggo pa lang ang nakakalipas nung magsimula ang pasukan. Bagamat ang pamangkin ng School Administrator na si Chell lang ang dapat na katakutan ng lahat, naging katakot takot na rin sa paningin ng iba ang mga kaybigan nito dahil madalas nilang banggitin ang pagiging malakas nila kay Chell para gamitin din nilang panakot sa pambubully.

Namukhaan naman ni Chell na classmate nya si Jilted "Anong ginagawa mo dito?"

Lumakad palapit si Jilted kahit nanginginig na sya sa takot "Ka...ka...kasi yung ano..." nauutal na sagot nya

"BULAGA!!" ginulat sya ni Lean, ang pinaka-annoying o nakakaasar sa grupo

Napahalakhak naman sa tuwa ang lima sa naging reaksyon ni Jilted dahil sa panggugulat ni Lean ay napaupo ito sa takot. Para sa kanilang mga bully, kakaibang saya ang dulot nito, patunay lang kung gaano talaga sila kakilala sa school dahil sa pagiging malupit nito.

Lumapit naman yung isa pa kay Jilted "Huy ang sasama nyo talaga," si Ellah na biglang bumait at inabot ang kamay para tulungang tumayo si Jilted

Naging kampante naman si Jilted na hawakan ang kamay ni Ellah pero agad din syang binitawan sa kalagitnaan ng kanyang pagbangon kaya muli nanaman syang napaupo at natumba.

"Ha-Ha-Ha-Ha," sabay-sabay na halakhak ng limang babae

Napayuko na lang ang kawawang si Jilted kahit sa loob nito ay galit na sya "Tama na! Tama na!" mariin nyang sabi "...parang awa nyo na!!" dagdag ni Jilted

Tumayo si Chell mula sa kinauupuan nya at naupo sa harap ni Jilted "Ano ba kasing pinunta mo dito," sinabunutan nya si Jilted para maiharap nya ang mukha nya sa pagkakayuko

Pinilit naman ni Jilted na maging matapang "Nagpunta ako dito, para makiusap. Parang awa mo na, ugh! Wag mo ng isumbong ang kaybigan ko," sagot nya

Naalala naman ni Chell ang gustong sabihin ni Jilted "Aaahh... Sya ba yung lalaking nagmatapang na labanan ako kanina,"

*PAK*

Isang malutong na sampal ang binigay ni Chell kay Jilted na agad ikinapula ng kaliwang pisngi nya. Hindi pa rin binibitawan ni Chell ang buhok nya sa pagkakasabunot.

Sumenyas si Chell kay Leish "Nasaan na ang video na nakunan mo kanina," utos nya

"Oops sandali," hinagilap ni Leish ang digital camera sa bitbit nyang bag

Mula sa likod ay may tinawag si Chell "Rizza, magbantay ka sa labas," utos nya

"Okey, okey," si Rizza na syang weakest sa group

Pagkaabot ng digital camera kay Chell saka nya lang binitawan ang pagkakasabunot nya kay Jilted.

Kinalikot nya ang digital camera para hanapin yung video ni Dark kung saan kuha dito na pinagtataasan nya ng boses si Chell.

"Pag nakita to ni tito, naku malamang sya na magkakaladkad sa kaybigan mo palabas ng school, ha-ha-ha," pang-aasar ni Chell "...kaya kung ayaw mong madamay, Wag ka ng kumontra,"

Gumapang palapit si Jilted para tangkaing agawin ang digicam "Wag, parang awa nyo na, burahin mo na yan,"

*PAK*

Muling sampal ni Chell sa parehong pisngi kung saan sya sinampal kanina "Hindi nga ako tanga! Ano ba kasing paki mo," sigaw nya

"Kaybigan ko sya. Sya lang ang kakampi ko dito kaya parang awa nyo na. Gagawin ko ang lahat, wag mo lang syang isumbong sa School Administrator," lumuhod si Jilted sa harap ni Chell

Hindi awa ang umiral sa isip ni Chell sa halip ay nakangiti pa itong pinagmamasdan ang nakaluhod na si Jilted.

Tumayo si Chell at hinarap ang tatlong kasama na sila Lean, Ellah at Leish "Narinig nyo naman siguro ang sinabi nya. Gagawin nya daw lahat," sabi nya sa kasama

Ipinaubaya ni Chell sa mga kasama nya ang anumang gusto nilang gawin kay Jilted. Kung ano-anong kahayupan at kababuyan ang ginawa nila sa kanya. Hanggang abutin sila ng dapit-hapon ngunit di nila nagawang baguhin ang desisyon ni Jilted na wag patalsikin ang kaybigan nyang si Dark sa school, gayunpaman kinakaylangan na nilang tigilan si Jilted dahil malapit ng magsara ang school.

Pero sa huli, nagdesisyon na si Chell na payagan si Jilted sa gusto nyang mangyari, pero sa isang kondisyon

Secret XD

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon