CHAPTER 40.5
< Continuation of Mhico POV >
Grabe ang saya ko ng mga panahon na yun nang malamang gusto nya rin ako. Syempre bumaba agad ako sa pagkakasampa ko dun sa gilid ng rooftop para lapitan sya.
Doon muli ko syang hinawakan sa kanyang mga palad "So tayo na talaga Ishie, Girlfriend na kita ngayon ah," hindi talaga ako makapaniwala eh XD
"Oo na Mhico," pagkasabi nya nun ay agad ko syang niyakap
Walang pagsidlan ang aking tuwa at niyakap sya ng buong pagmamahal na ginantihan din naman nya ng kanyang yakap. Ramdam ko ang mga kamay nyang nakapalupot sa aking likuran dahilan para magtagal kami sa ganuong posisyon.
Naunang bumitaw si Ishie, ngunit isang malungkot na mukha ang agad kong nakita sa ekspresyon nya na labis kong ipinagtaka.
"Ishie, hindi ka ba masaya?" tanong ko
"Kasi Mhico, ano eh... gusto ko sana na... isikreto na lang natin ang relasyon natin," sagot nya
"Huh? Bakit?"
"Natatakot kasi ako Mhico, natatakot akong malaman ng mga tao na GF mo na ko,"
Nakita ko kung paano sya naging emosyonal, naiintindihan ko naman ang sitwasyon namin at ng mala-coco martin kong mukha. Nuon pa man, pinag-aagawan na ako ng mga followers ko. Pero ayoko naman na manatiling sikreto lang ang pagmamahalan naming dalawa ni Ishie.
"Wag kang matakot Ishie," sagot ko "...nandito ako, akong bahala sayo, pangako yan,"
Dark
POV
Kaylangan kong mahanap si Fhane, nawala kasi sya kanina sa paningin ko nung pinalabas na kami ni teacher ng room. Malay ko bang madadamay ako dun sa stampede kanina ng mga student dahil nga biglang dinumog ng fans ang classmate kong si Mhico dun sa hallway kung saan ako dumaan kanina.
Tapos nawala na sa paningin ko yung sinusundan kong si Fhane. Hindi pa rin kasi malinaw sa akin ang lahat, ang biglang pagbabago ni Fhane, ang pagbabalik nya, at yung sinabi nya kanina na alam ko daw ang totoong nangyari sa kanya.
Nakarating ako dun sa medyo walang taong part ng school pero wala roon si Fhane, paalis na sana ako ng may napansin ako dun sa may hagdan papuntang rooftop. May nakita akong isang student pero yung part lang ng paa yung natatanaw ko pero sure akong babae ito.
Syempre ako na-curious, so umakyat din ako. Pag-akyat ko medyo naging pamilyar sa akin yung babae pero hindi ako sigurado kung sya nga yun dahil nga nakatalikod sya at parang may sinisilip sya na kung ano man yun ay hindi ko alam.
"Charlotte?" patanong kong sabi para makasigurong sya nga ang nakita ko
Lumingon sya at napagtanto kong si Charlotte nga talaga yun. Pero nung tawagin ko sya, napansin kong may luha sa mga mata nya at sa di malamang dahilan ay dalidali syang bumaba ng hagdan na parang di man lang ako pinansin at dinaanan nya lang ako dun sa may hagdanan.
So eto na-curious nanaman ako, so sumilip din ako sa kalawakan ng rooftop area kung saan nakasilip si Charlotte kanina. Pagsilip ko muntik na akong mapamura ng malakas, paano ba naman may kissing scene akong nakita at kaya pala umiiyak si Charlotte dahil ang napupusuan nyang si Mhico pala yung nakikipaghalikan dun sa isang hot chicks. Ewan ko kung sino yun.
Ouch sakit nun ah, pero naaalala ko dito yung ginawa ko kay Fhane, pareho ng tema, ang pinagkaiba lang. Yung sa amin scripted eto hinde. Pero naawa ako kay Charlotte. Hindi ko man alam ang background nila ni Mhico kung may ugnayan ba silang dalawa. Pero sigurado ako na pareho sila ng naramdaman ni Fhane, yung feeling ng brokenhearted.
Bumaba na rin ako ng hagdan pagkatapos nun. Ayokong manilip ng lovebirds dun sa rooftop eh. Pero muli ko nanamang nakita si Charlotte dun sa may locker area. Walang gaanong tao dun kaya dun pa talaga sya humagulgol.
Joke lang. Hindi po sya humahagulgol, nakaupo lang sya sa gilid ng locker tapos tinakpan nya ng face towel yung mukha nya. Pero halatang umiiyak sya kasi nga nakikita kong humihikbi sya.
Kawawa naman, wala bang mga friends to para damayan sya, tsk! Anyway magkakilala naman kami ni Charlotte kaya walang masama kung kakausapin ko sya.
Lumapit ako sa tabi nya at naupo ng nakaluhod ang isa kong tuhod "Ahm Charlotte, ayos ka lang ba?" sabi ko
Hindi sya sumagot at niyakap lang nya ang kanyang mga tuhod para takpan ang mukha nya. Huminto sya sa paghikbi at mukang pinipigilan nya ang pagluha.
Wew paano ba kasi magpatahan ng girl. Ahm hinawakan ko yung likod nya bilang pagcomfort, hindi po tyansing yun ah. XD
Pero nagulat ako, shocks talaga, kasi nandun pala si Fhane, nakita nya kaming dalawa ni Charlotte na magkasama. As in tinitigan nya pa kami, pero normal expression lang ang nakikita ko kay Fhane. Hindi katulad dati nung nag set up kami nila Jazer sa escalator kung saan nakita nya kami ni Charlotte na naghaharutan na halos napuno sya ng kalungkutan. At isa pa, hindi lang emosyon ang nakita ko, nabasa ko rin ang iniisip nya nuon.
Pero ngayon, bakit wala akong mabasa sa iniisip nya sa ganung katagal na posisyon na nakatitig sya samin ngayon
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasyAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...