KK 1: SeniorHighschool Graduation & The Shocking Decision

2.3K 55 1
                                    

A/N: Hello :) Pantawid lang po itong Chap 1 sa pinakamain flow ng story. Next Chap is start na po ng pinaka "Story" kumbaga. Salamat po :)

PS. Please Vote and Comment

--

"....May God Bless Us All and Guide Us in our Journey! Happy Graduation To Us!" pagtatapos ng Valedictorian Speech ni Aryann. Nagpalakpakan ang lahat at isa isang tinanggal ang kanilang Graduation hat at tinapon sa ere.

Kahit na may gang yang si Aryann, smart at talented yan.

Umakyat naman sa stage ang Mommy at Daddy niya para yakapin at i-Congratulate siya.

Di mapigilan ang saya niya ng mga sandaling iyon. Para siyang nananaginip. Di siya makapaniwala na kahit basagulera siya at palaging napapaaway ay naka Graduate siya at naging Valedictorian pa!

"Congratulations anak! Were so proud of you! We love you anak!" madamdaming sabi at pagbati ng kanyang ina.

"Maraming maraming salamat po Mommy, Daddy! I love you too both!" sagot niya dito.

"Oh siya, tara na sa mansiyon at magcecelebrate pa tayo" aya naman sa kanila ng Daddy niya.

Naglakad na sila papunta sa kanilang kotse.

Nang makarating sa mansiyon ay di niya inakala na napaka-engrande pala ng selebrasyon na inihanda sa kanya.

"Mom, Dad! This is too much! I never knew na ganito pala kaengrande. Thank you so much Guys! Thanks" pagpapasalamat niya sa magulang.

"You deserve this Son! Were so proud and thankful to you! You don't know how much you made us happy!" madamdamin namang sabi ng Daddy niya.

"Ohh.. Thanks Mom, Dad! I really love you both" aniya sa magulang.

"We love you too son!" pagsagot naman ng Mommy niya.

Naging okay naman ang Graduation Party niya. Pati mga ka-Gang at mga ilan niyang kaklase ay imbitado. Pati ang kinamumuhian niyang kaklase na si Clint ay imbitado rin pero di niya nalang pinapansin. Nandoon din naman ang parents ni Clint at ng iba pa niyang kaklase, parang inisa nalang ang salo salo dahil magkasosyo din naman sa negosyo ang magulang niya at magulang ng ibang kaklase niya.

-----

Pagsapit naman ng gabi ay naginuman sila ng mga kagang niya kasama ang iba pa nilang kaklase. Nandun pa din si Clint at ang mga barkada nito.

"Aryann, san ka pala magco-college?" tanong ng barkada ni Clint sa kanya na si Rudy.

"Ahh sa Ateneo De Davao ako" sagot naman ni Aryann.

"Ganun ba? Tsk. Matatanggap ka kaya dun?" may pagkasarkastikong sabat naman ni Clint sa usapan ng dalawa.

Nag init ang tenga ni Aryann at nanlisik ang matang tumingin kay Clint.

"Hooyy! Puta ka ah!! Bakit di ako matatanggap dun?! Di naman ako mukhang unggoy na katulad mo no! Bwisit na to! Tandaan mo! Nandito ka sa pamamahay ko! Kaya umayos ka! Di mo ata alam ang kaya kong gawin sayo!" galit niya namang bulyaw kay Clint.

Di naman na nagulat pa ang mga kagang niya at ang barkada ni Clint. Sanay na silang makitang nagbabangayan ang dalawa noon pa lang.

"Hey! Calm down! I was just kidding! And oh, I'm scared. I am so scared!" sarcastic pa ring sabi ni Clint rito.

Inirapan niya nalang ito at baka magkagulo pa sila.

"Bakla! Tawag ka dun sa loob ng Mommy at Daddy mo. Ikaw din Fafa Clint" pagtawag sa kanilang dalawa ng kaGang niyang si Ruffy na kagagaling lang sa loob.

Tumayo naman silang dalawa ni Clint at nagpunta sa loob.

"Di pa tayo tapos!" ani Aryann at tinalikuran na si Clint at nagpunta na sa sala nila. Sumunod naman si Clint dito at ngumisi ng mapakla.

"Yes Mom? Dad? Pinatawag niyo daw ako?" aniya sa kaniyang magulang.

"Oo anak. Come with us sa Terrace, may pag-uusapan tayo" ani ng Mommy niya. Sumunod naman siya.

Pagdating sa Terrace..

"Anak, nabalitaan ko yung ginawa ni Clint sayo noon. Kaya sana--"

"Mom! Pano mo nalaman yan?" may pagkagulat niya namang tanong na hindi na pinatapos ang pagsasalita ng ina.

"Sabi ng Tita Rocel at Tito Angelino mo Aryann. Gusto kasi nila na magkaayos kayo" sabi naman ng Daddy niya.

"No! Ayoko Dad! Di niyo alam ginawa niya sakin noon at ayaw ko nang pag-usapan pa yan" may pagtataas ng boses na sabi niya.

"Yes you are! Mag-aayos kayo sa ayaw at gusto niyo. In fact, pagkacollege niyo magshe-share kayo sa isang apartment para maging maayos na ang lahat sa inyo" may pagka awtoridad na sabi ng Daddy niya.

"No Fucking Way Dad! This is unbelievable! This conversation is Done! I will never live under the same roof with that Jerk! Never!" mataray at may pagkamaldita niyang sagot dito at biglang tinalikuran ang huli.

"Aryann! Dont you dare turn your back on me! Aryann!" ani ng Daddy niya pero di na niya ito pinansin at nagwalk out na siya.

Pagbaba niya ng hagdan ay saktong palabas din ng bahay nila si Clint na di maipinta ang mukha.

Pareho silang napalingon sa isa't isa.

"I WILL NEVER LIVE UNDER THE SAME ROOF WITH YOU ASSHOLE/BITCH!" sabay nilang sigaw sa isa't isa.

To be continue...

---
A/N:
Ayos po ba? :) Vote and Comment ka naman :)

Kailangan Kita (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon