Chapter V

25 2 2
                                    

Nate's POV

Mukhang wala pa rin siyang naaalala. Ang tagal na nung nangyari un. Wala na yata talagang pag-asa na maalala pa niya ang nangyari noon. Kagaya nga ng sinabi ng kanyang mga magulang sakin na hindi ko na dapat pang ipaalala kay Mariko ang nangyari sa nakaraan. Sinubukan ko na lahat ng paraang alam ko pero di pa rin nagwwork. Tinawag ko na nga siya sa palayaw niya noon na Mariko pero wala pa rin. Hayy.

Lumipas na ang limang buwan simula nung huli silang nagkausap ni Mary. Kahit ibinigay niya dito ang kanyang number ay hindi man lang siya nito tinext. Mukhang wala talaga itong naalala. Kahit na nilagay na nga niya ung photo album sa side table ng kama niya. At sigurado siyang nakita ito ni Mary dahil pagpasok niya sa kwarto niya ay nakalagay na ito sa kama.

Pero imposibleng hindi niya makilala ang sarili niya nung bata pa siya. Kamusta na kaya siya? Ano na kayang nangyari sa kanya? Baka mas pinagulo ko pa ang isip niya. Hay nako Nate tama na nga yan. Huwag mo na isipin ang nakaraan. Tapos na iyon. Wala na sila. Ang intindihin mo na lang ay ang present. Magfocus ka na lang jan sa career mo. Kailangan mo na magrelax dahil bukas na ang flight mo papunta sa Spain.

Mary's POV

Dapat ko ba siyang itext? Dapat ko bang sabihin sa kanya na naalala ko na lahat. Pero balita ko ay papunta na siya sa Spain bukas. Siguro ay hindi ko na lang siya aabalahin pa. Bka makagulo lang ako. Bahala na kung anong mangyayari sa future at pagnagkita kami dun ako hihingi ng kapatawaran niya.

Undeniably Love [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon