CHAPTER 45
Jazer
POV
Kinuha ko sa locker yung reviewer namin para sa long quiz namin para sa english subject namin sa darating na thursday. Ang mahal pa naman ng pina-photocopy ko tapos di ko lang magagamit. Buti nalang naalala kong balikan.
After ko makuha, nilagay ko na agad sa bag. Balak kong i-review ito bukas lalo't walang pasok. Pababa na rin ako para puntahan si Dark dahil naghihintay na sa akin yun dun. Pero nadaanan ko yung abandunadong room sa second floor ng building.
Actually ginagamit nalang yun tambakan ng mga plastic monobloc chair na ginagamit namin twing P.E. Isa pa sira ang ilaw ng bumbilya ng naturang room pati mga bintana kaya nagtataka ako at may naabutan pa akong tao dun sa loob isa pa madilim na ang paligid dahil 6pm na.
Hindi naman ako takot sa mga multo. Actually naintriga pa nga ako kaya ako lumapit para makita lalo. Nung medyo makalapit ako naaninag kong isa palang babae, naka-uniform sya kaya malamang na estudyante rin sya sa paaralang ito.
Narinig nya ang ingay ng mga yapak ko kaya nabulabog sya at napaharap sa kinatatayuan ko. Dahil dun namukhaan ko ang babaeng yun na kanina lang ay nakatalikod. Si Jannela pala mula sa kursong HRM. Geez.
Bigla syang napatili nung makita ako, pero agad din syang tumahimik ng mamukhaan ako "Ang gulat ko naman sayo," sagot nya habang nakahawak sa dibdib nya
"Geh okey lang, buti nga di mo ko pinagmumura," sabi ko "... Ano ba kasing ginagawa mo dito?"
"Ah Hinahanap ko kasi yung notebook ko, dito ko yata naiwan sa room na to eh," sagot nya
"Eh madilim na ah, makita mo pa ba yun?"
"Hindi ko nga alam kung saan hahanapin eh,"
May pagka-burara pala to eh. Buti nalang lagi kung dala yung flashlight ko. Keychain sya actually kaya magaan dalhin. Pinahiram ko muna sa kanya saglit kesa yung ilaw ng cellphone yung gamitin nya sa paghahanap.
"Dalian mo, hintayin kita dito," sabi ko
Actually dapat di ko na tinutulungan ang babaeng to, naghihintay na nga sa akin si Dark kung anu-ano pa ginagawa ko dito. Medyo kanina pa ako nakatayo sa labas ng room pero napansin kong di man lang gumalaw si Jannela sa kinatatayuan nya.
"Ano ba? Naghahanap ka ba o ano?" pasigaw kong tanong "Natatakot ka ba?"
Hindi sya sumagot pero halata ngang takot sya sa dilim. Pumasok ako sa loob at padabog kong inagaw yung flashlight sa kanya.
"Akin na nga!" sigaw ko "... Saan mo ba kasi nilapag yung notebook mo!"
"Dun yata sa sulok," sagot nya
Medyo malawak ang room na yun, ngunit nagmukhang masikip dahil sa mga magkakapatong na upuan na itinambak duon. Kung sa sulok nya inilapag yung notebook nya. Mga ten step pa bago namin marating yun.
Magkasama kaming pumasok sa loob, hindi pwedeng ako lang ang maghanap nun, malay ko ba sa itsura nung notebook nya. Nasa kalagitnaan palang kami ng paghahanap ng marinig naming sumarado yung pinto ng room kasama yung tunog ng padlock.
Napansin ko rin na pinatay rin yung mga ilaw sa hallway kaya lalong nagdilim yung paligid. Nataranta si Jannela syempre pati ako dahil hindi yata nila alam na nandito pa kami sa loob kaya nagmadali akong bumalik sa pinto pero sarado na.
Pinagtatadyakan ko pa yung pinto "P#@> Ina! Buksan nyo ito! Sh*t ano ba!" sorry for badwords pero malaking problema talaga ito
"Hala anong gagawin natin?" si Jannela
"May load ka?" tanong ko sa kanya, expire pa naman na yung load ko
"Wala," sagot nya
"Badtrip ka!"
Nakakainis talaga yung babaeng to, nandamay pa sa kamalasan eh. Asar! Masisira image ko nito pag nalaman nilang magkasama kami dito sa loob. Kaylangan gumawa ako ng paraan.
"Hawakan mo tong flashlight," utos ko sa kanya
Sumilip ako sa bintana ng room, at dahil second floor lang ang taas nun. Kakayanin kung makababa at isa pa may mga makakapitan ako.
Sakto naman ang katawan ko para magkasya sa bintana kaya madali akong nakalabas. Medyo konti na lang at makakababa na ako pero saglit akong huminto ng may sinabi si Jannela. Nakadungaw sya sa bintana kung saan ako lumusot kanina. Nasa sa kanya yun kung susunod sya sa akin o hinde.
"Huy saan ka pupunta?" tanong nya
"Geez... Baka dyan sa tindahan tapos saka mapapaload noh," sarkastiko kong sagot
"Huh?"
"Joke, ano ba sa tingin mo? Syempre iikot ako tapos ipapabuksan ko yang room na yan para makalabas ka rin. Utak naman please," sagot ko tapos pinagpatuloy ko na yung pagbaba ko
Konti nalang at makakababa na ako pero nagulat ako ng marinig kong tumili si Jannela. Yung mas mahaba tapos tuloy tuloy pa. Nag-alala rin naman ako ng kahit konti, isa pa hindi ko sya makita dun sa bintana kung saan huli ko syang nakita.
Ayokong magpakagentleman kung anuman yun pero napaakyat uli ako para tingnan kung ano yung nakita ni Jannela at bakit sya nagsisisigaw ngayon.
"Anong nangyari?" pagkabalik ko nakatalukbong na si Jannela ng mga kamay nya
"Ipis! Ipis!" paulit ulit na tugon nya
Taragis yan! Sa bwisit ko ako na mismo umapak sa ipis na kinakatakutan nya. Asar talaga. Dahil lang sa ipis napabalik ako ng di oras.
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasiAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...