24: Together

29.3K 387 25
                                    





Capítulo 24: Together

Jhon's POV

Kakaiba itong paskong ito. Sa halip na magcelebrate ako noong pasko at makipagdate kay Dana, na busy lang kami sa pag-aalala kay Raven. Wala syang tulog at ngayon ko lang sya nakitang nagkakaganito. Siguro kung gusto nyo malaman kung bakit sya ganyan mas mainam na basahin nyo na lang yung My Secret Bodyguard.

Basta nakailang araw din kaming pabalik-balik sa ospital. Para naman makalimot daw muna kami sa problema pinagpatuloy pa rin ni Darelle yung Year End Party na matagal na nyang plano.

Kinagabihan, sinundo ko si Dana sa kanila para pumunta nga sa party. Nakasuot sya ng pulang dress. Simple lang pero parang ang elegant sa kanya tingnan lalo na't suot nya yung regalo ko sa kanyang pearl jewerly set. "Beautiful." I murmured.

"Tsk! Wag mo na nga akong bolahin. Tara na."

Tumango na lang ako at inalalayan na syang sumakay sa kotse ko. Kakahiya, sa susunod bibili na ako ng sasakyan na bago. Sa byahe syempre kinukulit ko sya. Hindi ko mapigilang wag sya asarin. Dati kasi dedma lang ako ngayon naaasar na rin sya. At ang cute nya pag nakanguso na sa asar parang gusto ko na bigla na lang halikan yung nguso nya.

Pagkarating namin sa bahay ni Darelle hindi ko man lang nakitang namangha si Dana sa sobrang laki ng bahay. Hindi naman sa minamaliit kong commoner lang ang pamilya ni Dana, ang akin lang iba talaga sila. May kung ano talaga sa kanila lalo na kay Dana. Parang pinalaki talaga sya sa karangyaan. Siguro itatanong ko na lang kung mayaman ba sya dati.

"Oh! Dito na pala kayo." Nilapitan kami ni Darelle. Ang dami nyang daldal at mukhang nasa mood kahit wala syang mga chikababes sa tabi nya ngayon.

Si Raven nagpunta rin pero nasa sulok lang. Si Hal as usual nakahawak pa rin sa gitara nya pero nakangisi na sa akin ng makita ako. Si Amanda, Dana at Lea nasa kusina sila kaagad. Girls talk daw. Kaya kami napagusapan na lang namin yung wala pa. Sila Mia at Bien. Pinagpustahan pa nga namin sila kung kelan magiging sila. Hula ni Darelle ngayong buwan ako naman sa susunod pa. At mali ako dun, kasi pagkarating nila magkaholding hands na yung dalawa. Tsk!

Buong gabi tawanan, kantahan, asaran at kulitan. Kahit na may bisitang dumating kanina at muntikan ng magulo. Masaya buong gabi at halos hindi matanggal ang tingin ko kay Dana. Bawat ngiti nya, kilos nya, irap nya sa akin, at pagtawa nya. Ayokong palampasin yun. Tinamaan talaga ako sa kanya. Sa lahat ng babae sa kanya lang ako naattach ng ganito.

"Bakit mo ako tinitingnan? Pag tayo naaksedente sa kalokohan mo." Pinapagalitan nya na naman ako ngayon. Nagdadrive pala ako at hindi ko mapigilang tingnan syang namumungay na. Ala'una na kasi ng madaling araw.

"Ang ganda mo kasi." Pagbibiro ko pero totoo naman.

"Mas lalong maganda pag nabunggo tayo. Ayusin mo nga yung pagdadrive mo."

"Yes Ma'am."

Hindi ko na sya narinig pang sumagot.

"Dana, kailan mo ako sasagutin?"

"Hindi ko alam."

Ang ganda ng sagot. "Bakit hindi mo alam?"

"Kasi hindi ko pa pinagiisipan."

"Bakit hindi mo pa pinagisipan?" she is glaring. Naasar na siguro. "Wag mo na pag-isipan." Sabi ko ng makarating na kami sa tapat ng apartment complex na tinitirahan nya. "Sagutin mo na lang ako at hindi ka magsisisi." I looked at her. She was looking at me. Her eyes... So captivating.

My Royal Secret✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon