Nakakabaliw pala 'tong aking ginagawa,
Sinusuyod ang internet para lang sa wala.
Kabaliwan na ito kung iyong iisipin,
Naghahanap ako ng sagot kung ika'y mahal sa akin.
Naiinis ako kasi alam ko naman sa sarili ko,
Ikaw? Dios mío! 'Di ako inlab sa 'yo.
Pero bakit ba nag-eeffort pa rin ako,
Na hanapin sa iba kung ano ang totoo?
Sabi nila, hala, "mahal" na raw kita,
Kinilabutan ako, aba, sobra sila!
'Di ako gano'ng tipo, pasensya na,
Alam ko sa sarili kong wala, wala nga!
Hay, bakit ba tinitignan ko ang Facebook mo?
Ang sinasabi ba nila sa akin ay totoo?
Hoy, hindi, hindi kita gusto!
'Yon talaga, pramis, 'di ako inlab sa 'yo!
Nag-take ako ng quiz na nagkalat sa net,
"Love test" daw, sa una 'di ko bet.
Pero ayun, nauwi rin ako sa pagsagot,
Kung totoo nga ba ang aking bangungot.
Ang bangungot na tinutukoy ko ay ikaw,
Ikaw na lalaking mukhang asong ligaw.
Sa lahat ng aso, ikaw ang pinakagwapo,
At dito ka naligaw sa bandang puso ko.
Omo! Ano ba itong sinasabi ko?
A-ako—Ako ba talaga ito?
Lumabas na ang resulta ng quiz ko sa net,
At ang sagot ay "no," hoo! No fret!
No, no, no, 'di raw ako inlab,
I knew it, I knew what I have.
And what I have is not so-called, "love,"
Dahil ako ay isa lamang bulag.
Nabulag lang ako sa pakiramdam ko sa 'yo,
Nabulag sa ideya ng pagiging "tayo."
Kahit na ba 'di mo 'ko kilala,
At mula sa malayo lang ako sa iyo'y nakatanga.
Seryoso, naguguluhan ako sa nararamdaman ko sa iyo,
'Di kita gusto, I mean, 'yong gustong-gusto.
Kras pa lang, 'wag kang masyadong ano,
Ayoko nang dumating pa ito sa kung anong punto.
Ang "love" kasi para sa akin ay kumplikado,
Though, I really wanted to try it with you.
Sabi sa quiz, isang tulak na lang tayo,
Isang tulak na lang ay mai-inlab na ako sa 'yo.
Kaya, from now on, mag-iingat na ako.
Ayokong matulak, basta, ayoko!
Mayroon pa kasing isang kaso,
Aalis na ako kaya hindi pwedeng maging tayo.
BINABASA MO ANG
Hindi Ako Inlab
PoetryAng tula ng isang babaeng in denial. Copyright © 2015 OhMyGelou | All Rights Reserved Written on 11/26/15 Posted on 12/26/15