Flashback 1 year ago...
Krriiiiiiinnngggggg!!!
Naalimpungatan si Aryann sa alarm clock niya kaya bigla siyang nagising. Pupungas pungas siyang bumangon at kinusot niya ang kanyang mata.
"Anong araw nga ba ngayon?" tanong niya sa sarili.
Tumingin naman siya sa calendar ng iPhone niya.
'Monday?' Sa isip niya.
Napansin naman niyang may nakalagay na note sa Monday at pinindot niya ito't binasa.
"June 04- First day of junior highschool class O_______O First day of class???!!!! Ahhhhhhhh!!" sigaw niya nang marealize at maabsorb niya sa kanyang sistema kung anong araw iyon.
Dali dali siyang pumunta sa banyo at sinimulan niya ang kanyang morning rituals.
Pagkatapos niyang maligo ay bumaba na siya at dali daling nag breakfast.
"Yaya Bing! Sina mommy?" tanong niya sa Yaya Bing niya. Halos sampung taon na nila itong kasambahay at siya rin ang nag-alaga kay Aryann nung bata pa siya.
"Naku anak, pumasok na sa kumpanya" sagot naman ng kanyang Yaya sa kanya na naghahanda ng juice niya.
"Ah ganun ba Yaya. Ang aga naman ata nila?" aniya sa Yaya niya.
"May emergency daw kasi anak eh" tugon naman ng Yaya niya sa kanya.
"Ganun ba Yaya. Palagi namang may emergency eh. Tsk. Nga pala Yaya, sinong driver ang nanjan?" tugon at tanong niya sa kanyang Yaya.
"Ay naku anak, may bagong driver pala tayo. At bata pa. Mga nasa bente dos anyos at mestiso anak. Siya na ang regular na driver mo daw sabi ni Maam" sagot naman ni Yaya Bing.
"Ha? Bago? Si Mang Almon pala? Asan?" sunod sunod na tanong niya sa kanyang Yaya.
"Siya na ang bagong driver ng Ate mo. Sinisante kasi ni Sir si Karding kasi nalaman nilang drug user ito at kalat na sa probinsya nila" Yaya said.
"Talaga Yaya? Naku nakakatakot naman yun. Buti nalang at di niya ginawan ng masama si Ate" ani ko.
"Oo nga anak. Pinagpapasalamat ko nga sa Diyos yun eh. Pati ng Mommy't Daddy mo" ani Yaya Bing.
Tumango nalang siya at pinagpatuloy ang pag kain.
"Yaya una na ako" sabi niya ng matapos siyang magbreakfast.
"Sige anak, mag-iingat ka" ani Yaya Bing sa kanya at humalik na siya sa pisngi nito. Ganyan siya kagalang kahit sa Yaya lang niya.
Dali dali siyang lumabas. May tumigil na kotse pagkalabas palang niya. Agad namang bumaba ang bagong Driver niya.
"Hello, Goodmorning Sir! Ako nga pala si Brent. Ang bagong driver mo. Bago lang po ako" nakangiting bati at sabi sa kanya ng gwapo, matipuno ang katawan, at matangkad na lalaki.
Nagkislap ang mata niya sa nakita. Pero di niya pinahalata ang paghanga niya dito. Baka kasi maging issue ng pamilya nila at baka pagalitan siya ng kanyang Daddy.
"Ah ganun ba. Ilang taon na po kayo?" ang agad niyang tanong dito.
"22 po Sir" ani Brent.
Bigla naman siyang nanlumo sa sinagot nito. Pano kasi 16 palang siya. Ang tanda naman ng crush niya.
(A/N: Crush agad? Bagong kita mo pa nga lang eh. Anladeeee talaga!!)
"Ah ganun ba. Hehehe. Pwede ba Kuya nalang po tawag ko sa iyo?" aniyang nakangiti at mukhang nagpapacute sa kausap.
"Sure thing! Walang problema" nakangiti paring sabi nito.
Bigla naman siyang kinilig dahil dun.
Sa isip niya:
Palihim ko nalang siyang hahangaan. Hahahaha. Haaaanlaaandeee ko talaga!!!!
"Tara na po Sir? Baka malate ka po" ani Brent na nakangiti parin.
Bigla siyang napabalik sa katotohanan galing sa pag deDaydream.
"Naku! Sige Kuya! Tara naaaaaaaaa!!" nagmamadali at natataranta niyang sabi.
Agad naman na siyang pinagbuksan ng pinto nito at agad na silang lumarga.
First day of school ni Aryann sa bago niyang school, which is sa Xavier University. Galing siya ng St. Phillip University. Nagtransfer siya dahil sa kagustuhan ng Daddy niya. Kalaban kasi ng kumpanya ng Daddy niya ang may-ari ng St. Phillips.
Pagdating sa school ay nagpasalamat at nagpaalam lang siya sa kanyang driver. Ngumiti lang ito sa kanya.
Nanakbo agad siya papasok. Nang...
*BOOOOOOOOOOOOOGGGSHHHHHH!!!!*
"Ugh! Fuck! Aray!" sigaw ng nabangga niya.
Si Aryann naman ay natumba din at napaupo.
"WHAT'S YOUR PROBLEM?! TUMINGIN KA NGA SA DINADAANAN MO! PUNYETA KAA!" singhal sa kanya ng nakabangga niya. Nagulat si Aryann pero di siya nagpatinag.
"W-wait-" ani Aryann at hinawakan ang kamay ng nabangga pagkatapos niyang tumayo sa pagkakaupo.
"GET YOUR HANDS OFF ME!!" singhal na naman nito at winaksi ang kamay niya. Tuluyan na itong umalis sa kanyang harapan.
Nagulat siya sa tinuran nito. 'Napakasuplado naman nito' sabi ng isip niya. Tumayo nalang sya at nakita niyang nasa malayo na ang nakabangga niya. They didn't even get the chance to say sorry to each other.
----------------------
A/N: Ayaaaan na poooooo~! Sorry sa matagal kong Update!!! Sana nagustuhan niyo :)
Vote and Comments your reactions Please :)
Si Aeri po yang nasa media🤗🤗
- parkyaniedos -
