Secret 3

717 32 9
                                    

Secret 3
Jaebum

From : Kim Dahyun
Oppa bili ka ng pt pag-punta mo mamaya.

"Hoy hyung saan ka nanaman pupunta? Hindi ka ba maglalaba?" Youngjae

"Bukas na young nagmamadali ako" Mabilis akong pumasok sa kwarto at hinagilap yung pt na nakatago sa akin.

Marami kaming regalo na natatanggap na hindi naman namin ginagamit. May naughty fans na nagbibigay ng condoms, napkins and even pregnancy test kits. Saan naman namin gagamitin diba?


Dahyun and I are not using condoms everytime we're doing it. Kaya nga nabuo si Areum eh. And if ever she's pregnant again, I'm going to work harder.

"Oppa positive!" Binato sa akin ni Dahyun ang pt at sapul naman sa mukha ko

"Talaga mahal?! Magkaka-baby na ulit tayo?!" Hindi ko mapigilang itago ang tuwa ko dahil sa nangyari. Magkakababy na ulit kami ng mahal ko!

"At tuwang tuwa ka pa?! Siguro pinlano mo talaga na buntisin ako no?! Oppa naman!"

"Mahal, nandito naman ako eh. Nakaya natin buhayin si Areum ng gipit tayo at ngayong medyo may pera na tayo, mas kaya na natin buhayin ang bago nating baby" Hinalikan ko siya sa noo at saka niyakap.

---

Blessing siguro sa amin ni Dahyun ang audition dahil natanggap ako. Kahit kailan hindi ko inisip na may silbi rin pala ang boses ko. Namulat ako na puro ako pagsasayaw.

"Oppa edi pag nanalo ka dyan sa contest, magte-training ka na tapos magiging idol ka?" Dahyun

"Oo daw."

"Nako oppa siguradong sisikat ka nyan! Susuportahan ka namin ni Areum!"

Suportado nga ako ni Dahyun sa lahat. Hindi man siya nakakpunta pag may contest dahil nahihirapan siya sa tiyan niya, lagi pa rin niya sakin pinapadama na nandyan sya.

Isang gabi pag-uwi ko, tahimik ang bahay at walang tao. Saan kaya nagpunta si Dahyun? Isang sulat ang bumungad sakin pagpasok ko sa kwarto namin. Agad na lumukob ang takot at kaba sa puso ko habang binubuksan ang sulat.

'Yah oppa! Asdfghk hospital'

Agad akong napatakbo at nagpunta sa ospital. Shit naman bakit ngayon pa manganganak si Dahyun?! Yung ipon ko para sa panganganak niya nagastos ko para sa pamasahe sa araw araw na pagpunta ng JYP Ent! At isa pa 7 months pa lang ang tiyan niya!

"Nurse, Kim Dahyun po" binigay naman agad ng nurse sa akin ang kwarto ni Dahyun

"Oppa" Umiiyak si Dahyun pagpasok ko sa kwarto niya.

"Mahal anong nangyari?" Natatakot na rin ako dahil ayaw tumigil ni Dahyun sa pag-iyak.

Natatakot ako lalo ng hindi siya sumagot at patuloy lang na umiyak sa mga bisig ko.

"Oppa..hin-hindi ko naman alam eh..sorry.." niyakap ko na lang ito upang maibsan ang sakit na nararamdaman niya.

Hindi ko man alam ang nangyari, binantayan ko na lang siya hanggang sa makatulog siya. Gusto ko man magtanong ng tungkol sa anak namin, minabuti ko ng pagpahingahin siya.

Maya maya pa ay may dumating na na nurse upang icheck si Dahyun.

"Ah nurse, gusto ko lang po malaman kung ano ang nangyari sa anak namin ni Dahyun?" Hindi ko na mapigilang tanong sa nurse

"Premature ang baby kaya kailangan ilagay sa incubator. Mahina rin ang puso ng bata at nag flat line na kanina kung hindi lang naagapan."

Paulit ulit kong naririnig ang sinabi ng nurse kanina habang nakatingin ako sa anak namin ni Dahyun. Ang liit liit niya at ang puti puti. Marami ring nakakabit na kung ano ano sa katawan ng bata.

'Baby girl Im' ang nakalagay sa name plate ng bata. Ginamit pala ni Dahyun ang apelido ko.

"Oppa saan tayo kukuha ng pera pangbayad sa ospital?" Ngayon ang araw na lalabas si Dahyun ngunit kailangan pa manatili ni Areum sa ospital ng isang buwan.

"Ako na bahala dun magpahinga ka na lang sa bahay. May kaclose na ako na trainee manghihiram na lang ako sa kanya ng pera para mailabas natin si Areum dito sa susunod na buwan"

Tiniis kong hindi umuwi sa bahay namin nila Dahyun ng isang buwan para makatipid ako sa pamasahe. Nag-iipon rin ako ng sapat na pera para mailabas namin si Areum sa ospital.

Sa JYP Ent. Na ako natutulog. Wala akong ginawa kundi magpractice para makita nila na karapat dapat akong mag-debut.


Pag wala namang training ay sumasideline ako sa mga coffee shop at restaurant pandagdag kita.

"Hindi mo ba masyado pinapagod ang sarili mo sa ginagawa mo?" Si Jinyoung na kapwa ko trainee

"Kailangan ko kasi ng pera ngayon. Alam mo naman na nasa ospital ang anak ko" kay Jinyoung ko naikwento ang buong buhay ko. Pati ang kay Dahyun at Areum.

"Pahihiramin kita ng pera bayaran mo na lang pag nag debut na tayo. Tignan mo hyung pumapayat ka na."

"Ano naman kondisyon mo?"

"Ipakilala mo ako kay Dahyun at Areum syempre tito na niya ako"

Nakalabas si Areum dahil sa tulong ni Jin Young. At saktong pagbalik namin ng JYP Ent. Sinabi sa amin ng CEO na magdedebut kaming dalawa ni Jin Young sa loob ng isang buwan. Magiging duo kami at tatawaging JJ Project. Napagdesisyonan na rin ang magiging stage name namin.


"Talaga oppa malapit na ang debut niyo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dahyun ng dalawin namin siya ni Jin Young isang linggo bago ang debut namin.

"Oo, Da. Icheer mo kami ha?" Close na si Jin Young sa amin ni Dahyun at masaya naman kami pareho dun.

"Oppa baka naman makalimutan mo bigla na may binubuhay kang asawa at anak pag sumikat na kayo?" Napangiti ako ng banggitin ni Dahyun ang asawa at anak.

"Hinding hindi ko malilimutan na may asawang maganda at cute na anak ako, mahal" Wika ko at ngumiti

Mas naging busy kami ni Jinyoung dahil sa debut namin. Nagsisimula na rin kaming kumuha ng mga acting class dahil isasama kami sa bagong drama na Dream High 2.

Pagtapos ng pagkanta, acting naman. Ano pa bang sunod na gagawin ko para kay Dahyun? Hay mahal na mahal ko kasi eh.







---
AN

Hi guys! Eto na ang update hihihi. I hope you liked it! Cutie Dahyun at the multimedia ;) iloveyouguys! Mwaaah :*

The Secret Life Of Im JaebumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon