He Was My Romeo

3.3K 57 15
                                    

Cover by: Just_N  :)

For never was a story of more woe,
Than this of Juliet and her Romeo.

Isinara ko ang libro na kanina ko pang binabasa at napahinga na malalim. Isa talaga ito sa mga paborito kong libro, ang paborito kong basahin dahil ipinapaalala nito sa akin kung gaano kasarap ang magmahal. Gayun din ang pakiramdam kung paano masaktan sa unang pagkakataon.

Minahal nila ang isa't isa ng sobra na humantong sa kamatayan. Hindi nila kayang mabuhay ng wala ang isa kaya mas minabuti nila ang kitilin ang sariling buhay.

Minsan iniisip ko kung sa buong buhay ko ay makakahanap din ako ng pag-ibig na katulad ng kay Romeo at Juliet. Pero ang pag-ibig na iyon ay walang katapusan. 'Yung kasing tibay ng pagmamahalan nila. At minsan sa buhay ko, nakilala ko ang aking Romeo.

"Anne, kanina ka pa ba?" Naramdaman ko ang kaniyang malalambot na labi sa aking pisngi kasunod n'on ay naupo siya sa kaharap kong upuan. May sumilay na mga ngiti sa labi ko nang mapagmasdan kong mabuti ang mukha ng aking pinakamamahal. Ang aking si Romeo.

"Hindi naman Gio." Tugon ko at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Akala ko tutugon din siya ng ngiti na magpapaliwanag sa mundo ko, hindi pala. Isang tipid na ngiti ang binigay niya sa 'kin bago buklatin ang kaniyang aklat.

Siya si Gio Acosta, ang lalaking pinakamamahal ko. Nakilala ko siya noong unang taon namin sa kolehiyo. Isa siyang exchange student at ako naman ay doon na sa school na iyon nag-aral ng high school. Napansin ko na paikot-ikot siya sa hallway at patingin-tingin sa mga rooms kaya sinubukan kong lumapit sa kaniya noon. Kahit na medyo nangangatal ako ay nilakasan ko ang loob ko.

"U-uhm, excuse me." Pagpapansin ko. Guwapo kasing sadya si Gio kaya natatakot ako na hindi niya ako pansinin at ipahiya niya ako. Ganoon kasi ang ginagawa ng mga mayayaman at may maipagmamalaking tao, mga hambog.

Tumingin siya sa direksiyon ko, nabigla pa ako nang una dahil akala ko ay aawayin niya ako pero imbes ay nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis. Noong mga oras na iyon ay naramdaman ko kung paano bumilis ang tibok ng puso ko.

Ilang sandali akong napatulala pero kaagad din naman akong bahagyang umiling at binigyan siya ng isang ngiti.

"Hi, kanina ko pa kasi napapansin na paikot-ikot ka dito. Kailangan mo ba ng tulong?"

"Yes, hindi ko kasi mahanap 'tong room 408 na 'to e. Sabi ng napagtanungan ko ay dito lang daw 'yun sa second floor."

Tinignan ko ang kaniyang registration form at laking gulat ko nang pareho kami. Pareho ng subjects at pareho rin ng time. Ang pakiramdam ko tuloy noon ay parang nanalo sa lotto. Napakasuwerte ko, iyon ang naramdaman ko. Mabilis ang naging tibok ng puso ko lalo na nang tumingin siya sa 'kin.

Ngumiti siya, "Uhm, miss? Alam mo ba kung saan, kasi magta-time na e."

Napapikit ako nang ilang ulit nang magbalik ang isip ko sa lalaking nasa harapan ko. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Ah, oo alam ko. Actually, magkaklase tayo."

Tumingin siya sa registration form niya at saka ngumiti sa 'kin. 'Yun bang nakakatunaw ng puso at 'yung tipo na nag-i-slow motion ang paligid.

"Mabuti naman kung ganon, ako nga pala si Gio." Sabi niya sabay lahad ng palad niya sa harapan ko. Kaagad ko naman iyong kinuha at nakipagkamay sa kaniya kahit na medyo nangangatal pa ako. "Anne, I'm Anne Yumen. Nice to meet you, Gio." Tugon ko at binigyan din siya ng isang ngiti.

Buong linggo kaming magkasama ni Gio nang mga panahong iyon. Bukod sa kaming dalawa lang ang magkakilala ay itinour ko rin siya sa buong pasilidad ng paaralan. Hanggang sa mangyari ang pinaka-kinaayawan kong parte ng klase, ang sitting arrangements.

He Was My RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon