CHAPTER 43

55 0 0
                                    

CHAPTER 43

"Bilis bilis," utos ng utak ko habang nagmamadaling lumabas ng room

Uwian na kasi namin that time, wala lang. Gusto ko lang maunang lumabas ng room. Balak ko kasing duon salubungin sa labas si Fhane.

Gusto kong makasiguro kung nagbago na ba talaga ang pakikitungo nya sakin. Lahat ng tungkol sa kanya, pati na rin ang nararamdaman nya para sa akin.

Nagawa ko namang makalabas ng room kahit na may mga nakauna na sa akin. Ang importante nauna ako kila Fhane dito sa labas. Dun ako pumwesto sa tapat ng pinto.

Mga ilang sandali lang ay lumabas na si Fhane ng room. Paglabas na paglabas nya ay parang tinamaan nanaman ako ng kaba. Hindi ko maipaliwanag kung nagi-guilty nanaman ba ako o dahil parang di na sya yung Fhane na kilala ko dati. Kasi nga diba new look na sya ngayon.

"Ah eh Fhane," muntik pa nya akong lampasan ng lakad kung di ko pa sya tinawag

Hindi naman nya ako inisnob at binigyan ng pagkakataong makapagsalita sa harap nya pero parang nakalimutan ko ang sasabihin ko o wala lang talaga akong masabi sa kanya. Ewan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko eh.

"Ano!" si Fhane na mukang pine-pressure ako

"Ahm kamusta," tanging nasagot ko

Nginitian nya ako, yung ngiting plastik tapos nagtangka nanaman syang umalis pero pinigilan ko sya.

"Sandale," sabi ko

"Ano ba Dark?" huminto sya na nakapameywang na saken ngayon

Ah eh, ano bang sasabihin ko. Ahm ang ganda mo? Shocks ano ba'to. Ba't parang ang torpe ko. Pero gusto ko ding malaman sa kanya kung galit ba sya sakin. Pero hindi ko matanong sa kanya dahil hindi naman ako sigurado kung ano ba yung ikinagagalit nya. Tapos hindi din tumatalab yung ability ko sa kanya dahil naka eyeglasses sya.

Buti nalang may naalala ako dati nung time na unang araw palang ni Fhane dito sa school. Yung gusto nya akong makasabay sa pagpunta at paguwi dito sa school. Kamusta naman kaya ngayon.

"Ah... Fhane, pauwi ka naman na diba?" sabi ko "...tara sabay na tayo,"

"Ahm... Sorry Dark, may pupuntahan pa kami ni Kiel," sabi nya

Wala akong kamalay malay na nandun lang din pala si Kiel, tahimik na nakatayo malapit samin at halos mapahiya ako ng sya ang lapitan ni Fhane. Iniwan nya ako at sumama sya sa Kiel na yun. Wala akong nagawa kundi ang tingnan nalang silang dalawa habang papalayo sa akin.

Sino na ba si Kiel sa kanya? Bakit sila ang laging magkasama ngayon? Asar to ah. Bakit ganito na ang nararamdaman ko ngayon? Ang dami kong tanong, ayokong isipin to pero parang nagseselos ako na di ko maintindihan pero di ko naman masasabing mahal ko nga si Fhane. Dahil kung hindi, isang malaking katangahan pala ang ginawa ko which is ayokong mangyari.

"Haha Dark," biglang sulpot ni Jazer sa likod ko

"Tawa ka dyan?" nakasimangot kong sagot

"Wala lang, napansin ko lang ah, ikaw na yata yung naghahabol sa kanya ngayon," sagot ni Jazer

"Kanino? Kay Fhane? Hindi ah!"

"Sige sabi mo eh?"

Sa totoo lang parang ako nga yung naghahabol kay Fhane, nahihiya lang akong aminin. Pero ang intensyon ko lang naman ay malaman ang totoong nangyari sa kanya at yun lang yun.

Isa pa sa mga napansin kong kakaiba ay si Kiel. Masama na ang kutob ko sa kanya noon, lalo pa ngayon na naging closed na yata sila ni Fhane. So parang sya ang magiging butas ng lahat ng misteryo na ito.

Since nandito naman si Jazer sa tabi ko. Itatanong ko sana sa kanya kung ano ang mga nalalaman nya tungkol kay Kiel dahil sila ang madalas na magkasama pero nakaagaw ng pansin sa akin ang kalalabas lang ng room na si Diane.

Hindi pa rin kasi ako umaalis sa pagkakatambay ko sa tapat ng pinto ng room kaya nakita ko agad si Diane. Madami syang dalang mga books dagdag pa yung dalawang paper bag na dala nya na di ko naman alam kung ano ang mga laman. Tapos huminto sya sa harap ko dahil hindi nya malaman kung paanong bitbit ang gagawin nya sa dami ng hawak nya.

Nilapitan ko sya "Ahem, kelangan mo yata ng tulong ko? Saan ka ba pupunta, ako na magdadala nyan," sabi ko

Eto yung mga chance na hinihintay ko. Ang mapalapit kay Diane. Kaya ganun nalang kakapal ang mukha kong lumapit lapit sa kanya. Isa pa, nangako ako na hindi ko sya titigilan hangga't di nya ako napapatawad.

"Wag na! Kaya ko na to," medyo kalmado nyang sabi

"Gusto ko lang makabawi sa mga kasalanan ko," sabi ko

"Wag na nga, ba't ba ang kulet mo,"

Tumigil na ako kasi nga medyo mataas na ang tono ng pananalita nya. Hanggang ngayon ba naman kasi, pride pa rin ang pinaiiral nya.

Palayo akong umatras sa kanya at bumalik sa dati kong pwesto, yun nga lang napansin ko na pinagtatawanan na ako ni Jazer.

"Sige tawa lang," banta ko sa kanya

"Haha, ikaw naman kasi eh, hanggang ngayon parin pala, hindi parin kayo magkasundo ng babaeng yun," sabi ni Jazer

"Dadating din tayo dyan," sabi ko

"Sige! Sabi mo eh. Pero pano yan, dala-dalawa na sinusuyo mo ngayon,"

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon