CHAPTER 39

58 0 0
                                    

CHAPTER 39

Thursday

7:00am

Dark

POV

Bukas! Ay hinde mamaya! Mamaya talaga, kakatukin ko na ang bahay nila Fhane. Lintik kasi, kung kaylan wala kaming pasok kahapon, saka hindi ko naman inasikaso ito. Matagal na rin yung panahon nung huli kaming magkita. Kahit sabihin ko na magkapitbahay lang kami ni Fhane, hindi naman sya lumalabas ng bahay.

Mula sa pagkakayuko ko, napansin ko sa katabing silya na may umupong lalaki "Dark buti nakapasok ka," nakilala ko ang naturang lalaki sa boses ng magsalita sya

"Jilted, ikaw pala yan," sagot ko pero hindi ako tumango

Well Oo, ang lakas nga ng loob kong pumasok pa sa school na ito kahit alam ko ilang sandali na lang pwede na akong mapatalsik sa school. Hindi ko makakalimutan yung atraso ko kay Chell, pumasok lang ako ngayon dito sa school para makasigurado kung nasumbong nya na ako sa tito nyang School Administrator.

(=_=)

"Hello Dark may maganda akong balita sayo," si Jilted na naging agresibo "...hindi ka na mapapatalsik sa school,"

Syempre ako naman, biglang na-excite, napabangon sa pagkakayuko para tingnan si Jilted "Talaga! Paano nangya---," Napahinto ako sa pagsasalita ng mapansin kong may pasa si Jilted sa mukha

"Jilted napano yan?" tanong ko

"Ito... Ano lang yan, nauntog..." tinakpan nya ng kamay nya yung parteng may pasa sa noo nya

( "I'm sorry Dark, hindi mo na kaylangan malaman pa ang ginawa sakin nila Chell" ) >>>Jilted

Gusto kong sa bibig nya manggaling kung ano man ang iniisip nya "Magtapat ka nga sa akin Jilted, sino ang gumawa nyan?" tanong ko

"W-Wala Dark, nauntog lang talaga toh, teka dapat masaya tayo kasi hindi ka na mapapatalsik dito sa school,"

"Pero paano nangyari yun Jilted, nakipagkasundo ka ba kila Chell,"

Hindi pa sumasagot si Jilted, eh naabutan na kami ng pagdating ni teacher. May pagka-strict din kasi yung teacher namin sa english subject kaya bumalik na si Jilted sa dati nyang upuan bago pa sya masita, pero hindi man lang nya nasagot ang tanong ko.

- - - - - - - - - - - - - - - - -

"Fhane!"

Si teacher na tinatawag ang pangalan ni Fhane dahil nag-checheck sya ng attendance that time.

"Again Fhane, di na ba papasok ito, wala pa syang attendance sa akin, drop na ba'to?"

Nagdadalawang isip akong sagutin ang tanong ni teacher, mahirap naman kasi yung magsalita ng tapos lalo na at wala na akong alam na balita kay Fhane mula nung tumutol ang parents nya sa plano nyang pagdrop dito sa school.

"Ma'm, Present po,"

What! Sino daw present? Si Fhane? Imposible, pero boses nga ni Fhane yung narinig ko. Bigla akong lumingon sa likod kung saan ko sya narinig at yun nga. Para akong nakakita ng multo sa gulat pero hindi sya multo. Kundi sya talaga ang totoong si Fhane. Nakatayo sya sa gitna ng klase at napakalaki ng pinagbago nya ngayon. (O_O)

Oo, kung dati ng maganda si Fhane. Mas maganda na sya ngayon. Hindi ko nga alam kung paano nangyari yun pero ang masasabi ko ay seductive ang look nya ngayon.

Ang mahaba nyang buhok na nagmukhang mas manipis dahil sa pagka straight, pwedeng pang shampoo comercial. Mapulang labi na naging kissable lips. Mas naging maganda rin sya sa makeup nya para mapalitaw ang mapupulang mga pisngi. Ngunit ang kanyang mapupungay na mga mata ay nakatago naman sa suot nyang plastic eye glasses na sa tingin ko ay for accessories nya lang.

Isang misteryo ang biglaang pagpasok nya ngayon. Mukhang hindi nya nasuway ang parents nya na ipagpatuloy ang pag-aaral nya kahit gusto nya ng huminto. Pero bakit wala syang sinabi sa akin na babalik sya ngayon.

"Mag-usap tayo mamaya miss Fhane, madami ka ng na-miss na activity," sabi sa kanya ni teacher

"Yes ma'am," naupo na si Fhane sa upuan nya

Sinundan ko pa rin sya ng tingin at dun ko lang napansin kung sino ang katabi nya sa upuan. Si Kiel. Nahuli ko syang nakatingin sa'kin pero iniwas nya rin agad ang tingin nya.

Lalo lang nagiging weird ang tingin ko kay Kiel, ibang iba nung una syang ipakilala sa akin ni Jazer dati.

**BREAK TIME**

Eto yung time na hinintay ko, ang kausapin si Fhane na hindi ko magawa gawa kanina dahil naglelecture si teacher. Palabas na rin ng room si Fhane kasabay ng iba pang mga classmate namin para siguro bumili ng makakain.

"Sandale lang Fhane," pagtawag ko at tumigil naman sya sa paglalakad

"Kamusta ka na, akala ko magda-drop ka na talaga eh," habang nagsasalita ako ay humarap sya saken "...ah eh, ano nga palang nangyare?"

Aminado ako, nakakastun na ang ganda nya ngayon. Hindi ako makapaniwalang sya yung babaeng pilit kong nilalayuan nuon. Asar talaga, hindi naman siguro ako nanghihinayang nito. >_<

"Excuse me Dark, alam mo naman kung ano ang totoong nangyari saken diba," pagkasabi nya ay bigla na lang syang tumalikod at naglakad palayo

Aw! Ano daw?

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon