TATLONG KATOK (One Shot)

609 14 10
                                    

HELLO!! 

pa follow sa twitter @macsantiago09

_________________________________________

TATLONG KATOK ( HORROR STORY )

Lexi's POV

Mag-isa ako ngyon sa bahay. Nasa loob ng kwarto ko. Nanonood ng mga palabas sa TV. Malakas ang ulan sa labas. Sumunod dito'y kidlat. Lahat ng mga kasama ko sa bahay ay nasa SM pa'rin. Tumingin ako sa orasan. 9:45 PM na. Naantok na ako. Pero ayoko pa matulog. Pinatay ko ang TV at binuksan naman ang aking Laptop.

Lumabas wu'na ako ng kwarto at kumuha ng baso at nilagyan 'ito ng tubig. Bigla ko nalang nabitawan ang baso ng biglang kumidlat ng malakas. Mabuti nalang hindi babasagin ang baso. Pinulot ko ang baso at nilagay sa lababo.

Bumalik ako sa kwarto ko. Sinarado ko ang pintuan at ni-lock 'ito. Kinuha ko ang Laptop at umupo sa higaan. Binuksan ko ang isang browser at nanood ako ng mga videos sa Youtube. Noong na-bored na ako sa kapapanood, binuksan ko naman ang aking Facebook at Twitter. Tweet lang ako ng tweet, favorite ng favorite, like ng like, share ng share, at post ng post.

10:15 PM. Hindi pa'rin sila dumadating. An'tok na an'tok na talaga ako. Pinatay at sinarado ko na ang Laptop ko at nilapag sa Study Table ko. Nagpalit na ako ng damit pantulog at humiga sa higaan ko. Dahan-dahang pumipikit ang mga mata ko hanggang sa hindi ko namalayang tulog na ako.

10:18 PM. Bigla-bigla nalang akong napagising at napahawak sa leeg ko. Nakarandam kasi ako ng sobrang lamig na hangin sa leeg ko. Tumingin ako sa bintana ng kwarto ko. Nakabukas 'ito. Buti nalang walang pumasok na ulan. Tumayo ako't lumapit sa bintana at sinarado 'ito. Bumalik na ako sa higaan at natulog nanaman.

10:27 PM. Bigla-bigla nalang akong nagising at napaupo sa higaan ko. Bigla akong nakarinig na malakas na pagbagsak at pagkasira ng isang bagay sa labas ng kwarto. Tumayo ako't lumabas ng kwarto ko. Hindi pa'rin sila dumadating. Tumingin ako sa paligid. Wala naman akong nakitang nabasag o nahulog na gamit. O kaya'y nabasag o nahulog na bagay. Bumalik na ako sa kwarto't sinarado at ni-lock ang pintuan at humiga nanaman sa kama para matulog ulit habang iniisip ko na baka imahinasyon lang ang narinig ko.

10:36 PM. Nagising ako at napabukas ang mga mata ko dahil sa tatlong malakas na sunod-sunod na katok. Hindi ako tumayo at iniisip na baka malakas na hangin lang 'ito galing sa labas habang nakatingin sa pintuan.

Pero nagkakamali ako.

Bigla-bigla nalang nawala ang pagka-lock ng pintuan ng kwarto ko at dahan-dahang bumubukas. Hindi ko maialis ang tingin ko sa dahan-dahang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko o kaya'y pumikit ang mga mata ko.

Isang matandang babaeng nakaitim ang nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. Isang nakakatakot, madumi, mabaho, at duguang matandang babaeng nakaitim ang nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa dahan-dahan niyang paglapit saakin.

Natatakot na ako. Natatakot na ako ng sobra. Bigla-bigla nalang akong napapikit at napatili ng malakas habang ang dalawang kamay ko'y nakatakip sa dalawang tenga ko.

Malakas na nagsarado ang pintuan ng kwarto ko. Narinig ko pa ang pagka-lock ni'to. Napahinga ako ng malalim. Dahan-dahan kong inalis ang dalawang kamay ko sa dalawang tenga ko't dahan-dahang binubuksan ang mga mata ko. Wala na. Wala na ang matandang babaeng nakaitim. Wala na...

Tumayo ako't binuksan ang pintuan ng kwarto ko at lumabas. Dumating na ang mga kasama ko sa bahay. Napangiti ako ng sandali dahil inatake nanaman ako ng antok. Bumalik ako sa loob ng kwarto't sinarado at ni-lock ang pintuan ni'to.

Humiga ako sa kama ko't pinikit ang mga mata ko. Napahinga nanaman ako ng malalim. "Sana hindi na magpakita saakin ang matandang babaeng nakaitim..." sabi ko sa sarili ko't tinakpan ang buong katawan ko ng kumot. Nagulat nalang ako ng biglang may yumakap saakin galing sa likod ko.

Pero... impossible. Dahil sa pagkakaalam ko... sinarado ko't ni-lock ang pintuan ng kwarto ko. Dahan-dahan kong inalis ang kumot sa katawan ko't dahan-dahang tumalikod para makita kung sino ang yumayakap saakin.

Titili na sana ako ng biglang tinakpan ng matandang babaeng nakaitim ang bibig ko at ngumiti saakin habang nilagay niya ang isa niyang daliri sa bibig niya na sinasabing wag akong magsalita.

_________________________________________________________

THE END :))

PA FOLLOW SA TWITTER! :)) @macsantiago09

TATLONG KATOK (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon