Jia's POV
Sabado ngayon pero hindi parin ako maka-move on doon sa confession ni negers kahapon. Like omg, totoo ba yun? Hindi ko alam ang ire-react ko. Kilalang-kilala ko kasi si negers, ma-trip sya pero sa tingin ko naman seryoso sya sa sinabi nya sa akin tutal sinabi nya pala kay Brie nung una palang. At higit sa lahat, wala akong magawa kasi nga sabado. Nakakainis.
"Asan na ba yung librong yun?" bulong ko sa sarili ko habang hinahanap ko yung book. Kung nagtataka kayo kung nasaan ako, nasa library lang naman ako't naghahanap ng libro ng pwedeng hiramin at basahin. -.-
Hanap lang ako ng hanap at halos maduling na ako sa kakahanap nangangawit na din ako dahil naka side ang ulo ko para mabasa yung mga title. Bakit ba kasi wala yung libro sa library ng university namin e, tsk. -.-
"Gotcha." bulong ko ng makita ko yung libro. Hihigitin ko na sana to kaso mayroon atang nakahawak sa kabilang banda.
"Hey miss, akin to." sabi ng isang malumanay na boses, dahil may mga siwang naman, sinilip ko't ooh-la-la~ may gwapong nilalang alert! Ehem, may Mark na pala ako.
May isang lalaking seryosong naka-tingin sa akin, may b!tch face, medyo mahaba ang baba (wahahahaha lol), matangkad, at thet ang ganda ng mata nya, infairness.
"Oy miss, bitaw." nabalik ako sa realidad ng sabihan nya ako ng ganyan.
"A.YO.KO. Kung gusto mo patagalan nalang tayo dito." hamon ko sa kanya. Aba! Hindi ako ganun na basta-basta nalang bibitaw sa kung ano ang pinanghahawakan. Hmp.
Nagulat ako ng inirapan nya ako. What.the.hell?
Siguro kulang 5 mins. kaming nakahawak sa libro. Nakaka-ilang lang kasi nakatitig sya sa akin with his bored expression. Pero shems, gwapo sya, sobra!
"Ugh." rinig kong reklamo nya. Kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Argh. Okay miss, you can take it. Tsk. Bakit ko ba sinayang ang limang minuto ko para doon? Tsk. I'm Shaun Harvey by the way." nagulat ako ng sinabi nya ang pangalan nya. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Hoy kuya, di ko tinatanong at wala akong balak na alamin yon! Tsk." mataray na sagot ko pero nag-smirk lang sya sa akin. Tsk, ang yabang talaga ng lolo nyo!
Gwapo sana kaso mayabang. Tsk. Tuan lang talaga ako.
**
Pagkatapos ko doon sa library, nagpunta muna ako ng mall para mag-aliw. Ang boring kasi kapag dumiretso ako sa bahay. Mamaya ko to babasahin para masaya.
*ring*
"Hello?" sagot ko.
"Hoy babae nasan ka ngayon?" ang ganda ng bungad sa akin ni Brie. Nag-hello ako't hoy ang isinagot nya. Haneeeep. -_______-
"Asa mall ako bakit? Pupunta ka ba?" bored na tanong ko sa kanya.
"Oo. Boring sa bahay. Nakaka-sawa na pagmumukha ng kuya kong bading. Ang ingay pa nya. Tsk."
"OY NARINIG KO YON ANNE!"
"Edi narinig mo. Tsk." hindi man lang nahiya ang magkapatid sa akin. Iba talaga sila.
BINABASA MO ANG
The Derp and I (Chanyeol FanFic)
Hayran KurguHi, my name is Brieanne Hadley Buenavista. A simple outgoing girl who became a cold-hearted one because of a fvcking incident. I'm still here hoping. Hoping that one day, I will go back to my old self.