CHAPTER 41

58 0 0
                                    

CHAPTER 41

Naghintay pa ako ng ilang segundo pero wala talaga akong mabasa sa iniisip nya. Hindi ko tuloy malaman kung nagseselos sya o balewala nalang sa kanya ang nakikita nya ngayon.

Di nagtagal ay umirap na sya, at naglakad paalis "Fhane sandale!!" sigaw ko pero di sya tumigil at nagpatuloy sa paglakad

Ako naman naiwan sa tabi ni Charlotte, nag-aalalang iwan sya ng ganun nalang. Oo aminado ako na crush ko pa rin si Charlotte hanggang ngayon pero hindi na katulad ng dati dahil medyo naka-move on na ako pagkatapos kong malamang si condomz pala ang gusto nya.

Fhane

POV

Medyo apektado pa rin ako sa nakita ko kay Dark at yung kasama nyang babae na yun. Sa tingin ko hindi pa ako totally ganap na naka move-on. Pero dapat galit ang kaylangang manaig sa damdamin ko ngayon, yun ang sinabi sa akin ni Kiel.

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nung tawagan ako ni Kiel sa phone. Dun ko nalaman na walang kwentang lalaki pala ang iniiyakan ko matapos sabihin ni Kiel na naka-plano o setup lang pala yung nangyari dun sa groupings at hindi naman pala sila ganuon ka-closed nila Dark at ng babae na yun.

Pagkatapos kong malaman yun, natauhan ako. Pakiramdam ko naging talunan ako, sinayang ko lang ang mga luha ko sa kanya. Kaya pala walang ginawa si Dark para pigilan akong magdrop sa school dahil ayun talaga ang gusto nyang mangyari.

Pero dahil nandyan si Kiel, sya ang naging sandalan ko at nagpalakas ng loob ko. Kahit hindi ko pa sya lubos na kilala, sya ang nagtulak sa akin na bumalik dito sa school. Naniniwala naman ako sa mga sinabi saken ni Kiel kahit nung una ay hindi ko sya pinagkatiwalaan sa itsura nya, pero ngayon nakita ko na kung gaano sya kabuti sa akin.

"Fhane nandyan ka na pala," sinalubong ako ni Kiel na kanina pa naghihintay sa front desk

Kanina pa nag-dismissed yung class namin sa english. Nag-uwian na rin yung ibang mga classmate namin, pero si Kiel nandito pa rin sa school. Sinabi nya na sasamahan nya daw ako ngayon na mahabol yung mga na-missed kong subject. Una na dun yung english dahil kinausap na ako ng teacher namin.

Pinaupo ako ni Kiel dun sa tabi nya kung saan sya nakaupo kanina, kaya naupo na rin ako

"Siya nga pala Fhane, kinausap ko rin si ma'm kanina, ang sabi nya, magte-take ka lang ng mga special quiz, I think mga dalawang quiz lang yun," sabi nya tapos may inabot sya sa aking notebook "...eto nga pala yung notes ko, hiramin mo para makapagreview ka, tutal 1pm pa naman yung starts ng quiz mo. Intindihin mo nalang yung sulat ko, medyo panget eh haha,"

Sa totoo lang, na touch talaga ako sa ginagawa nya. Kitang kita ko yung mga effort nya na bigyan ako ng lakas ng loob na mahabol lang yung mga araw na hindi ako pumasok kahit alam nya na hindi ko naman talaga hilig yung courses namin. Pero ang sabi nya magugustuhan ko din daw yun, at isa pa no choice din ako dahil tutol na ang parents ko na magdrop sa school na'to.

"Kiel, salamat ah," sabi ko

"Pssh... Wala yun, responsibilidad kong tulungan ka Fhane, diba yan yung sinabi ko sayo ng una,"

"Kahit na, basta nagpapasalamat pa rin ako sayo,"

"Oh sya. Tama na nga yan, magreview ka na lang dyan, tapos hintayin kitang matapos,"

Dark

POV

Nakauwi na ako ng bahay, buti nalang dumating yung mga friends ni Charlotte kanina para damayan sya. Tapos nun umalis na ako. Hahanapin ko sana si Fhane kaso naalala kong pinapatawag pala sya ni teacher so next time na lang.

Pag-uwi ko ng bahay, si papa Khant lang yung naabutan kung naroon sa bahay. Nakaupo sya sa study table na nasa sala lang din namin. Busy sya sa kung ano man yun sinusulat nya.

"Nandito na po ako," sabi ko

Pero dedma lang si papa, busy pa rin sya sa sinusulat nya. Naupo ako dun sa may bandang gilid nya habang nagtatanggal ako ng sapatos.

"Papa ano po yan?" tanong ko

"Ehh... Nagbigay ng listahan yung pinagkaka-utangan ko eh, nagtataka ako ba't ang laki ng utang ko kaya kinekwenta ko ulit," sagot ni papa ngunit di nya ako hinarap

Naalala ko kay papa si Fhane. Nakasuot kasi si papa ngayon ng reading glass habang nagma-mathematical equation sya. Parang yung new look ni Fhane.

**TING**

Joke, walang sounds effects yun. Kunwari umilaw yung bumbilya sa utak ko haha. Paano kasi, nagkaroon ako ng idea na kaya siguro di ko mabasa yung iniisip ni Fhane ay dahil nakasuot sya ng eye glasses. Parang yung paliwanag lang sa mga mata ni Camote cue. Dahil hindi sya makakita. Hindi nag-uugnay ang paningin ko sa mata nya dahil bulag sya.

"Papa!" sabi ko

"Uhm?" sagot nya

"Hulaan ko kung anong kulay ng brief mo,"

Agad na napalingon si papa, pero walang malisya yung tanong ko ah, gusto ko lang matest yung skill ko kung tatalab pa ba sa kanya ngayong nakasalamin sya.

Pero wala talaga akong nabasa sa isip nya kaya bigla nalang akong binato ni papa ng ballpen "T@#& ina ka pinagloloko moko,"

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon