1 month later..
Reyna’s pov..
Natapos na ang lahat, tapos na ang patayan sa ford academy.
Nakauwi na kami sa bahay namin, isang buwan na ang nakalipas pero sariwa parin sa ala ala ko ang mga nangyari, hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko habang tinitignan ko ang daan, andito ako sa bintana ng kwarto ko.
Nag iisa lang ako dahil si mommy at daddy ay nag attend ng party dahil birthday ng kasamahan nila sa trabaho kaya heto ako ngayon nag eemote na naman.
“kling…klang…kling…klang..”tunong ng door bell sa labas ng bahay.
Nagtaka ako dahil tiningnan ko ang wrist watck ko sa bisig ko, pasado 8:00 pa..napaka aaga naman nilang umuwi gayong 7 pa sila umalis.
Napabuntong hininga muna ako at saka tinungo ang pinto.
Pagbukas ko ng pinto , laking gulat ko sa nakita, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, nanginginig ang buong katawan ko dahil ang taong ito ay si….
Sir josh,
may nakatarak pang matulis na kahoy sa kanyang dibdib na tinusok ni angelo noong magka engkwentro sila.
Duguan ang mukha nito, tumutulo mula sa kanyang dibdib ang sariwa nitong dugo. Wasak ang bungo nito sa left side bunga ng pagbaril ni grace sa kanya, may mga mumunting utak pa ang malapit ng mahulog sa ulo nito.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa takot at pagtataka.
Imposibleng buhay ito..
Unti unting hinablot ni sir josh ang kahoy sa kanyang dibdib at sinaksak ako sa bakal na iyon.
“ahhhhhhhhhhhh!”impit kong sigaw dahil sa sakit, natamaan ako sa sikmura, tagos ang matulis na kahoy mula sa likuran ko, nakita ko ang pagtulo ng dugo ko sa pinagsaksakan, napatingin ako sa kanya at unti unting naglaho ang paningin ko, kinakapos ako ng hininga.
At iyon ang dahilan na natumba ako at nalagutan ng hininga.
=====
“ahhhhhhhhh!”
Napabalikwas ako ng bangon, isang masamang panaginip lang pala.
Hingal na hingal ako at pinagpapawisan ako ng malapot.
Nagring ang cp ko…
Kinuha ko ito sa side table at binasa..
FROM.LOVE_ANGELO
“HI BABE…MUSTA KANA,,I LOVE YOU,,OO NGA PALA,,PUNTA TAYO BUKAS KINA GRACE DAHIL BIRTHDAY NYA,,”HEHEHE
Napangiti ako sa text na iyon dahil galing pala sa love ko.
Oo nga pala..kami na pala ni angelo,,hehehehe..
Birthday nga pala ni grace bukas..hehehe.
====
Grace pov..
Another day, na naman, birthday ko ngayon pero bakit hindi ako Masaya dahil ba,,wala na ang mga nagging kaibigan ko sa ford academy kahit sa maikling panahon ko silang nakasama, itinuring ko silang pamilya at ate sa kanilang lahat, pero sa isang iglap nawala sila.